Chapter 46: First day

56 4 4
                                    

Nagising ako kinaumagahan sahip sa sinag ng araw na nanggagaling sa bintana. Ang alam ko isinara ko ito kagabi kasi sa sobrang lamig ng hangin. Napaupo ako sa kama ko, may nakita akong usok na nagmumula sa isang tasa na nasa katabing mini table ko lamang.

Kinuha ko ang kape mula sa mesa. May napansin akong kapirasong papel na nakadikit sa tasa. Napakunot ako ng noo. Kinuha ko ito at binasa.

"How's your sleep? Good morning."

Napabuntong hininga ako. Hindi ko lubos maisip na magagawa ni Bryle ang ganito. Sobrang cheessy niya sa totoo lang.

Humigop ako ng kape. Nakaupo lang ako sa kama at nag-iisip sa mga nangyayari. Hindi ako pwedeng magsaya dito samantalang si Kuya Indigo nasa panganib.

Napadako ang tingin ko mula sa kurtinang inililipad ng hangin. Tumayo ako dala-dala ang kape ko.

Nanlaki ang mata ko sa nakikita ko mula sa labas ng bintanang ito. Ang mangasul-ngasol at napakalawak na karagatan. Ang mga alon nito na parang tinatawag ako. Whoah! Nalipat ang tingin ko sa ibaba ng kwarto ko. May isang swimming pool na korting puso! Whoah! This is breathtaking. Ang ganda!

Pinagmasdan kong muli ang karagatan. Napakapresko ng hangin. May ganitong lugar pala dito sa Leyte? Ang buong akala ko wala kasi naman palaging dinadaanan ng bagyo.

Biglang nagring ang cellphone ko. Agad naman akong naglakad palapit sa kama. Inilapag ko sa mini table ang kape saka sinagot ang tawag.

Kuya Indigo calling...

"Hello Kuya?" sagot ko sa kabilang linya. Tumayo ako at lumapit muli sa bintana. Nilalanghap ko ang sariwang hangin.

"Opo, okay lang ako kuya...ikaw? Oo naman. Lola niya po ang may-ari ng resort...opo...sige kuya... bye!" Ibinaba ko na ang cellphone. I sighed. Nag-aalala pa rin kay Kuya.

Naalala ko na naman si Matthew. Aish! Dapat kalimutan ko na siya. Wala siyang kwentang lalaki. Mahalin ba naman ako kahit na kasal na pala siya! Hindi ko lubos maisip na gano'n pala siya.

Binuksan ko ang cellphone ko at binasa ang mga text niya kagabi.

*Mina, bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?"

*Babe, please answer the phone.*

*Let me explain.*

*I can't live without you.*

*Mina please listen to me.*

*I love you so much.*

Isa-isa kong binura ang mga mensaheng iyon. Explain? Para ano pa? Para magsinungaling na naman siya sa 'kin? Lelang niya. Pinalis ko ang mga luhang bumabaybay sa pisngi ko. Pucha! Para akong ibinitin ng patiwarik sa nararamdaman ko.

Naramdaman ko ang pagbukas ng pintuan. Napalingon ako sa pumasok. Isang lalaking naka-sando, nakasuot ito ng blue beach short at nakatsinelas rin ng kulay asul. Namangha ako sa katawan nito, jusko! Parusa na naman ba ito panginoon ko? Dahil kung oo, ito ang pinakamagandang parusa ang naibigay mo sa 'kin. Aww, binatukan ako ng kunsensya ko.

"Naglalaway ka na naman," nakangising sabi niya. Tiningnan ko ang pagmumukha niya. Shet! This is heaven. Kumislap ang earings nito sa kaliwang tenga niya. Nalalanghap ko ang ang pabango niya na dinadala ng hangin papunta sa 'kin. Sheett!

"Gano'n ba ako kakisig para pagpantasyahan mo Mina?"

Natauhan ako ng marinig ko ang precious name ko. Ohno! Si Bryle pala ang nandito sa harapan ko. This is embarassing!

Naramdaman ko ang paglapit niya sa 'kin. Tumalikod ako at hinarap ang bintana. Namumula ako for sure.

"Naghihintay sina Lolo't lola sa baba," bulong niya sa mismong tenga ko. Oh ghad! Bakit feeling ko nang-aakit ang boses nito. Grrr..

A Beautiful Song(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon