"Saan ka pupunta?" Tanong ni Christy sa'kin ng mapansing nagmamadali akong lumabas.
"Hihiram ako ng libro kay Sir Matthew. Hindi kasi ako nakahabol kanina." Paliwanag ko. Tango lang ang isinagot niya.
Naglakad na ako palabas. Pupuntahan ko siya sa Guidance Office. Siya kasi head run. Sa Elementary at High School. Minsan naman sa college.
Habang naglalakad ako, may humarang sa'kin na mga babaeng clown. Kulang na lang yung kulay ng buhok para certified clown na sila.
"Ang lakas din ng loob mo para sampalin si Bryle a." Satinig ng isang babae na kasing pula ng dugo ko ang lipstick niya.
Tinaasan ko sila ng kilay. "Bakit? Naiinggit ba kayo sa sampal ko? Gusto niyong masampulan rin?"
Tumawa naman ang isang babae. Halatang pilit. Ano bang ipinaglalaban nila? Hayy.. Nakakaawang mga nilalang.
"Dapat nga magpasalamat ka kasi nagkaroon ka ng previlege na halikan ka." Sagot naman ng isang babae na de colores ang pagmumukha. Seriously? Hindi ba sila nahihiya sa ayos ng mukha nila?
"So ayun pala, naiinggit kayo kasi ako hinalikan ng pusit na lalaking iyon? Ang baho ng hininga ng puait na yun, amoy cigarettes. Pahalik rin kayo sa kanya para hindi kao magmukhang kawawa." Flip hair ang walk away from them. Mahirap na masampal ko mukha nila.
Hinawakan ng leader nila ang braso ko. Wow ha! Naghahanap talaga ng away to e. Siyempre hindi ko uurungan to.
"Ano bang ipinaglalaban mo? Hindi ka naman kagandahan.." Sabi niya sa mukha ko. At ako pa ngayon ang hindi kagandahan. Edi wow!
"Bakit ikaw? Anong ipinaglalaban mo? Ang mukha mong mukhang clown?" I provoke her. Nakakainis eh.
"What is happening here?" Satinig ng tao sa likuran ko. Kilala ko kung sino ang nagmamay-ari ng boses na yun. Boses niya pa lang ulam na how much more pa kaya kung hinarap ko siya? Kanin na talaga.. Ohh ano?
"Nothing sir.. May sinabi lang kami kay Mina.. Mina, tandaan mo yung mga sinabi namin ha? Aasahan namin yun." At umalis na silang apat. Mga mukhang dugong!
"Can I talk to you Mina?" Whooot? Mina daw.. Tinawag niya ako sa pangalan ko. Katapusan na ba ng mundo ko? Aww.. Kinikilig ako.
"Yes sir.." Saka ako sumunod sa kanya. Likod niya lang nakikita ko. Ang hot niya. Super hot. Ang sarap yakapin.. Waaahh! At ang bango, ano kayang pabango gamit niya. Makabili nga..
Nang makarating kami sa loob ng office niya. Pinaupo niya ako.
"Nagmeeting ang faculty staff kahapon Miss Aurellano.." Aww, too formal..
"Do you have some problems?" Tanong niyang nagtataka.
"Ammm..problema? Bukod sa pagiging alila ko sa mga kuya ko, at paghanga sa'yo" Bulong ko.. " Wala naman akong problema Sir."
"What did you say?"
"Wala po sir. Ang sabi ko po, wala akong problema." Nakangiti kong sabi.
"Hmmm.. maraming nagrereklamo about sa mga grades mo. Palagi ka raw absent but based on my records, wala kang absent kahit na isa sa subject ko." Malamang, crush kasi kita sir kaya always present ako.
"Hindi na kita kailangang pagsabihan pa nito kasi nasa tamang edad ka na. But I'm concern baka hindi ka makapasa sa ilang subjects mo. 2nd semester na at mathithird year college ka na.."
Whooot? Concern sa'kin si Sir? Really? Unbelievable pero kinikikig ako. Promise!
"Kasi sir..." Paano ba to? Sasabihin ko bang crush ko siya kayat always present ako or dahil boring ang mga prof kung kayat absent ako. Nakakatuyo naman ng utak ito.
BINABASA MO ANG
A Beautiful Song(Completed)
HumorSino ang mamahalin mo? • Matthew the professor slash the good boy with hidden secrets? Or.. • Bryle the gangster slash the bad boy with hidden feelings? Sino ang magsasabing.. "because you're a beautiful song in my heart.." • Special thanks to LituS...