Chapter 8: Surprised?

190 47 27
                                    

"Hello Sir Matt? Good evening." Sabi ko ng masagot ko ang tawag niya.

"Good evening Mina.." He answered.

"N-napatawag po kayo?" Tanong ko. Kinikilig na naman ata ako.

"Why are you absent in my class?" Ahhh..

"Ah eh.. may emergency lang kasi sir kaya absent ako kanina." Paliwanag ko. Ang totoo niyan, nahihiya lang akong magpakita sa kanya.

"Next time, let me know if you'll not attend my class, is that clear?" Whooott? Bakit parang galit siya? Luhh.. don't tell me..

"I'm sorry sir," yun lang tanging nasabi ko at ini-off niya na tawag niya. Anyare? He looks pissed..

Kinaumagahan, nagising akong maaga. Wala lang trip ko lang.

Sa lahat-lahat ng araw, ngayon ko pa talaga makikita ang pusit na lalaking ito. Kapag minamalas ka nga naman oh. Pero bakit parang may mga pasa siya? Tsk! Ano pa ba ang aasahan mo sa isang gangster.

Dumiretso lang ako sa classroom ko. Maaga pa naman pero gusto ko lang talaga pumasok ng maaga, siyempre yung mga inggitera, hindi nawawala. Hmp! Mainggit kayo sa beauty ko girls. Haha!

Natapos ang morning class kong napakaboring. Ganyan naman talaga yan eh, wala namang pumapasok sa utak ko. Barado ata ang utak ko kaya kahit ni-isa wala akong natandaan.

Papunta kaming cafeteria ni bessy para maglunch. Nakita naming makakasalubong namin si Sir Matt kaya nagtago ako agad sa likod ni Christy. Teka nga! Bakit ba ako nagtatago. Baliw lang ang peg?

"Good morning sir Matthew." Bati ni Bessy, ahhh! okay fine, babati na rin ako.

"G-good morning Sir Matt." I greeted him with a smile.

Tiningnan niya kami at ngumiti sa'min. Eh? Kagabi para siyang namenopause ngayon naman abot hanggang Mindanao ngiti niya. Bipolar ata? Wag naman.

"Good morning girls." Bati niya sa'min with his sweetest smile.

"Wag kayong ganyan sir, maiinlove ako." Kapal muks na ata ako.

Pero ngumiti lang siya. Bakit ba ang hilig niyang ngumiti? Nakakaadik na eh.

"Inlove na nga yan sa inyo sir." Sabat naman ni Christy. Wow lang ha! Pumaparaan ang bestfriend ko.

"Talaga?" Tanong ni sir Matt na parang na-eexcite. Wait? Parang interesado ata siya.

"Palagi po kayong pinag- " Tinakpan ko ang bibig ni bessy. Nakakahiya ang babaeng ito.

"Wag po kayong maniwala Sir. Nagbibiro lang yan. Halika na nga.." Bulong ko sa babaitang ito.

"Sige sir Matt. Bye!" Kinaladkad ko si Christy papuntang cafeteria.

"Nakakahiya ka bessy." Saway ko sa kanya.

"Sus! Gusto mo naman. Kinikilig ka nga oh.." Tukso niya sa'kin.

"Ssshh.. wag ka ngang maingay. Baka may makarinig at ano pang sabihin. Mahirap na." Sabi ko habang pumipili ng makakain.

Matapos naming umorder, umupo na kami sa bakanteng table.

"Haha! Nahiya pa eh." Sabi niya ng makaupo kami.

"Che! Kung hindi lang kita bestfriend, matagal na kitang ibinitin ng patiwarik." Sabi ko habang kumakain ng my ever so favorite na carbonara. Yummy!

"Ouch! Nakalimutan ko, ganyan ka nga pala magmahal no?" Sabay nguya sa Spaghetti niya. Parang baboy lang eh.

"Hello girls.. Kumusta ka na Mint Nathalie Aurellano?" Sabi ng boses sa likuran ko.

Nilingon ko ang pinanggalinggan ng tinig at halos lumuwa ang mga mata ko sa nakikita ko. HENDE!

"Did I surprised you?"

*****

Sobrang sabaw na update.. Ahihi :) I hope suportahan niyo po ito. Please don't forget to leave a comment and vote. Salamuch!

Enjoy reading ❤

A Beautiful Song(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon