MINA
"Oh? What happened?" tanong ni Lola Beatriz nang makitang kinakaladkad ako ni Bryle pabalik sa kwarto ko.
"Bryle! What's happening?" napalingon ako sa nagsalita? Sino ang babaeng ito? Ahh, siguro one of the cousins ni Bryle.
Dire-diretso lang kami ni Bryle. Sad to say, walang plano ang lalaking ito ang huminto.
Pagkarating namin sa kwarto ko ay agad niya akong pinaupo sa kama. What the heck!
"Ano ba Bryle! Could you please stop whining? Para kang bata!" I just rolled my eyes sabay tayo at pumasok sa banyo.
Pagkalabas ko ng banyo ay nakita ko siyang naninigarilyo malapit sa bintana. Biglang uminit ang ulo ko! Lumapit ako at agad na inagaw sa kanya ang stick ng sigarilyo mula sa bibig nito.
"What the!" he hissed.
"How many times do I have to tell you that stop smoking!" I whined. Nakakainis lang talaga eh. Para naman akong kumakausap sa hangin.
"Ano bang pakialam mo kung naninigarilyo ako?! Ano ba kita?" sigaw niya sa 'kin.
Napako ako sa kinatatayuan ko! Hindi masisink in sa utak ko ang sinabi niya. I can't believe it!
Tumalikod ako at umupo sa kama. Ano ba niya ako? Hindi ba isa lang akong problema sa kanya? Labas naman siya sa problema namin kay Yukie pero heto siya ngayon, tinutulungan kami ngunit ako rin itong nangingialam sa buhay niya. Did I keep on pestering him?
Napalingon ako sa kanya ng biglang tumunog ang cellphone niya.
"Ken," sagot niya. Si Ken pala ang tumatawag. "What?!" nakunot ang noo ko sa reaksyon niya. What's happening? "Okay! Babyahe kami ngayon din." Narinig kong sabi niya sa kabilang linya bago ito tinapos.
"W-what happened?" nauutal kong tanong. Bigla akong kinabahan. Hindi siya makapagsalita.
Huminga siya ng malalim bago magsalita. "Nagka-engkwentro ang grupo ng kuya mo at ni Yukie," walang emosyong sagot niya.
Napasinghap ako. Biglang nataranta. "Si kuya Indigo?What happened to him?"
"Nasa hospital. Get ready, babyahe tayo ngayon din." Tumalikod siya at nag-umpisang humakbang. "We'll be leaving after 5 minutes," pahabol pa nito saka tuluyang lumabas.
Ako naman ay hindi malaman ang gagawin. Agad akong nag-impake. Wala na akong pakialam pa kung naaayos o wala ang pagkakalagay ko ng mga damit ko. Wala pang limang minuto ay lumabas na ako hila-hila ang maleta ko.
Matapos naming magpaalam ay lumarga na kami. Ayaw pa sana kaming paalisin ni lola Beatriz at 'yung babaeng Brittany ang pangalan, kaso we need to go, nag-aalala ako kay kuya Indigo.
INDIGO'S POV
Kasalukuyan akong nagpapahinga nang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Ken. Walang emosyon ang mukha nito. "Nasa byahe na sina Bryle," aniya. Tumango naman ako.
Maswerte pa rin ako dahil nailigtas ako ni Ken. Babarilin na sana ako ni Yukie ng mga panahong iyon at gano'n na lang ang pagkabigla ko ng hindi pala para sa akin ang balang umalingawngaw.
Napabuntong hininga ako. Nasa ICU ngayon si Yukie at nag-aagaw buhay. Ayokong maging masama pero nakaramdam ako ng relief dahil nakaratay siya. Pumikit ako at inalala ang nangyari.
FLASHBACK
Umalingawngaw ang malakas na putok ng baril. Ang buong akala ko ay natamaan na ako ng bala pero hindi ko inaasahan ang pagkatumba ni Yukie sa sahig.
BINABASA MO ANG
A Beautiful Song(Completed)
ЮморSino ang mamahalin mo? • Matthew the professor slash the good boy with hidden secrets? Or.. • Bryle the gangster slash the bad boy with hidden feelings? Sino ang magsasabing.. "because you're a beautiful song in my heart.." • Special thanks to LituS...