Chapter 53: Thank You

63 3 5
                                    

MINA

"What are you doing here?" ulit niya. Ayan na naman ang boses niyang walang emosyon.

I sighed. Naglakad ako palapit sa kanya. He is looking at me without any emotion. Tiningnan ko ang mga mata niyang mamasa-masa pa mula sa pag-iyak.

Walang sabi-sabing niyakap ko siya, niyakap ko siya ng mahigpit. Hindi ko alam bakit ko ito ginagawa pero ito lang ang alam kong paraan para damayan siya.

"Ikaw na rin nagsabi, it's okay to cry," bulong ko habang yakap-yakap ko pa rin siya.

Bryle is a tough guy. Iyon ang nakikita ng lahat ngunit ang hindi nila alam, mahina siya pagdating sa pamilya. Gusto niyang ipakita sa lahat na matapang siya, na kaya niya ang lahat pero hindi iyon ang nakikita ko. Alam ko ito dahil na rin sa observation ko no'ng nasa Leyte kami.

"Hindi mo ako kailangang kaawaan Mint Nathalie." Ito ang unang pagkakataong tinawag niya ako sa buo kong pangalan. Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko. A strange feeling.

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya. I met his gaze. Tulad kanina, wala pa rin itong kahit na anong emosyon. Hindi ko alam paano niya nagagawang itago ang sakit na nararamdaman niya.

Umiling ako. "Hindi ako naaawa sa 'yo Bryle, gusto ko lang na pagaanin ang loob mo," mahinang sabi kong nakatingin pa rin sa mga mata niya.

"Well, you're not helping," saad niya bago umalis sa harap ko at lumabas ng I.C.U. Naiwan naman akong nakatayo lamang.

Bumuntong hininga ako. Tiningnan ko si Yukie na nakahiga, may nakakabit na oxygen dito. Naglakad ako palapit sa kanya.

"Yukie..." umpisa ko, "naging mabuti kang kaibigan sa akin. Minsan na ring tumibok ang puso ko sa 'yo," pag-aamin ko. Alam kong naririnig niya ako pero sana naman maliwanagan siya.

"Pero nabalot ka ng matinding galit. Yukie, sana palayain mo na ang sarili mo sa poot, walang magandang maidudulot ito lalo na sa inyong magkapatid." Bumuntong hininga ako ulit. Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa noo.

"Galit ako sa 'yo Yukie dahil sa ginawa mo sa kuya ko, naging miserable ang buhay naming lahat ng dahil sa 'yo pero sana naman pag-gising mo maitama mo na ang mga pagkakamaling ito. You deserve a second chance Yukie, sana huwag mong sayangin once na magising ka, hindi pa man kita mapapatawag ngayon, I know someday, magagawa ko. Time can heal. Bryle needs you, as your brother."

Nanatili lang akong nakatingin sa kanya. Naaawa ako physically and emotionally sa naranasan niya. Sana nga pag-gising mo Yukie, magiging okay na ang lahat.





~~~

"Bessy!" tili ni Christy nang makita ako sa labas ng apartment niya. Nagmadali itong lumapit sa 'kin at niyakap ako ng mahigpit. "Halos isang buwan ka ring nawala ah. Alam mo bang pinag-alala mo ako ng sobra!"aniya.

Ngumiti naman ako. "You don't need to worry naman bessy eh," I responded.

"Kasi naman, susulitin mo pa ang bakasyon eh!" Kumalas siya ng yakap sa 'kin at inangkla ang kamay nito sa braso ko. "Marami kang dapat ikwento sa 'kin niyan." Tumawa naman ako ng malakas.

Dumiretso kami sa malapit na pastry para mag-agahan. Pareho kaming walang breakfast so heto kami ngayon, kakain ng hotcake with hot choco. Ito 'yong favorite tambayan namin dati eh.

"Oo nga pala, about Sir Matthew." Napatingin ako sa kanya pagkabigkas niya ng pangalan ni Matthew. Nakaramdam ako ng tuwa dahil kahit papa'no ay hindi na ako apektado na marinig ang pangalan niya. Sa tingin ko, malaking tulong ang pagpunta ko sa Leyte.

"Bakit?" casual kong tanong habang ngumunguya ng hotcake

"Sigurado na akong hindi talaga kayo magkasama kasi nandito ka na samantalang siya wala pa rin." Napatigil ako sa paghigop ng hot choko ko. I frowned.

"What do you mean?" nagtatakang tanong ko.

"Hindi ko pa ba nasasabi sa 'yo? Nawawala si sir Matthew, magkasabay kayong nawala. Nung tumawag ako sa 'yo dati akala ko nga magkasama kayo kahit na sinabi mong hindi. Hindi ako naniwala sa 'yo no'ng panahong iyon. Knowing you, patay na patay ka sa gurong iyon eh," walang pakialam niyang sabi.

Napangiti ako, naalala ko dati ang mga pinaggagawa ko para lang mapansin niya. Kumibit balikat na lang ako at nagpatuloy sa pagkain.

"Hindi ba talaga kayo magkasama? I mean, hindi ka man lang mag-aalala para sa kanya? Baka nakidnap na 'yon, 'di kaya inabduct ng mga alien." Based on her expression. Natutuwa ako kay Christy. "Teka! Baka malabo lang ang salamin ko sa mata at iba ang ekspresyong nakikita ko sa 'yo!"

"Ano ka ba Christy. Sinabi ko naman sa 'yo 'di ba? Na wala na kami. Isang buwan na ang nakakalipas," walang emosyong sabi ko.

Mas lalong kumunot ang noo niya. Nagtaka naman ako, "oh? What's with the look bessy?" tanong ko. Hindi ko mabasa ang isip ng babaeng ito. Besides, wala naman akong lahing vampire o di kaya'y manghuhula.

"Sabay kayong nawala ni Sir Matthew, ininterview din ang family niya ang tungkol dito pero nanatiling tikom ang mga bibig nila. Alam mo ba'ng may isyung lumabas na nagtanan daw kayo?" Halos mabilaukan ako sa sinabi niya. Seriously? Kung hindi ko alam na may asawa siya, siguro sasama akong makipagtanan sa kanya. Pero napapaisip ako, nasaan kaya siya?

"Dahil nandito ka naman na parang nakamove on lang, ibig sabihin hindi talaga kayo magkasama," aniyang hawak ang tinidor waring may sinosolve na puzzle.

"Paulit-ulit ka naman bessy eh. Hindi nga kami magkasama. Ang kulit mo!" Napailing na lamang ako.

"Ano kayang nangyari sa kanya?" tanong pa niya. I just shrugged as an answer. Wala akong ideya at wala akong planong alamin kung saan siya. Mabuti na 'yong hindi kami magkita dahil hindi ko alam ang magiging reaction ko kapag magtagpo man ang landas namin. Siguro hindi pa ako handa.

Matapos ang halos dalawang linggo ay nakalabas na si Kuya Indigo sa ospital. Masaya ako dahil buo na kaming tatlo ulit. Sana nga wala nang magiging problema.

Nalungkot ako ng nalalamang dalawa sa mga kaibigan ni Bryle at kuya ang napatay ni Yukie. Mabuti nga at si Jejemon boy, buhay pa. Masamang damo talaga.

Napuno ng tawanan ang bahay namin. Halos nandito lahat ng mga kaibigan ni Kuya Indigo at Bryle. Nagkakasayahan sila dahil sa wakas matutuloy na ang kasal ni Ken. Akalain mo ba namang ang gwapong hunk na tulad ni Ken ay ikakasal na pala. Nakabalik na rin si Ate Nita. Natutuwa ako dahil maayos na ang lahat.

Si Yukie naman, nasa hospital pa, still on coma. Wala pa rin siyang kawala dahil bantay sarado ito sa mga pulis. Apat ba naman napatay eh pero umaasa pa rin akong magbago siya, gaya ng sabi ko, he deserve to have a second chance. Dumating din kamakailan ang dad nila pati na rin si lola Beatriz. Inalam nila ang nangyari.

Umakyat ako sa kwarto ko para magpahinga. This is tiring day. Magpapahinga na lamang ako.

Pagkabukas ko ng pinto ay halos mapasigaw ako. Si Bryle, nakatayo sa loob ng kwarto ko. Agad akong pumasok at isinara ang pinto.

"Are you out of your mind? Baka makita ka ni Kuya Indigo at kuya Red, ano pa'ng isipin nila. Anong ginagawa mo-"

Sobrang bilis ng pangyayari. Last thing I know, nakalapat na ang labi niya sa labi ko.

Lumakas ang kabog ng puso ko. Familiar sa 'kin ang feeling na 'to. Ginalaw niya ang bibig niya, huli na bago ko naisip na tinutugon ko ang bawat halik niya.

"Mina..." bulong niya sa tenga ko. Lalong lumakas ang tibok ng puso ko. "Thank you..." dagdag pa nito.


"Thank you for coming into my life."











~~~

Thank you for reading.

Votes and Comments

Enjoy ❤

A Beautiful Song(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon