Chapter Thirty

101 39 10
                                    

"Mina.." Sagot ko sa kanyang nakangiti. Na-star struck ako sa mga ngiti niya. Nakaramdam ako ng pagkahilo sa tiyan ko. Ano daw? Nahihilo ang tiyan ko? Weird pero totoo. Parang hinahalukay ang mga lamang loob dahip sa nakikita kong ngiti ni Bryle sa'kin.

"Mina.. What a beautiful name. Bagay sa'yo." Then he smiled again.

"Alam mo ba ang kantang prinsesa?" Tanong niya sa'kin.

Umiiling ako para sabihing hindi. Totoo naman e. Malay ko ba sa mga kantang iyan. Ngumiti na naman siya. Sir Matthew! Nasan ka na? Yung ngiti mo lang ang gusto kong makita, hindi ang mapang-akit n ngiting ito ng pusit na lalaking ito!

"Haha! Hindi mo alam? Well, okay lang.." Saka siya lumingon sa likod at tumango sa mga kasamahan niya.

Nag-umpisa nang tumugtog ang drum, piano, at guitar. Siya naman ay nakatingin lang sa crowd at paminsan-minsan tinitingnan ako.

Inilapit niya ang microphone sa bibig niya habang nakatingin sa akin. Sa aking mga mata.

Naka-upo siya sa isang madilim na sulok..
Ewan ko ba kung bakit sa libo-libong babaeng nandun..
Wala pang isang minuto nahulog na ang loob ko sa'yo..

I can feel awkward. So awkward. Bakit pa kasi ako umakyat dito. Kinakantahan niya ako. I can sense it.

Gusto ko sanang marinig ang tinig mo
Umasa narin na sana'y mahawakan ko ang palad mo..
Gusto ko sanang lumapit kung hindi lang sa lalaking kayakap mo..

Tumingin ako sa crowd. Gusto ko sanang i-enjoy dahil dalang-dala na rin ako sa himig niya. Ang ganda ng boses niya. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na kaya niyang kumanta sa kabila ng pagiging ganster niya.

Dalhin mo ako sa iyong palasyo
Maglakad tayo sa hardin ng iyong kaharian..
Wala man akong pag-aari,
Pangako kong habambuhay kitang pagsisilbihan..
Ohh aking prinsesa..
Prinsesa...

Nakatingin siya sa mga mata ko. Bakit pakiramdam ko, tinatawag niya akong prinsesa? Waahhh! This is crazy!

Pagkatapos ng kantang iyon agad akong bumaba sa stage at tumakbo papunta sa kinaroroonan ni Yukie. Kinuha ko si Baby Matmat at tumakbo palayo sa kanya.

"Mina!" Tawag sa'kin ni Yukie pero hindi ko siya pinansin. Tuloy-tuloy lang ako sa pagtakbo.

Nang makalayo-layo ako ay tumigil ako sa pagtakbo. Ano ba itong nararamdaman ko? Tinatraydor ako ng puso ko. Naramdaman kong nariring ang cellphone kaya agad ko itong kinuha.

Si Matthew.

"Babe?" Rinig ko sa kabilang linya. Whoa! Kailan pa kami nagkaroon ng endearment?

"Matthew.." Sagot ko.

"Kanina pa kita tinatawagan pero hindi mo ako sinasagot. Is there something wrong? Where are you?" Sunod-sunod niyang tanong.

"Nandito ako sa-" Bigla na lang itong hinablot nang kung sinong pontio pilato mula sa tenga ko.

Tiningnan ko ang ginawa niya. kinancel niya ang tawag ibinulsa ang cellphone ko.

"Ano bang ginagawa mo?" Naiinis kong tanong sa kanya.

"Nakakainis ka na eh! Bakit ba palagi mo akong ginugulo? Bakit ba palagi mo akong ginaganito? Ano ba ang kasalanan ko sa'yo Bryle?!" Bulyaw ko sa kanya. Totoo naman eh. Lahat na lang ng mga ginagawa ko kinokontra niya. Ano bang pakialam niya sa'kin?

Tiningnan niya lang ako. Nag-uumpisa nang magsilaglagan ang mga luha ko.

"Palagi mo na lang akong binibwisit! Lahat ng ginagawa ko kinukontra mo! Ano ba talaga ang kasalanan ko sa'yo Bryle? ha?! Sagutin mo ako!" Pinagsusuntok ko siya sa dibdib niya. Wala akong pakialam na may makakita man sa amin ngayon. Gusto kong ilabas ang galit ko.

A Beautiful Song(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon