Chapter 7: Caller ID

158 49 16
                                    

Lumipas ang 1 week at hindi ko na nakikita ang pagmumukha ng pusit na lalaking iyon. Natakot na ata sa'kin. Brr! Mabuti naman kung ganun..

Hindi parin natitigil ang mga bulung bulungan ng mga stupidents. Instant Celebrity talaga ako. Care niyo ba?!

Hindi na rin ako nabubully. Dapat lang, dahil makakatikim sila ng Mina's punch! Hmp!

Nakita kong naglalakad si Sir Matthew at may dala-dalang files. Lumapit ako sa kanya.

"Hi Sir Matthew.." Bati ko sa kanya at ngumiti.

"Ikaw pala yan Mina.." Sabi niyang nakangiti.

"Ang sarap talaga pakinggan kapag tinatawag niyo ako sa nickname ko Sir Matt.." Sabi ko. Uyy, hindi ako naglalandi a. Kilabutan nga kayo..

Ngumiti lang siya sa'kin.. Ang gwapo niya talaga. Kitang kita dimples niya e.

"Saan po ang punta niyo?" Tanong ko.

"Sa Office. Kagagaling ko lang sa Registrar. May mga inasikaso lang." Sagot niya sa'kin.

"Sir Matt.. okay lang ba na tawagin kitang Sir Matt?" Tanong kong muli.

"Oo naman.. walang problema sa'kin yan Mina.." Tapos ngumiti.

"Bakit wala po kayong girlfriend?" Bigla kong natanong..

Nabigla ata siya sa tanong ko. Totoo naman ah. Bakit wala pa siyang Gf. Tapos, ang bata-bata niya pa para maging head ng Guidance Office. Hmmm..

"Siguro dahil wala pa yung the one ko." Sagot niya na ikinatuwa ko.

"Talaga Sir Matt?" Excited ata ako..

Ngumiti siya.. at tumango. "Ikaw? Bakit wala kang boyfriend?"

Ako naman ang nabigla sa tanong niya. Seriously? Tinatanong niya talaga ako?

"Ah eh.. siguro dahil wala pa rin yung the one ko.." Ginaya ko lang yung sagot niya kanina na siyang ikinatawa niya.

Parang musika ang tawa niya. Hayyy..

"Nakakatuwa ka talaga Mina.." Sabi niya.

"Hindi naman sir. Malay mo, malay natin. Ako pala yung the one mo at ikaw naman ang the one ko.." Tapos tumakbo ako palayo sa kanya.

Nakakahiya. Bakit ko ba nasabi yun? Nahihiya na akong pumasok sa klase niya. Waaahh! Nasisiraan na ata ako.

"Oh Mina.." Tawag sa'kin ni Bessy.

"Bessy!" Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.

"Uyy.. bakit? May problema ba? Binully ka na naman ba?" Tarantang tanong niya.

"Hindi ako papasok sa klase ni Sir Matt mamaya. Nahihiya ako." Todo emote namam ako.

"Bakit?" Tanong niyang nagtataka.

Kumalas ako ng yakap sa kanya. Tiningnan ko siya sa mata at kinuwento ko ang nangyari kanina.

"Sus! Yun lang naman pala. Don't worry, hindi naman yun isasapuso ni Sir Matthew."

"Ah basta! Ayokong pumasok." Sabi ko at naglakad palayo sa kanya. Uuwi na ako.

"Teka naman Mina.. sandali lang." Hinila niua kamay ko.

"Nagjojoke ka lang namam diba?"

"Kailan pa ba ako nagjoke bessy? Sige na.. go go away na ako. Bye!" At umalis na ako.

Pagdating ko sa bahay, naabutan kong nagdidilig ng halaman yung katulong namin. Si Ate Nita.

Dumiretso ako sa bakuran at tiningnan ang alaga kong si Pocholo. Oo, akala niyo nagbibiro ako tungkol kay Pocholo? Totoo si Pocholo.. Isang buwaya, pero hindi pa siya kalakihan.

"Hello Pocholo.." Bati ko sa alaga kong buwaya. Agad naman siyang gumapang. Nakagrills siya para hindi siya makawala at makasabog ng lagim. Mahirap na.

Pinagmasdan ko siya. "Ang laki mo na a." Tiningnan lang ako ng buwaya. Minsan natatakot rin ako sa mga titig niya. Akala mo'y kakainin ka.

Matapos kong makipagchikahan kay Pocholo, pumasok na ako sa loob ng bahay. Nakita kong nagluluto si Ate Nita.

"Hi ate Nita. Hindi po ba pasaway si Pocholo?" Sabi ko habang binubuksan ang ref. Hinahagilap ko ang cookies ni Kuya Indigo. Marami yan dito e. Sisiga-siga lang yun pero mahilig yun sa cookies.

"Sa totoo lang iha, natatakot ako sa alaga mong iyan. Ang sama ng titig sa'kin." Tumawa ako.

"Ganyan talaga yang si Pocholo si Ate. Basta wag mo lang kalimutang pakainin. Marami pa bang karne?" Yes, karne ng baboy, baka, manok ang pagkain niya. Nagrereklamo nga si Kuya Red kasi yung budget namin para groceries nahahati na dahil kay Pocholo.

Magchikahan kami ng konti ni Ate Nita. Wala akong mahagilap na cookies kaya wala akong nakain. Inubos siguro ni Kuya Indigo cookies niya.

Umakyat ako papunta sa room ko. Makapagbasa na nga lang ng Wattpad. Pampalipas oras na rin.

I open my laptop and browse. Maghahanap ako ng magandang Story. I-oopen ko na sana ng biglang magring ang cellphone ko.

Kinapa ko sa kama ang phone ko. Tiningnan ko ang caller ID.

Napabalikwas ako ng mabasa ang Caller ID. Sir Matthew ko :)

Waaaahh! Bakit siya tumatawag?

*********************************

Please leave a comment and vote..

Enjoy Reading ❤

A Beautiful Song(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon