Chapter 13
GABRIEL
Mali ang ginawa ko sa kanya. Sobrang mali.
Pero bakit ganun parang may naramdaman ako nung hinalikan ko siya? Stop it Gabriel! Si Amelia ang mahal mo at hindi si Vicky!
Di ko makalimutan ang sinabi niya. One month? Antagal non! Hindi ko kayang di siya makausap ng matagal.
To: Toria
One month talaga? Babe naman.Nagreply naman agad siya.
From: Toria
Babe mo mukha mo!xx
The next day, pumasok ako sa trabaho at nagulat ako wala si Vicky sa upuan niya. Tinanong ko ang mga employees ko.
"Andrea, nasaan si Vicky?" seryosong sabi ko.
"Ay sir, Nag file po ng leave. Urgent daw po eh," sagot niya.
Leave? Without me knowing it? I can't believe her. Akala ko ba di lang kami mag-uusap? Bakit siya nag-leave?
Dialling Toria...
"The number you have dialed is either unattended or out of coverage area. Please try your call later."
Ugh. Bakit ba ayaw niyang sagutin?
Lumabas ako ng office ko at hinanap ko kaagad si Andrea.
"Andrea, bakit wala si Vicky ngayon?"
"Sir, di po ba siya nagpaalam sa inyo? Sabi niya po kasi kanina, alam niyo na daw po."
"What? Anong alam ko na? Is she craz-- Uhhm, anyway, please cancel all of my meetings today. Tsaka paki-inform mo si Lorraine that she will take charge habang wala ako."
Napatango na lang si Andrea sa dami ng sinabi ko. Ano ba talaga, Toria? Akala ko ba, hindi lang tayo mag-uusap? Tapos ngayon, hindi na tayo magkikita? Bakit ba ganito ang epekto mo sa akin?
Nag-drive ako papunta sa bahay niya. When I got there, nagdoorbell ako nang nagdoorbell pero walang sumasagot.
Maya-maya, may dumating na kotse. Akala ko nga si Toria, si Mang Pedring pala.
"Sir Gabriel, anong ginagawa niya dyan?"
"Si Vicky po? Kanina ko pa po kasi siya hinahanap eh."
"Ah, si Ma'am Vicky ho? Nagpahatid po sa sakayan ng bus. Gusto pa nga pong dalhin itong sasakyan, eh bawal naman dahil bilin iyon ng mommy niya."
"Ganun po ba? Pwede ko po bang malaman kung saang bus siya sumakay?"
"Ang alam ko po ay sa bus papuntang Batangas siya sumakay. Sige na ho. Sundan niyo na siya. Baka nandoon pa yung bus."
"Whoah! Salamat, Mang Pedring!" masaya kong sabi saka ko tinapik sa balikat si Mang Pedring.
Nagmamadali naman akong nagdrive papuntang bus station. Baka mapigilan ko pa siya. Yung babae naman kasi na 'yun. Gusto pa, hinahabol. Pabebe.
Malapit na ako sa bus station nang mag-ring ang phone ko. Si Lorey.
"Ano na naman ang drama mo, Riel? Bakit ako ang in charged?"
"May out of town meeting ako, Rain. So please.."
"Ugh. Nakakainis ka talaga, Riel! Lagot ka sa akin talaga pagbalik mo!"
BINABASA MO ANG
A Deal Of Love
RomanceThis story is a GaLor fan fiction. We dedicate this story to Ms. Lorna Tolentino and Mr. Gabby Concepcion and to all GaLor Bebes out there! This is for you guys! Enjoy! -- They built their love. Then it is ruined by someone's lies. Will they find th...