Chapter Twenty-Eight

110 38 8
                                    

MINA'S POV

He kissed me AGAIN!

Kumalas siya mula sa kissing session namin. Waahh! Ayoko na talaga!

"Are you out of your mind? Bakit ka ba nanghahalik ha?!" Nakapameywang na bulyaw ko sa kanya.

Bigla na lang may humawak sa kamay ko at hinila ako. Tiningnan ko ang gumawa nun at nagulat nang makita kong si Sir Matthew pala yun.

Bigla ring hinawakan ni Bryle ang kaliwang kamay ko at hinila ako pabalik sa kanya.

Teka! Ano to? Tug of war? Waahh!

"Bitawan mo siya." Mahinahong sabi ni Sir Matt.

Tiningnan lang siya ni Bryle na nanghahamon. Parang walang bibitaw sa kanilang dalawa.

"Teka lang ha! Teka lang, bakit niyo ba ako pinaghihihila? Ano ako? Lubid? Tug of war lang ang peg natin dito?" Hinila ko ang magkabilang kamay. Binitiwan ni sir Matt ang kamay ko samantalang si Bryle ay hawak-hawak parin ang kamay kong hindi natitinag.

"Bryle ano ba? Bitawan mo ang kamay ko dahil kung hindi sisigaw ako." Pagbabanta ko.

"Then do it." Mapanghamong sabi niya.

Nasisiraan na ba siya? Sisigaw pala ha! Sisigaw na sana ako nang hinila niya na naman ako papunta sa kanya and for the second time around he kissed me. Pucha! Namimihasa na'tong lalaking ito a. At sa harap pa mismo ng lalaking mahal ko.

Mahal ko? Bakit pumapasok sa isip ko na ang sitwasyon namin ngayon ay mahal ko o mahal ako? Ngeee.

Si Sir Matt ang mahal ko tapos si Bryle ay mahal ako? Imposible!

"Nakakadalawa ka na Bryle ha! Isa na lang at sasampalin na kita." Inis kong sabi sa kanya.

Hindi siya sumagot sa halip ay nag-smirk lang ito at ngumisi tapos ay naglakad palayo sa'kin.

Buset na lalaking ito. Pinaglalaruan niya ba feelings ko? Aba't!

"Mina.." Hinarap ko ang nagmamay-ari ng boses.

"Sir Matt.." Sagot kp sa kanya.

"I'm so sorry." Naglakad siya palapit sa'kin tapos ay niyakap ako ng mahigpit.

Sa totoo lang wala akong maintindihan sa mga nangyayari. Anong klaseng araw ba ito?

"Nagngingitngit ang kalooban ko dahil sa ginawa niya sa'yo." Bulong niya sa'kin.

Narinig kong nagsi-alisan na ang grupo ni Bryle.

Kumalas ako mula sa pagkakayakap ni Sir Matt. Tiningnan ko siya sa mata. Ipinakita niya sa'kin ang keychain na pinabibigay ko kanina sa guard.

"Salamat pala dito." Saad niyang nakangiti.

Heto na naman tayo, bakit sa tuwing ngumingiti siya nawawala lahat ng sakit?

Ngumiti na rin ako at niyakap siya.

"Please give me another chance Mina. I promise, babawi ako." Seryosong sabi niya.

Sino ba naman ako diba?  Si Papa Jesus nga nagbibigay ng second chance, ako pa kaya na tao lang?

Ngumiti ako at niyakap siya.

"Iuuwi na kita." Mahinang sabi niya sa'kin.

Bigla kong naalala na galit pala sina kuya kay Sir Matt kaya umiling ako. Hindi pa ako pwedeng umuwi dahil class time ngayon, malilintikan na naman ako sa dalawa kong pinakakamamahal na kuya. Sarcasm here!

"H-ha? Wag na Sir, m-may pasok pa ako kaya sa school na ako didiretso." Nauutal kong sabi.

"Wag ka na munang pumasok kahit ngayon lang. I want to spend this day with you Mina." Nakangiting sabi niya.

A Beautiful Song(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon