Chapter Thirty-Six

61 4 9
                                    

Nagbabasa ako ng wattpad sa sala nang dumating si Kuya Indigo na puno ng pasa; halos hindi makilala ang mukha nito dahil sa pamamaga ng mukha niya gawa ng suntok.

Nataranta ako at agad na lumapit sa kanya.

"Oh my God kuya! What happened to you?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya.

"I'm fine. I'm fine.." Nanghihinang sambit niya.

Inalalayan ko siyang makaupo ng sofa at dali-daling tumakbo papunta sa cabinet para kunin ang firat aid kit.

"Oh my God!" Mangiyak-ngiyak kong bulong sa sarili ko habang natataranta sa pagkuha ng first aid kit.

"Ate Nita! Magdala ka ng maligamgam na tubig at towel dito sa sala!" Sigaw ko sa katulong namin.

Ilang sandali pa'y dumating si ate Nita dala-dala ang maliit na planggana.

"Jusmeyo! Anong nangyari sa kuya mo Mina?"  Nag-aalalang tanong niya sa'kin.

Hindi ko na siya sinagot sa halip ay binasa ko ang towel at agad na nilinis ang mga pasa ni kuya at nilagyan ng betadine ilan sa mga sugat niya.

"Kuya, what happened?" Kunot-noo kong tanong. Ang mga ni kuya ay halos hindi na maibuka, natamo niya ang magkabilang black eye. Jusko!

Hindi ako sinagot ni kuya. Tumayo siya at naglakad papunta sa kwarto niya. Inalalayan ko na lang siya paakyat sa hagdan.

Nang maiayos ko na ang kalagayan ni kuya sa kwarto niya ay agad akong lumabas. Bumalik ako sa sala at naupo. Ini-on ko ang T.V. Manunuod na lang ako total okay na rin si kuya. Ano kayang nangyari sa kanya? Hindi naman to bago sa'kin ang malamang nakipag-away si kuya pero bakit parang grabe ata ang lagay niya ngayon?

I admit gago ang kapatid ko pero not to the point na masisira ang gwapo nitong mukha sa bugbugan besides--
Naputol ako sa pagmumuni-muni nang marinig ang pagtunog ng cellphone sa gilid ko.

It's kuya Indigo's phone.

Tiningnan ko ang caller I.D. Unknown number ang tumatawag. Tulog na rin si kuya kaya ako na labg ang sasagot.

"Hello-"

"Hindi ka makakapagtago Go! Kung hindi ka magdedesisiyon, madadamay ang mga kapatid mo! Kaya kung ako sa'yo sumama ka na lang sa'min." Mahinahong sabi sa kabilang linya.

Anong  pinagsasabi nito? Anong idadamay?

"Mag-isip-isip ka na Go, dahil nalalapit na ang araw mo!" Dagdag pa nito.

Kinilabutan ako sa nagsasalita kaya pinatay ko ang cellphone saka ibinalik ang atensyon sa T.V.

Sino yun? At anong atraso ni Kuya Indigo sa kanila?

Kinabukasan, tanghali na akong nagising. 1pm pa ang klase ko kaya tinanghali ako ng gising.

Agad akong bumaba at nadatnan ko si Kuya Indigo na nanonood ng T.V. Hindi tula d kagabi na hindi matukoy ang pagmumukha nito. Medyo maayos na ngayon.

"Good morning kuya!" Bati ko.

Hindi siya sumagot sa halip ay itinaas nito ang isang burger tanda nang pagbati sa presensiya ko.

Lumapit ako sa kanya at tumabi.

"Okay ka na ba? Nag-alala ako sa'yo ng bongga kuya." Mahinang sambit ko.

"Salamat pala kagabi bunso. Napwerwesiyo pa kita." Sagot niya habang ngumunguya ng burger.

"Hindi ka na galit sa'kin?" Tanong ko.

Lumingon siya sa'king nakakunot noo. Inakbayan niya ako saka ngumiti.

"Hindi naman ako galit sa'yo bunso. Nagtampo lang ako kasi naman binaliwala mo mga pangaral namin sa'yo ni Kuya Red. Hindi naman ako tutol sa kenkoy na yun e, ang akin lang ayaw kita masaktan kasi kahit saang anggulo hindi kayo bagay." Aniya habang ang mga mata ay nakatuon sa T.V.

A Beautiful Song(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon