Chapter 3: Sir Matthew.

189 47 19
                                    

Sinampal ko ang lalaking nakangisi sa harap ko. Ang lakas ng loob niya para halikan ako! Sino ba siya sa inaakala niya?

Hinablot ko ang bag ko at naglakad palabas sa cafeteria. Hindi parin magkamayaw sa hiyawan ang mga estudyante. Mga buset kayo!

Dinala ako ng mga paa ko sa C.R. Magmumumog ako. Pweh! Nalalasahan ko ang cigarettes sa labi niya. Yuck!

Ano bang pumasok sa isip ng lalaking iyon at hinalikan ako? Leche! Nagmumog ako ng nagmumog. Ang baho ng hininga niya. Amoy sigarilyo. Eww!

Si Bryle Trinidad. Leader ng Delta Black. Isang gangster. Isang bad boy. Isang bully. Masisiraan ako ng bait sa lalaking iyon.

Hindi naman siya pangit. Sa totoo lang, maraming nababaliw sa kanya. Kasi daw, ang cool niya. Anong cool dun? Dahil ba maangas siya? Pweh! Nasusuka ata ako.

Aaminin ko, gwapo siya pero ayoko sa tulad niyang may pierce sa tenga. Untidy tingnan. Tapos palagi pang nakaitim. Bagay na bagay lang sa grupo nila. Delta Black.. Tse! Ano bang pakialam ko sa grupo nila.

Besides, hindi ako natatakot sa kanila lalo na sa Bryle na yun. Buset!

Tiningnan ko ang wrist watch ko.

"Waaaahh! I'm late!" Dali-dali kong inayos mga gamit kong nagkalat at lumabas ng C.R.

Late na ako sa subject ni Sir Matthew. Noooo! Hindi pwede ito.

Nasa 4th floor pa yung classroom ko. Bakit ba kasi hindi uso ang elevator dito? Eh ang mahal naman ng tuition fee.

Hingal na hingal ako ng makaakyat. Nakita kong attentive na attentive mga classmates ko sa pakikinig kay Sir Matthew ko. Waaahh! Huhu.

Bahala na, papasok ako ano mang mangyari.

"I'm sorry sir Matthew. I'm late." I apologize.

"Its okay Miss Aurellano. You may sit down." Nakangiti niyang sabi sa'kin. Ang gwapo niya talaga. Supper gwapo niya. Super duper uber.. Aww, OA na te.

Naglakad na ako papunta sa upuan ko ng mapansin si Bessy. Andito na siya agad? Masiyado ba akong matagal sa C.R kanina?

"Pssstt.. bessy, mag-ingat ka na simula ngayon." Sabi niya at humagikgik.

"Bakit?" Automatic na napataas naman ang kilay ko. Natural na yan sa'kin at taas kilay.

"Sinampal mo lang naman si Bryle kaya kailangan mong i-adapt sa sarili mo ang 'run for your life'. Hihihi!" Humagikgik pa talaga siya. Masaya ba siya para sa'kin? Seriously? Magbestfriend ba talaga kami?

Hindi ko siya sinagot. Binaling ko ang tingin ko kay Sir Matthew my Prince Charming. Haaaayy.. Pwede na akong kunin ni Lord kasi nasilayan ko na ang napakatamis na ngiti ng pinakamamahal ko.

Ay, wag na lang pala. May love story pa pala kami. Hahaha!

Natawa ako sa naiisip ko. Sir Matt, sir Matt, sir Matt.. Para kang drugs na nakakaadik. Palihim akong humagikgik. Ang landeeee!

Una ko pa lang kita sa kanya, nabighani na ang puso ko. Siya yung tipong, ngingiti sa kahit na sino. Palangiti siyang tao kaya ko siya nagustuhan. Naaalala ko pa yung araw na bago pa siya..

"Okay class, I'm your new professor in Developmental Reading. I hope that everyone will cooperate in my class."

Sa boses pa lang niya, lahat ng estudyante, tulo laway na, ako pa kayang laglag panty na. Awww..

Hindi pa ganun katanda si Sir Matthew.. He is 25 years old while me 18years young. At ito ang matindi wala siyang girlfriend. Oh diba? May pag-asa pa ako. Siyempre kasi ako ang tinatawag niyang destiny. Hahaha!

"Okay class! Be ready for tomorrow, we will have a long quiz. Thats all, class dismiss!" Yun lang ang sinabi niya at lumabas.

Ano daw? May quiz? Pero hindi ako nakinig.. Waaaahh! Goodluck sa'yo Mina..

Kasalanan to ni sir Matthew e. Siya lang kasi laman ng isip ko.

Tumayo ako para habulin siya, manghihiram ako ng libro at para makausap na rin siya. Palihim akong humagikgik. Malandi na ba ako?

Hindi ko alam kong bakit gustong gusto ko si Sir Matthew, siguro dahil yun ang tinatawag nilang love at the first sight? Naniniwala ba kayo dun?

Ako kasi, yes na yes! Naramdaman ko yan kay Sir Matthew. Medyo matagal-tagal na rin pala akong may hidden feelings sa kanya.

Sabi nila, infatuation lang daw itong feelings na'to. Mawawala rin ito, pero bakit lumipas na ang ilang buwan, siya pa rin laman ng puso ko?

Inlove na nga ako kay Sir Matthew. Walang duda!

A Beautiful Song(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon