Chapter 72: Chaos

641 14 7
                                    

Hello GaLor Bebes! Super sorry for the looooong wait! Hihi. Survey tayo! Anong pwedeng tawag sa ating Vicky-Gabriel love team. Comment niyo please. Hahaha. Salamat. Comment rin kayo about sa chapter. :*

--

AMELIA

Masyado nang magulo ang lahat. Dahil ito kay Vicky. Siya ang puno't dulo nang lahat ng ito. Marami nang nadadamay, marami na siyang idinamay. Pati ang anak ko, naidadamay na rin. Hindi dapat magkaroon ng koneksyon si Nicholo sa kadugo ng babaeng iyan. Ayokong mabahiran ng dugo ng isang malandi, makati at manunulot ang magiging apo ko. Sa lahat ng mga babaeng naglipana sa mundo, bakit ang anak pa ng babaeng iyan ang nagustuhan ng anak ko. Hindi ko gustong saktan si Nicholo dahil malaki din ang iniambag ni Lorey sa mga pagbabago niya sa buhay. I saw his happiness. I witnessed how his face lit up everytime he is with her. Ayoko rin idamay si Lorey kahit na anak siya ni Gabriel sa malanding babaeng iyon dahil wala naman siyang alam sa mga nangyayari pero hindi ko naman matiim na makita ni anino ng replica ni Vicky. Lalong kumukulo ang dugo ko. Dapat makagawa ako ng paraan para ilayo sila sa isa't-isa. Nang walang masasaktan, nang hindi magagalit ang anak ko sa akin. At nang hindi ako ang dahilan para magkalayo sila. Marami na kaming pinagdadaanan ngayon ni Nicholo at ayoko nang madagdagan pa. Kami na lamang dalawa ang magkakampi kaya ayaw ko siyang malayo sa akin. Si Vicky, siya ang dapat sisihin sa lahat ng ito dahil kung hindi siya nanghimasok sa buhay namin ay hindi mangyayari ang lahat ng ito. Dapat talaga niyang pagbayaran ang mga ito. Nararapat siyang kagalitan ng lahat. Hindi na siya nakuntento na agawin sa akin si Gabriel, pati ang anak ko ay idadamay pa niya. Napakawalang hiya niya. Isa siyang salot sa buhay ko, sa buhay namin. Hindi lang ako ang nasasaktan, pati na rin si Nicholo ay nasasaktan.

--
THIRD PERSON

Ang hirap pumili kung sino ba ang dapat mong isaalang-alang. Ang pansarili mo bang kasiyahan o kasiyahan ng anak mo. Pero dahil isang ina si Vicky, mas mabuting siya na lang ang masaktan kaysa si Lorey. Alam niya ang pakiramdam 'non at napakahirap. Hindi niya kakayanin kapag nakita niya itong nahihirapan.

It's only 4 AM. She don't usually wake up early as this but she really can't sleep anymore. Lorey's revelation keeps on running on her mind. She thought of talking to Gabriel but maybe he's still asleep. But because it bothers her alot, she just found herself getting up and walking downstairs. She turned to the aisle where Mang Pedring and Gabriel's room is located. She knocked on the door. She was so nervous but she needs to do this to calm herself.

After a moment, bumukas na ang pinto. It brought out Gabriel na halatang naistorbo sa pagtulog. Gulo-gulo pa ang buhok niya at nagkukusot ng mata. Nang mapansin niyang si Vicky ang nasa harap niya, ngumiti siya.

"Tanghali na ba, Madame?" he asked while smiling but his smile immediately faded when he saw her face. "Wait, natulog ka ba? Tsaka umiyak ka ba? Namamaga ang mata mo, oh." he held my face, "Tara nga, babe. Doon tayo." he held her hand and guided her to the living room.

Umupo kaming dalawa sa sofa. "Ang aga pa pala." he commented, "Bakit gising ka na? Natulog ka ba? Bakit ka umiyak?" he asked worriedly.

She gave him a smile, but a sad one. "Ang hirap pala ng sitwasyon natin 'no?" tears started to fall once again from her eyes down to her cheeks. He wiped her tears using his hands. Then he held her right hand and kissed it. "What happened? Please don't cry..." halatang nag-aalala siya dahil sa mga tingin niya.

"I-I want you to know," I paused, "why our daughter hates you so much..." I started. He looked at me straightly. His eyes were telling her to continue. "Simula nang mamatay si John, hindi na nakumpleto ang ngiti ni Lorey. Yung ngiti niya, hindi umaabot sa mata. I tried everything to bring back the smile she has before but hindi ko nagawa. Hanggang sa luamki na siya, ganun pa rin. But this day came," Gabriel listened to her attentively, "He met someone. Lagi niyang sinasabi na niinis siya rito pero nakikita ko sa mata niya ang kinang at nararamdaman kong masaya siya. Hanggang sa inamin niya sa akin na this guybna kinaiinisan niya ay nanliligaw sa kanya. It was her first time to introduce a guy to me. And taht was so rare dahil hindi naman nakikipag-usap sa kahit sinong lalaki si Lorey bukod kay Bryan na best friend niya. Mula n'on, bumalik na yung ngiti ni Lorey na pinipilit kong pabalikin dati." Vicky smiled, "Then this day came, he introduced Lorey to his mother. Noong nagpaalam sa akin si Lorey, naramdaman ko ang excitement sa boses niya. Pero nang makilala niya ang nanay ng lalalking minamahal niya, naguluhan na siya. Do you want to know why?" Vicky's tears started to fall again. Gabriel nodded slowly kahit kinakabahan siya sa pwedeng sabihin ni Vicky. "Because the father of the man she loves is her ... mother's lover."

A Deal Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon