Chapter Fifteen

158 46 11
                                    

"Tapos anong nangyari?" Tanong ni bessy sa'kin.

Andito kami sa classroom at busy sa pagrereview para sa long quiz namin sa isang subject. But instead of studying, nagchichismisan lang kami dalawa.

So far maganda ang Tree Planting activity namin kahapon. Ang saya nga e. Todo picture-picture pa kami siyempre kasama si Sir Matthew ko na love of my life ko. Sabbeeehh!

Kinilig pa nga ako dahil may picture kami na kaming dalawa lang. So KELEG talaga!

"Yun nga, namatay ang boy.. sayang, kasi naman ready na sana sila sa pagkakataong ibinigay para sa kanila pero yun nga, dedo si Boy." Kinuwento ko sa kanya ang The best of me na movie. Super like ko talaga yun. Ilang beses ko na ngang pinanood e.

"Sayang naman.." Malungkot na sabi ni Bessy.

"Labas lang ako ha, comfort room lang diyan sa second floor." Sabay tayo at naglakad. Kung bakit ba naman kasi out of order ang C.R dito sa fourth floor. Kainis!

After 1 million years, nakalabas na rin ako sa C.R na'to.. Hmp! Success! Ang sarap talaga ng feeling kapag nakaihi ka. Haha! Ooowwhh!

Naglalakad ako pabalik sa classroom ng mapansin ang nagkukumpulang mga estudyante. Ano na naman ba ang meron?

Siyempre dahil chismosa ako, nakiusyoso ako. Pero nakita ko ang mga Men in Black. Ohno! Sounds trouble for me, dito sila papunta. Nakalimutan ko, nasa 3rd floor pala classroom nila.

Nagpalinga-linga ako, naghanap ng mapagtataguan. Tumakbo ako at pumasok sa stock room.

Ang sikip naman dito. Sumilip ako ng kaunti sa pinto. Nakita kong malapit na sila pero I'm very sure hindi nila ako mapapansin. Haha! Matalino ata to! Hahaha! Evil laugh.

Habang naglalakad, pinagmasdan ko si Bryle. May pierce sa kaliwang tenga, bukas ang polo na kita ang t-shirt sa loob na kulay itim. Bilugang mata, brown na buhok, matatangos na ilong, makikinis na mukha, maliliit na labi na palaging seryoso ang pagmumukha, balingkinitan na katawan, tapos may nakasabit na gitara sa likod niya.. In short, he is totally hot! Ayy! Ang landi ko ata ngayon.

Pero teka! Gitara? May nakasabit na gitara sa likod niya. Hmm.. marunong siyang tumugtog ng gitara?

Nang makalampas na sila sa stock room, nakahinga ako ng maluwag. Lumabas akong pinagpapawisan, ikaw kaya magtago sa maliit na kwartong iyon tingnan natin hindi ka mabaliw dahil sa init. Wala atang pumapasok na hangin dun e.

"What are you doing in that room Mint?" Binaling ko ang tingin ko sa nagtanong sa'kin.

Bigla na lang umakyat ang dugo ko sa ulo nang mapagsino ang nagtanong.

"Nagpapalipas oras," Sabi ko at naglakad palayo sa kanya.

"In that dark and small room? Ang tindi ng trip mo a." Sumunod pa talaga siya sa'kin.

"Pakialam mo ba?!" Pagtataray ko sa kanya. Madaldal e.

"Matry ko nga rin yan.." Sabi niya habang nakasunod parin sa'kin. Sinusundan ba ako ng bitch na ito?

"Hoy babaeng bitch Marian, sinusundan mo ba ako o talagang nang-aasar lang?" Nakapameywang kong sabi sa kanya.

"Grabeng discription yan a. Kaloka! Bitch na ba talaga ako sa'yo Mint? We are bestfriends - "

"Excuse me Marian, let me rephrase your statement, We are bestfriends before, meaning Ex-bestfriend na kita. Hindi ka mapagkakatiwalaan at wala kang kwentang kaibigan!" Sabay talikod sa kanya at naglakad.

"Hindi mo pa rin ba ako napapatawad?" Inosenteng niyang nakasunod sa likod ko. Inosente? Nahh.. hindi bagay sa kanya.

"Ha-ha-ha" I laughed sarcastically.
"Nagpapatawa ka ba Marian? Do you think na mapapatawad pa kita dahil sa ginawa mo sa'min ng pamilya ko? Sinungaling ka!" Binilisan ko na lang ang paglalakad ko, hindi ko siya gustong makausap. Para sa'kin, isa siyang kriminal. Pinatay niya ang walang kamuwang-muwang na bata sa sinapupunan niya.

Nang makarating akong 4th floor, dumiretso ako at umupo agad, sakto rin ang pagdating ng prof namin.

"Class, Let us postpone our long quiz for today because you have a new classmate. Miss Dela Fuente?" Banggit niya sa bagong claamate namin.

Teka? Dela Fuente?

Pumasok ang babaeng nakalugay ang na blonde at mahahabang buhok.

"Shit!" Wala sa oras na mura ko.

"Hello everyone, I am Marian Dela Fuente from St. Bernard University. I hope that we will be friends." Sabi niya sa gitna.

"Okay Miss Dela Fuente, maghanap ka na lang ng bakanteng upuan."

Since yung nasa gilid ko ang nag-iisang bakanteng upuan, naglakad siya papunta rito. Dito siya uupo? What? Don't tell me seatmate kami? Ready your armor guys! I will conduct world war 7! Buset! Kapag minamalas ka nga naman oh.

"Okay lang ba na dito ako umupo sa tabi mo Mint?" Malumanay niyang tanong. Just like she was before.

Hindi ako sumagot sa tanong niya, sa halip ay tiningnan ko lang siya ng masakit.

Ngumiti lang siya at umupo sa tabi ko. Okay! Goodluck!

Hindi tuloy ako maka-conctrate sa pakikinig dahil sa bitch na katabi ko.

Matapos ang klase namin this morning, nagmadali kami ni Christy na lumabas. Pareho kaming naghahabol ng peborit naming pagkain.

Nasa ground floor na kami ng mabangga ako sa isang lalaking kasing tigas ng pader ang katawan.

Natumba ako dahil sa impact.! Waaahhh! So waaahhh!

Tumingin ako sa lalaking nakabangga sa'kin. Whoott?

"Yukie?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

Tinulungan niya akong makatayo. Bakit ba nagkikita kami ng lalaking ito sa disgrace na pangyayari?

*-*-*+*+*-*-*-*-*-*-*+*-*+*-*-*-*-*+-

Please don't forget to Vote and leave a comment. Salamat po ng marami.

Enjoy Reading ❤

A Beautiful Song(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon