Chapter 49: Danger

68 3 7
                                    

3RD PERSON'S POV

Halatang tensiyonado si Indigo mula sa text na natanggap na nanggagaling umano kay Yukie. Matagal na nilang pinaghandaan ang muling pag-ataki ng grupo nito. Hinihintay na lamang nila ang signal para gawin ang plano.

Kampante na sana ang loob niya dahil nasa malayo na si Mina at kuya Red niya ngunit nitong nakaraang gabi ay nakatanggap siya ng isang text na natunton nito ang kinalalagyan ni Mina. Wala siyang magiging problema dahil kasama naman ng bunsobg kapatid si Bryle.

"Anong gagawin natin pinuno?" tanong ng isang kasamahan niya.

Tumingala siya at pinagmasdan ang kisame. Kumuha ito ng sigarilyo at humithit. Napangiti siya ng maalala si Mina, ayaw ni Mina ang naninigarilyo siya. Miss na miss niya ang naturang kapatid.

"Kailangan kung kausapin si Yukie," wala sa loob nitong sabi na ikinagulat nang nasa paligid.

"Pero Go, pinagplanuhan na natin ang lahat. Masasayang lang ang pinaghirapan natin kung kakausapin mo lang pala siya," pagbibigay opinyon ni Ken na biglaang naging kasapi ng grupo ni Go, ang Agony.

"Alang-alang sa ikatatahimik nating lahat Ken." Humithit muli si Go saka itinapon sa basurahan ang upos ng sigarilyo nito.

"Huwag mong sasabihing babalik ka sa Alas?" nagtatakang tanong ng kanang kamay nito sa Agony.

Hindi sumagot si Go, sa halip ay ngumisi lamang ito.

~~~~

Napagkasunduan nina Indigo at Yukie na magkita na lamang sa isang abandonadong gusali kasama ng mga kapwa tauhan nila. Hindi maipagkakaila ang tensyon. Lahat gustong magpakawala ng suntok.

"Ano na Go? Babalik ka na ba sa Alas?" nakangising tanong ni Yukie. Nakasuot ito ng pulang t-shirt at black leather jacket. Sa isip-isip ni Indigo, nakikita niya ang pagngisi ni Bryle sa sarili nitong kapatid. Magkamukhang-magkamukha ang magkapatid.

"Hindi ko talaga lubos maisip na naging kapatid ka ni Bryle Yukie," ngising ganti naman ni Indigo.

Naglakad palapit si Yukie sa kanya at nginisihan ng sobrang nakakaloko. "Hindi ko siya kapatid at kahit kailan hindi ko siya itinuring na kapatid," aniya.

Biglang pumaimbabaw ang tawa ni Indigo na pinagtaka ng lahat. Tawa lang ito ng tawa na animoy wala ng bukas.

"Ganyan ka na ba kasakim at sarili mong kapatid, itinatanggi mo?" sabi ni Indigo kay Yukie.

Umiling-iling si Yukie saka ngumisi na naman. " Ampon lang si Bryle pero mas itinuring siyang totoong anak kesa sa 'kin." Sandaling katahimikan. Hindi malaman ni Indigo ang irereact mula sa sinabi ng kaharap niya.

Isinuklay nito ang buhok gamit ang kaliwang kamay niya at nagsalita. "So much for my story dude! So ano na? Ayokong magsayang ng oras Go, babalik ka sa grupo o masasaktan si Mina?" Biglang napako si Indigo sa narinig. Umakyat ang dugo nito sa ulo at nakaramdam ng galit.

"Huwag kang magkakamaling saktan si Mina Yukie kung ayaw mong bawian ng buhay," ma-awtoridad na sambit ni Indigo. Nasa tono ng boses nito ang sobrang galit.

Umalingawngaw ang tawa ni Yukie, "sana naman hindi ko hinayaang makaalis sina Mina at Bryle. Si Mina lang pala ang kahinaan mo Go." Naglakad palayo si Yukie. Nagtaka naman ang mga kasapi ni Indigo. Nakita niyang huminto si Yukie at may ibinulong sa kasama nito.

Umarko sa mukha nito ang isang nakakalokong ngiti. "Simulan na natin," sigaw ng lalaking kasamahan ni Yukie.

~~~

"Aray!" sigaw ni Mina ng mahulog ang isang baso at nabasag sa sahig. Nagsabog ang bubog nito.

Nasa loob siya ng kwarto niya at nagmukmok. Ayaw niyang makita si Bryle dahil sa nangyari kagabi. Hanggang ngayon, naguguluhan pa rin siya sa nararamdaman. Nakaramdam siya ng tuwa dahil kahit papa'no bihira niya na lang maiisip si Matthew kahit ilang araw pa lang ang lumipas.

A Beautiful Song(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon