Chapter 57: Christy

46 3 2
                                    

"BRYLLLEEEE!" Sabay kaming napalingon ni Bryle sa isang napakatinis na boses na tumatawag sa kanya.

Isang babaeng tumatakbo papunta sa 'min. She's wearing a light pink dress na may light pink na headband. Napakunot ako ng noo nang makitang light pink din ang shoes niya pati pouch. Seriously? Hindi obvious na light pink favorite color niya 'no? Wait-she looks familiar. Saan ko nga ba siya nakita?

"Shit!" rinig kong bulong ni Bryle kaya napatingin ako sa kanya. Kita ko sa mukha niya ang gulat at pagkainis. Muli kong inilipat ang tingin sa babaeng ngayon ay nasa gilid na ni Bryle na nakatayo, masayang-masaya ang mukha niya.

"Sabi ko na nga ikaw 'yan eh. Hindi talaga ako nagkakamali. Ayaw kasing maniwala ni kuya Elezar eh," habol ang hiningang sabi niya. Pero daw? kuya Elezar? Nandito si ELezar?

"Yow! Kumusta?" Napabaling ako sa nagsalita at nakitang nakapamulsa na nakatayo si Elezar sa 'min. Malapad ang mga ngiti nito sa labi.

"What the heck you doing here?" iritang tanong ni Bryle sa babaeng nakapulupot ang kamay sa braso niya. Eh? Linta much?

Tama! Siya 'yung babaeng nasa resort ni lola Bea. Whoah! Tama. Tama!

"I missed you too Bryle!" tili ng babae at halatang kinikilig ito. Eh? Okay lang ba siya?

"How are you Mina? Nice to see you again," bati sa 'kin ni Elezar kaya ngumiti ako. Naglakad siya palapit at umupo sa tabi ko.

"Okay lang ako," wala sa sariling sagot ko. Nagpatuloy na lamang ako sa pagkain. Natutunaw na kaya ang ice cream ko saka libre ito ni Bryle eh. Sayang naman eh. Speaking of Bryle, ayun...tumayo siya naglakad papunta sa kotse ngunit sinundan siya no'ng babae.

"Ano ba Brittany, mahiya ka nga!" rinig ko pang bulyaw ni Bryle doon sa babae. Ahh, so Brittany is the name. Ang cute niya ah pero bakit parang naiinis ako sa pangungulit niya kay Bryle? Ang sarap niyang hilahin sa buhok eh.

"Mina?" Napalingon ako sa nagsalita. It's Elezar.

"Ha? Ah eh... may iniisip lang ako," I lied. Tss!

Nag-usap lang kami ni Elezar ng kung anu-ano kaya pala sila nandito kasi nabalitaan nila nangyari kay Yukie. Natutuwa ako kasi maraming nag-aalala kay Yukie kahit na alam kong masama siya. Ang dami-dami niya ng kinukwento pero hindi niya man lang nababanggit ang babaeng buntot ng buntot kay Bryle. Kating-kati na rin itong bunganga kong tanungin siya.

"Leave me alone Brittany!" rinig kong sigaw ni Bryle do'n sa babae na ngayon ay nakatungo. Gusto kong matawa dahil mukha siyang basang sisiw.

"Hey Mina! Are you coming or what?!" sigaw niya rin sa 'kin. Aba! Hindi pwerket nawiwili siyang sigawan si Brittany eh sisigawan niya na rin ako. Hindi naman ata makatarungan ito.

Tumayo ako at naglakad papunta sa sasakyan niya matapos kung magpaalam kay Elezar. Elezar's presence makes me awkward everytime magkita kami. Aish!

"Hurry up!" atat na bulyaw pa ng pugitang lalaking ito. Nakakadalawa na siya eh.

Padabog akong pumasok ng sasakyan niya saka pinaharurot ng mabilis. Halos lumuwa naman ang puso ko dahil sa bilis ng pagpapatakbo niya. Pambihira naman itong si Bryle oh! Papatayin niya ba ako?




ELEZAR'S POV

Si Mina at Bryle nga ang magkaharap sa kumakain ng ice cream ba iyon? Masiyadong malamig ang gabi para kumain ng ice cream. Anomg trip ng dalawang iyon?

Without saying any word ay nagmadaling lumabas ai Brittany. "BRYYYLLLLEEEE!" malakas na tawag niya kay Bryle na agad namang napalingon sa kanya si Bryle kasabay si Mina.

A Beautiful Song(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon