Chapter 1: Victoria

2.5K 36 7
                                    

VICKY

My hands are still trembling.. Hindi ko alam kung makakaya ko bang umuwi ng Pilipinas to solve the problem of our company. Ako nalang ang pag-asa nina mom and dad. Ang hirap talaga kung nag-iisang anak ka lang. I need to find ways para hindi mauwi sa wala ang ipinundar ng mga magulang ko. I have been in the States for 10 years and I'm already done with college and masteral degree, pero hindi pa rin ako umuuwi sa Pilipinas after all. Siguro kalahati na ng buhay ko ay napamahal na sa bansang ito dahil dito na ako nasanay tumira at makihalobilo sa tao.

"Ms. Victoria Marcial right?" Bati ng katabi ko na pumukaw sa kalaliman ng pag-iisip ko.

He looks so familiar. Have we met already?

"Yes. Hi. You are?"

"I'm Mr. John Alvarez, son of Mr. Eddie Alvarez one of your father's colleagues."

My mood lit up, atleast meron din akong makakausap sa biyahe, para malibang.

"Oh yeah, that's why you look so familiar to me. By the way, saan ka galing? I mean anong ginawa mo sa Chicago?"

Medyo mausisa ang dating, why not? Para may topic diba?

"I have an important business meeting to attend. One of our shareholders na sa Chicago naka-based. Although, pwede naman siyang pumunta sa Pilipinas but you know, he is a busy person. Mabuti nga at naisingit pa itong meeting na ito sa schedule niya. How about you? What are you doing in Chicago?"

So he was already engaged in business matters. Wow. Nakakainggit.

"Well, I spent my 10 years here for my college and masteral degree. Madalang na nga ako umuwi ng Pilipinas tuwing special occassions, something like that. Even Christmas, dito ko na rin naise-celebrate. How hard my life is. Ang hirap mawalay sa pamilya."

Eto na naman ang madramang buhay ko, inuumpisahan ko na naman. It's true na napakahirap mawalay sa magulang at kung alam mong they are working hard just to give you a better life...But I'm so thankful that behind these sacrifices we're facing now, we know na mayroon at mayroong magandang ipapalit ang Diyos.

We talked and talked buong biyahe until someone walked beside me. Hindi ko naiwasang mapalingon dahil  I'm sitting near the aisle.

There's something fell from his pocket. I reached for it and tried to go after him. Pero wala na siya. Lumingon-lingon ako sa paligid but he's already gone. I look for the thing on my hand. It is a locket na may picture ng isang babae na halos may edad at isang batang lalaki around 7-10 years old. Pumunta ako sa lavatory para i-check baka naroon pa siya, pero walang tao.

Lumapit ang isang flight attendant sa akin. "Ma'am we are about to land. Please go back to your seat and fasten your seatbelt. Thank you Ma'am." and then she guided me to my seat. I put the locket in the pocket of my blazer para hindi mahalata ni John na may kakaiba sa akin.

xx

"We are here at NAIA, thanks for trusting Philippine Airlines."

Nagising ako sa boses na nanggaling sa speaker ng eroplano. Nang makalabas ako sa airport I called a taxi para ihatid ako sa bahay.

Am I really ready to face my parents?

I know na napakalaking responsibilidad ang madadatnan ko sa pag-uwi kong ito. Luminga-linga ako sa paligid at nahagip ko ang lalaking nakahulog ng locket pero nang lingunin ko ulit siya ay wala.

Is he real o guni-guni ko lang yun.

I reached for my pocket at naroon pa ang locket. Binuksan ko ulit para i-check ng mabuti at hindi nga ako nabigo. Sa likod ng locket ay may pangalan na nakalagay "GABRIEL".

"Gabriel?" I murmur na napatingin pa sa akin yung driver. So Gabriel pala ang pangalan niya. I checked it again baka may address na nakalagay pero wala na. Gold-plated pa naman at mukhang mayaman ang may-ari.

"Ma'am nandito na po tayo sa may Whiteplains, saan po banda yung sa inyo?" Putol ni manong driver sa kalaliman ng pag-iisip ko.

"Sa may ikaapat po na bahay, sa kanan." I directed him.

Hanggang sa nasa tapat na ako ng bahay. Umalis na yung taxi pagkatapos kong ibigay yung bayad. Nanginginig pa rin ako sa kaba when I pushed the doorbell button. Lumabas si Manang Marta, ang mayordoma namin na halos nagpalaki at nag-alaga sa akin.

"Aysus Vicky, nariyan ka na pala. Bakit di ka nalang nagpasundo, Hija?" Tuloy-tuloy niyang sabi habang pinagbubuksan ako ng gate. Niyakap ko siya ng mahigpit dahil sobrang miss na miss ko siya.

"Okay lang po iyon Manang. Para ma-surprise ang papa at mama. Siya nga po pala, nasaan po sila."

Pasado alas dies na kaya malamang natutulog na sila.

"Ayy hija kakaakyat lamang nila, mayroon pa ata silang pinag-uusapan kaya malamang gising pa ang mga iyon."

Kinuha na niya ang dala-dala kong maleta kaya dagli-dagli akong umakyat para tignan ang aking mga magulang.

Kinakabahan pa rin ngunit narito na ako. Kumatok ako sa pintuan ng Library pagkatapos kong daanan ang kanilang kwarto na wala namang tao. Pinag buksan ako ni Papa na biglang napangiti nang makita niya ako. Tumulo ang luha kong kanina pa gustong kumawala dahil sa pangungulila sa kanila at dulot na rin ng haharapin kong pagsubok sa pag-uwi kong ito. Niyakap niya ako ng mahigpit at lumapit naman ang mama para humalik sa aking pisngi.

"Mabuti't nakauwi ka na Vicky anak. Sobra kitang namiss." Sabi ni mama at patuloy pa rin akong niyayakap.

"Ipapahanda ko na ang kwarto mo para makapagpahinga ka. Alam kong napagod ka sa biyahe. Bukas nalang natin iyon pag-usapan." Sabi ni Papa at bumaba para sabihan si Mang Marta.

"Kumain ka na ba anak? Magpapaluto ako ng paborito mong adobo. Sana nagsabi ka na ngayon na ang uwi mo para nasundo ka namin at nakapaghanda kami ng paborito mong pagkain. Alam kong miss na miss mo na ang mga iyon." Pag-aalala ni Mama. Alam kong nanlalambing na naman sila.

"It's okay Mama, kumain na ako sa eroplano. Sinadya ko po talagang hindi ipaalam sa inyo ang pag-uwi para ma-surprise kayo ni Papa. And besides, ayoko na po kayong abalahin. I can manage myself." sagot ko.

We had a small talk about my stay in Chicago, my life and experience in the country. I also asked about their health status and tried to bring up the topic about our company's problem - which is the main reason why I came home, bu I have realized that it wasn't the time to discuss it. After a few minutes, dad came in the room.

"Okay na ang kwarto mo Hija. Take a rest now, Anak. I know you, baka hanggang alas dose ka na naman magising niyan ng tanghali kapag hindi ka pa nagpahinga." he said pagkapasok niya sa kwarto.

"Yes dad. You really knew me so well. That's why I really missed you. Sige po, matulog na rin po kayo ni Mama. Maaga pa po ang pasok natin bukas." Talagang binigyan ko ng diin ang salitang natin na nagpaaliwalas lalo sa mukha ni Papa. I think, this is what he wanted. Kaya I need to encourage myself to work as hard as he expected and be optimistic.

I carried my sling bag and kissed my parents goodnights on their cheeks.

"Goodnight Dad and Mom. I really really love you both." I said while hugging them so tight. How I missed them so much.

I left them in the Library and walked straight to my room. Gumaan na rin ang dibdib ko na kanina ko pa dinadaing dahil sa bigat na dinarama nito at nakahinga na rin ako ng maluwag. Kailangan ko ng ipahinga ang katawan ko, lalung-lalo na ang isip ko. The best way to start the work tomorrow is to have a clear mind and calm heart, kaya I badly need a rest.

I jumped on my bed after changing my clothes. Matagal-tagal ko na ding hindi nahigaan ito. It's so fluffy and comfortable, just like before. Walang pagbabago kaya inaabot ako ng alas-dose ng gising. This is one of things that I'm longing for.

Before I closed my eyes, I checked the locket again and again to see if there's any information that will lead me to the owner. Nothing. I put it on the bedside table and turned off my lampshade.

"Hahanapin kita." I murmured.

I closed my eyes and fell into deep sleep.

A Deal Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon