Chapter 66: Trying to Get Her Back

612 18 15
                                    

This chapter is dedicated to Love_Q_msLT who is always there telling us to update. HAHAHA. We love to make you wait  (all of you). Sorry po.

THIRD PERSON

To: G

Where are you? Be early. I hate late people.

Bumangon na si Vicky sa pagkakahiga niya pagkatapos niya i-text si Gabriel. 8am pa lang. Maaga pa. Marami pa siyang oras to prepare herself. Maaga ang klase ni Lorey ngayon kaya di sila makakapagsabay kumain.

Habang nakatingin sa salamin at nagsusuklay, tumunog ang phone ni Vicky kaya lumapit siya rito at tiningnan kung sino ang nagtext.

From: G

Good morning, Madame na beautiful! Nandito na po ako sa parking lot. Inaabangan ko na po kayo. Inagahan ko po talaga para hindi kumunot ang magandang niyong mukha. See you Madame!

Ewan ni Vicky pero napangiti siya ng nabasa niya ang text na yun. Para bang may something yun na nakapagpasaya sa puso niya.

Nilapag niya ulit ang phone niya sa kama at kinuha na ang tuwalya at robe niya para maligo.

xxx

Naghihintay ngayon si Gabriel sa parking lot ng JVL. Nakaupo siya sa ilalim ng puno. Nakangiti pa ito na akala mo ay nanaginip ng pagkaganda-ganda.

Maya-maya pa ay dumating na ang hinihintay niya. Mas lumapad pa ang ngiti nito sa labi. Lumapit siya sa nag-park na sasakyan.

"Good morning, Madame!" bati ni Gabriel kay Vicky pagkababa nito sa sasakyan.

Napatitig si Vicky kay Gabriel for a moment pero tumingin rin ito sa ibang direksyon.

"Uy si Madame! Gwapo po ba ng driver niyo?" sabi ni Gabriel at nagpose pa.

Simple lang ang suot ni Gabriel. Plain white v-neck shirt lang at maong pants. Pero kahit sinong babae, mapapalingon sa kagwapuhan at kakisgisan ng pangangatawan niya.

"Stop it." tinignan ni Vicky si Gabriel ng matalim.

Ngumiti pa rin si Gabriel.

"Madame, ang ganda ng umaga oh, parang ikaw! Ngiti ka naman!"

Inirapan lang ni Vicky si Gabriel at hinagis rito ang susi ng kotse niya.

"Sumunod ka sa'kin. Lock the car door!" sabi ni Vicky habang tuloy tuloy pa ring naglalakad papasok sa loob ng building.

Lahat ng employees na madaanan ni Gabriel, napapatingin sa kanya kaya nginingitian niya ito. Mas lalo tuloy sumama ang tingin ni Vicky kay Gabriel. Pumasok na sila sa elevator.

"Selos ka po, Madame? Don't worry, loyal 'to sa'yo!" sabi ni Gabriel at nagsalute pa.

"Ang pangit mo. You're annoying!" sabi ni Vicky. Pero sa loob loob niya, hindi iyon talaga ang gusto niyang sabihin, kundi "Ang gwapo mo, Babe. 'Wag mo kong tignan ng ganyan. Natutunaw ako!" Siguro kung sila pa, yan na ag sinabi ni Vicky. Pero, hindi na. Kailangan niya na pigilan ang sarili niya sa mga gusto niyang sabihin at ipakita.

"Sus. Nagjojoke si Madame! Tatawa na ba ko?" biro ni Gabriel.

Matalim na tumingin si Vicky kay Gabriel.

A Deal Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon