Chapter 15
VICKY
Yumuko ako at bumalik sa pagkakaupo. Bakit gano'n ang nararamdaman ko? Parang tama pero hindi. Ang gulo!
"Let's go," mahinang utos ko kay Gabriel
Hindi na siya umimik. Diretso lang ang tingin niya sa kalasada at seryosong seryoso.
xx
Dinala ako ni Gabriel sa isang vacation house nila sa Zambales. Ang ganda rito. Mula sa terrace kitang-kita ko ang green na green na view. Puro puno. Ugh! Ang ganda talaga. Maraming tao rin ang nasa paligid nung lumabas kami. Mukhang mababait silang lahat.
Nagpasya akong maglakad muna sa labas habang pinapalinis at pinapaayos ni Gabriel ang kwarto na tutulugan ko.
Habang naglalakad ako palabas, nadaanan ko isang cabinet sa sala. Maraming pictures ang naroon. picture. Picture ng pamilya niya. Ang cute pala niya nung bata siya. Akala ko pinakacute niya nang picture yung nasa locket niya.
Patuloy lang ako sa pagtingin sa pictures nang may makita akong isang kakaibang mukha sa picture kasama si Gabriel.
Si Amelia siguro siya. Sa litrato ay nakayakap si Gabriel at nakahalik sa pisngi nito. Sus.
Naramdaman ko ang pagkirot sa dibdib ko.
Nagdesisyon na akong lumabas ng bahay. Dahil baka kapag nagstay pa ako sa pagtingin ng pictures, masaktan lang ako lalo. May natanaw akong maliit na playground sa hindi kalayuan. Mga dalawang bahay lang ang layo mula kila Gabriel.
Nilakad ko yun. May mga matatandang ngumingiti sa akin. Siguro dito sila kina Gabriel nagtatrabaho. Nginitian ko rin sila bilang tugon.
Ang daming batang naglalaro. Ang cute nila. Umupo ako sa swing at pinagmasadan ang mga batang naglalaro. Isang lalaki naman ang umupo sa tabi ko.
"Ang saya nila 'no?" sabi ng lalaki.
Hindi ako sumagot. Baka naman kasi hindi ako yung tinatanong 'no!
"Bago ka rito? Saan ka nakatira?" pagsasalita niya ulit.
Tinignan ko na siya. Nakatingin siya sa akin. Ako pala talaga ang kausap niya.
"Ay, sorry ha? Akala ko kasi may iba kang kausap. Ako pala."
Tumawa siya tapos inayos niya ang suot niyang salamin. "Okay lang. Bigla-bigla lang kasi akong sumusulpot rito eh. Ako nga pala si Alfred." He extended his hand. "Alfred Sebasian."
I took his hand and gave him a handshake. "Nice to meet you. I'm Victoria Marcial. Pero dahil mukha ka namang mabait, you can call me Vicky."
"Ano nga pala ginagawa mo dito? Dito ka ba nakatira?" tanong niya
"Uhmm hindi ako dito nakatira, bakasyon lang. Ikaw?" sabi ko.
"Me too. I'm just here for a vacation. Our house is just a walk from here. Dito ako tumatambay kapag gusto ko magrelax. By the way, Victoria Marcial? Hindi ka naman involved sa company ng Marcial sa Manila?" tanong niya.
"Actually, I am," sagot ko
"Wow nice meeting you Ms. Marcial! Dapat pala nagpakilala ako sa'yo nang mas maayos. I'm Architect Alfred Sebastian, the owner of the Sebastian and Associates Architecture and Engineering Firm," nakangiting sabi niya
BINABASA MO ANG
A Deal Of Love
RomanceThis story is a GaLor fan fiction. We dedicate this story to Ms. Lorna Tolentino and Mr. Gabby Concepcion and to all GaLor Bebes out there! This is for you guys! Enjoy! -- They built their love. Then it is ruined by someone's lies. Will they find th...