Chapter Eighteen

131 41 11
                                    

Ilang awit pa ba ang aawitin,
oh giliw ko..

Ilang ulit pa ba ang uulitin,
oh giliw ko ohh..

Tatlong oras na akong nagpapacute sa'yo,
Di mo man lang napapansin ko ang bagong T-shirt ko..

Hindi ba ako namamalikmata? Kumakanta siya! Kumakanta nga siya! At marami ang naghihiyawan.

Ilang isaw pa ba ang kakainin,
oh giliw ko..

Ilang tanzan pa ba ang iipunin,
oh giliw ko..

Gagawin ko ang lahat pati ang thesis mo,
Wag mo lang ipagkait ang hinahanap ko..

Sandali, bakit siya nakatingin sa'kin? Mabuti na lang madilim kaya hindi niya naaaninag ang pamumula ng mukha ko.

Sagutin mo lang ako aking sinta'y walang humpay na ligaya,

Aasahang iibigin ka..
Sa tanghali sa gabi at umaga..
Wag ka sanang magtanong at magduda
Dahil ang puso ko'y walang pangamba,
Lahat tayo'y mabubuhay ng tahimik at buong ligaya..

Narinig ko na ang kantang ito e. Eraserheads ang kumanta nito. Bakit kuhang-kuha niya ang boses? Waaahhh! Feeling ko naman ako ang kinakantahan niya. Ambisyosa talaga ako paminsan-minsan. Pagbigyan niyo na ako.

Ilang ahit pa ba ang aahitin,
oh giliw ko..

Ilang hirit pa ang hihiritin,
oh giliw ko..

Di naman ako manyakis tulad ng iba,
Pinapangako ko sa'yo na igagalang ka.

Shocks! Ang daming naghihiyawan. Ang ganda ng boses niya. Nakakahumaling.

Sagutin mo lang ako aking sinta'y walang humpay na ligaya,

Aasahang iibigin ka..
Sa tanghali sa gabi at umaga..
Wag ka sanang magtanong at magduda
Dahil ang puso ko'y walang pangamba,
Lahat tayo'y mabubuhay ng tahimik at buong ligaya..

Matapos niyang kumanta ay bumaba siya ng stage at lumapit sa banda namin. Ang cool niya.

"Hey, mabuti nakarating ka." Bati niya sa'kin.

"Eh paanong hindi, sapilitan akong isinama ng mga alagad mo!" Pagmamaktol ko.

Tumawa silang dalawa ni Ken. Aba't! Pagtawanan ba naman ako.

Uminom ako ng juice. Nahagip ng mga mata ko ang pagsindi niya ng sigarilyo. Ginaya rin siya ni Ken.. Iba pa rin pala talaga kapag nakikita mo mismo ang taong naninigarilyo. Halatang sanay na sanay silang dalawa e.

Nagkunwari akong napa-ubo.

"Ano ba kayo! Lumayo nga kayo sa'kin kapag naninigarilyo kayo! Alam niyo bang masama sa baga yan. Pati ako madadamay sa kabulastugan niyo e!" Pagalit akong tumayo at naglakad palabas ng buset na lugar na ito.

Binaybay ko ang exit. Lumabas ako sa areang ito kung saan kumanta si Bryle. Andito ako ngayon sa disco club. Ang ingay. Sobrang ingay! Saan na ba yung palabas?

"Aray!" Naramdaman kong may nagtulak sa'kin. Ang sikip naman. Kanina, pagdaan namin dito, hindi naman ganito karami ang mga tao a.

Bigla nalang may humatak sa'kin at hinarap sa kanya.

"Wala ka bang kasama miss beautiful? You can dance with me." At ginilingan niya ako.

"Ano ba! Stay away from me! Wag mo akong hawakan!" Hila ko sa kamay ko na hawak-hawak niya pero wala at siyang planong bitiwan ang kamay ko.

A Beautiful Song(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon