Chapter 51: The Repentance

632 17 10
                                    

GABRIEL

Dati, para sa akin lahat ng desisyon ko tama, lahat ng sinasabi ko tama. Pero ngayon, masasabi ko nang nagkamali nga ako. Di ako masaya sa desisyon ko pero di ko alam kung makakabuti ba. Noong nagdesisyon ako, akala ko magiging mabuti ang lahat pero mali pala ako dahil pati ako, sa sarili ko, nasasaktan.

"Gab... What should I wear? Di ko alam kung ano mas maganda dito eh." sabi ni Amelia pagkapasok na pagkapasok niya sa kwarto.

Di ko siya pinansin at tinuloy lang ang pagtatype ko.

"Mas mahalaga pa ba yan kaysa sa akin ha, Gabriel?" sabi ni Amelia saka pilit na hinarap ang mukha ko sa kanya.

Sakal na sakal na ako kay Amelia. Ayoko ng ganitong pagmamahal.

"You can wear what you want, Amelia. It's just a simple party. " sagot ko saka bumalik na sa ginagawa ko.

--
VICKY

"Vicky! Grabe naman! Ang taas ng lagnat ng anak mo! Ano ba kasing ginawa nitong si Lorey at nilagnat?" tanong ni Alex habang hawak ang noo ni Lorey.

Hindi ko rin alam kung bakit bigla na lang nilagnat si Lorey. Naglaro lang naman siya kasama ni John kahapon sa park. Tapos kinagabihan, may lagnat na siya. Siguro dahil nga mahina ang resistensya niya. Diyos ko, sana gumaling na ang anak ko.

"Alex, diyan ka muna ha. Kukunin ko lang yung gamot ni Lorey sa baba." paalam ko saka ako bumaba sa kusina.

Habang kinukuha ko yung gamot ni Lorey, may pumasok sa pinto kaya tinignan ko. Si John pala. Lumapit ako sa kanya.

"Hi, Love!" sabi ko saka hinalikan siya sa pisngi.

"Love, kamusta na si Lorey? Okay na ba siya?" tanong ni John saka umakbay sa akin.

"Mataas pa ang lagnat eh. Andyan si Alex. Binabantayan niya si Lorey. Pagod ka ba? Anong gusto mo?" tanong ko sa kanya sa kinuha yung hawak niyang coat.

"No. I'm okay. Tara dalin mo na yang gamot ni Lorey sa kanya."

Sabay kaming umakyat ni John sa kwarto ni Lorey. Gising na si Lorey at nakikipaglwentuhan pa kay Alex.

"Hi Daddy! Paggaling ko we will play again, di ba?" sabi ni Lorey nang makita niya si John.

Lumapit si John kay Lorey at niyakap ito.

"Oo naman. Basta pagaling ka, okay?" sabi ni John.

"Super okay, Dad!" at nagthumbs up pa ito.

"Lorey, drink your medicine na, come on?" sabi ko saka pinainom na kanya yung gamot.

"Mommy, why nagkakasakit po ako agad? Unlike other children, di po sila nagkakasakit. Am I weak mommy? Di ba po strong ako?" tanong ni Lorey.

"Of course, strong ka. Very strong. Sleep ka na ulit para mas maging strong ka." sabi ko saka hinalikan ang noo niya.

Umayos na ng higa si Lorey at natulog na.

"Vicky, iwan ko muna kayo ah." sabi ni John at lumabas na ng pinto.

Lumipat naman ako sa couch na inuupuan ni Alex.

"Vicky, try mo kaya ipacheck up si Lorey. Maybe something's wrong with her." suggest ni Alex.

I looked at Lorey na mahimbing na natutulog.

"Sige. We will." sagot ko kay Alex.

--

LORRAINE

Gusto ko nang makita ulit si Ate Vicky. Di ko na siya nakita since bumalik na ako ng ibang bansa after that incident to finish my studies. Gusto ko na rin makita ang pamangkin ko.

A Deal Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon