Chapter 59: The feeling of love

46 3 1
                                    

MINA

Kagagaling lang namin sa ospital. Nandito kami ngayon ni Bryle sa bahay niya. Hindi ko alam ano na naman ang trip niya at dinala ako dito.

"Bryle hindi mo ba napapansin? Ang weird ni Elezar at ni bessy kanina 'no?" panimula ko ngunit hindi niya ako pinansin. Aba't!

"Paano kaya kung sila ang magkakatuluyan? Bagay naman sila eh," dagdag ko pa pero wa epek pa rin.

Tumingin si Bryle sa wristwatch niya saka tumayo at dumiretso sa kwarto niya.

Eh?

Anong problema no'n?

Umupo na lamang ako sa sofa at ini-on ang TV. Manunuod na lamang ako ng movie.

Maya-maya'y lumabas siya na may bitbit na gitara. Ano na namang drama niya? Alam ko namang magaling siyang gumitara, hindi niya na kailangang ipangalandakan sa 'kin 'yan.

Hinintay kong umupo siya sa tabi ko ngunit walang Bryle ang lumapit sa 'kin. Eh? Nilingon ko ang likod ko at nakita sa nakaawang na pinto palabas, nakaupo ito sa duyan at nag-sstrum ng gitara.

May problema ba siya? Malapitan nga. Naglakad ako palapit sa kanya at umupo sa silyang nasa gilid niya.

If ever you wondered
If you touched my soul, yes you do
Since I met you I'm not the same
You bring life to everything I do.

Nanatili lamang akong nakatitig sa kanya. Hindi talaga ako magsasawang pakinggan ang boses niya. Ang lamig ng boses niya waring nanunuot sa kalamnan ko.

Just the way you say hello
With one touch I can't let you go.
Never thought I'd fallen in love with you..

Nakatitig lamang ako habang patuloy lang siya sa pag-sstrum at pagkanta. Ang puso ko, ang lakas ng pagtibok.

Because of you
My life has changed.
Thank you for the love and the joy you bring.
Because of you I feel no shame.
I'll tell the world it's because of you.

This time, sa mga mata ko na siya nakatingin. Lalong lumakas ang tibok ng puso ko. B-bakit ganito ito?

You captured something inside me
You make allof dreams come true
It's not enough that you love for me
I love you best explains how I feel for you...

Nanatili lang ang mata niyang nakakatitig sa 'kin. Bakit parang kumikislap ang mata niya? Aish! Inilipat ko ang tingin ko sa kalangitan. Nagkikislapan ang mga bituin tulad no'ng gabing nasa park kami.

Because of you
My life has changed.
Thank you for the love and the joy you bring.
Because of you I feel no shame.
I'll tell the world it's because of you.

Ang ganda ng kalangitan. Kumusta na kaya si Pocholo? Naging star din kaya siya? Namimiss ko na siya. Namimiss ko na ang feeling na ganito, ang feeling na nagmamahal.

Nilingon kong muli si Bryle. Patuloy lang ito sa pagkanta habang gumigitara.

The magic in your eyes
True love I can't deny
When you hold me I just lose control
I want to know that I'm never letting you go

Sabi nila, makikita mo sa mata ng tao kung nagmamahal sila o nagsasabi ng totoo. Iba ang nakikita ko sa mga mata ni Bryle. Isang kasiyahan na nababalutan ng kalungkutan.

You mean so much to me
I want the world to see
It's because of you..

Because of you Bryle, natutunan kong maging matatag. Natuto akong lumaban, natuto akong maging matapang.

Inilapag niya ang gitara at lumapit sa tabi ko. Pareho kaming nakatingala sa kalangitan at pinagmamasdan ang mga kumikinang na bituin.

"Isa kaya sa kanila sina mama at papa? Namimiss ko na sila," wala sa loob na sambit ko. Wala akong pakialam kong naririnig niya ako o hindi.

Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko kaya napangiti ako. I always feel good sa tuwing hinahawakan niya ang kamay ko.

"I love that feeling I get when I see your smile," bulong niya. Napalingon ako sa kanya at pinagmasdan siyang nagtatanong.

"B-Bryle," nauutal kong banggit sa pangalan niya.

Please play the song at the media :)


Hinarap niya ako at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

"I'm amazed when I look at you. Not because of your looks but because of the fact that everything I've ever wanted is right in front of me," he said without blinking. Seryoso ba siya sa sinasabi niya?

Nakatitig lamang siya sa mga mata ko, nakatitig lang din ako sa mata niya. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Sana hindi niya marinig.

"What do you m-mean B-Bryle-"

Hindi niya ako pinatapos sa sasabihin ko nang ilapat niya ang labi niya sa labi ko. Dilat ang mga mata ko dahil sa gulat. B-bakit?

Lumayo siya sa 'kin ng konti at tunitigan lamang ako sa mga mata ko.

"Mina..." banggit niya sa pangalan ko.
Nanatili akong nakatitig sa kanya. "I..." he paused. Napakamot siya sa ulo niya. Napakunot naman ako ng noo.

"Ano B-bryle?"

Magsasalita na sana siya nang biglang tumunog ang cellphone niya. Eh? Bwisit. Isturbo naman eh. Gusto ko pa namang marinig ang sasabihin niya.

Lumayo siya ng kaunti sa 'kin para sagutin ang tawag. Naiwan naman akong parang timang ngingiti-ngiti. Waaahhhh! Bakit parang may magic sa kiss? Para akong nanggaling sa marathon dahil sa tibok ng puso ko.

Ano kaya ang sasabihin niya? Anong I kaya iyon? I love you kaya? Waaahhh! Mahal ako ni Bryle? For real? Nahhhh! Kinikilig ako... ayeeeee!

"Mina!"

"Ay love!" tili ko dahil sa gulat. Susulpot ba naman basta-basta eh. Sumimangot ako. "Bakit Bryle?"

"Kailangan kong pumunta sa restobar ngayon. May gig kami," aniya.

Napataas naman ang kilay ko. Anong gig ang pinagsasabi niya? Mukha namang nagets niya ang ibig kong sabihin kasi ngumiti siya.

"Kami kumakanta sa restobar ni Drew," nakangiting tugon niya.

"Talaga?" Para akong batang pinayagang maglaro.

Tumango siya saka ginulo ang buhok ko. "Ihahatid na kita sa inyo." Tumayo siya at sumunod naman ako.

"No, gusto kong manuod Bryle," maktol ko habang nakasunod sa likod niya. Hinarap niya ako at tinitigan.

"You sure?" paninigurado niya. Mabilis naman akong tumango. Siyempre gusto kong manuod 'no! Kinikilig ako sa tuwing tumutugtog si Bryle at hinding-hindi ako magsasawang pakinggan siya.

Ngumiti siya at mabilis akong hinalikan sa labi. Waaahhh! Para saan naman ang halik na iyon? Napalingon ako kay Bryle nang tumawa ito ng mahina. Ano ba problema ng lalaking ito? Baliw na nga ata siya. Tatawa mag-isa eh.

"Tara!" aya niya sa 'kin. Agad akong sumunod at sumampa sa likod ng motorbike niya.

"Namiss ko ang sumakay dito Bryle!" wika ko. Para akong baliw na dinadama ang malamig na simoy ng hangin. Ang ganda ng pakiramdam ko. Ewan ko kung bakit, marahil dahil sa kanya. Hindi nga ako nagkakamali.

Mahal ko si Bryle. Mahal ko na nga siya.

"Umupo ka ng maayos, baka mahulog ka!" sita niya sa 'kin dahilan para umupo ako at niyakap siya ng mahigpit.

Siguradong-sigurado na ako Bryle! Mahal na kita. Totoong totoo!






~~~

MINA is INLOVEEEEE! waaaaaahhh!
lalalabs *^O^*

Thank you for reading

Votes and comments ヽ('▽`)/

Enjoy ❤

A Beautiful Song(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon