Epilogue: The Final Chapter

64 2 1
                                    

MINA'S POV

"Mahal ko..." napalingon ako sa nagsalita mula sa likod ko. Bumungad sa 'kin ang mapuputi nitong ngipin. Ang mala-tsokolate nitong mga mata at matangos na ilong. "Halika na, naghihintay na sila sa sasakyan," dagdag pa nito.

Pilit akong ngumiti. Tumango ako at dahan-dahang tumayo. Pinagpag ko ang alikabok ng palda ko.

Inilahad ng lalaking nasa harapan ko ang kamay nito dahilan para tugunin ko.

"Tara na?" aniya. Sa huling pagkakataon ay nilingon ko ang puntod niya. Ang puntod ng lalaking minsan ko nang minahal.

R.I.P.
MATTHEW NAVARRO
APRIL 16, 1990-DECEMBER 13,2015

Naramdaman ko ang mga kamay ni Bryle sa mga palad ko. Nilingon ko ito saka siya niyakap ng mahigpit.

It's been 2 months simula nang mawala si Matthew sa 'min, simula nung iniwan niya kami sa makabuluhang mundong ito.

"Sssshhhh... tama na 'yan. Matthew is now happy wherever he is." Pag-aalo ni Bryle sa 'kin.

Kumalas ako ng pagkakayakap sa kanya saka ito tiningnan sa mga mata. I gave him a smack on his lips. Maswerte pa rin ako dahil hindi kinuha si Bryle sa 'kin but at the same time, nagpapasalamat ako kay Matthew dahil binigyan niya ng pangalawang pagkakataon si Bryle na mabuhay.

Tumingala ako sa kalangitan. Nahuhulma ng mga ulap ang nakangiting mukha ni Matthew. Ngumiti rin ako.

"Matthew... thank you so much," I said while leaning on Bryle's shoulder.

"Pre..." narinig kong sambit ni Bryle sa gilid ko. Nilingon ko siyang nakatingala rin sa kalangitan. "Huwag kang mag-alala. Aalagaan kong mabuti si Mina," aniya saka ako inakbayan. Ngumiti ako sa lalaking hanggang ngayo'y hindi ako makapaniwalang boyfriend ko na.

"Matthew..." bulong ko. "Maraming salamat talaga."

"Tara na mahal ko. Baka naiinip na sila sa sasakyan," sabi ni Bryle na ngayon ay nakatingin sa mga mata ko.

I smiled and again, I hugged him tightly.

"Teka... teka...hindi pa magaling ang braso ko, baka mabali." Hinampas ko siya sa balikat. "Aray! Ibang klase ka talaga magmahal Mina..." nakabusangot nitong sambit.

Ngumiti na lamang ako at iginiya siya palayo sa puntod ni Matthew.

"What took you so long lovers?" tanong agad ng dad ni Bryle sa 'min.

Inakbayan ako ni Bryle saka nagsalita, "ito kasing future wife ko dad eh, sobrang nag-eemote. Minsan nga gusto ko ng magselos kay Matthew eh," pagbibiro nito.

Muli ko siyang hinampas na sinabayan naman ng tawa nila.

"Hala! Magsisakay na kayo at malelate na tayo sa graduation ni Yukie," sabat naman ni Lola Bea.

It's so good to know na nagbago na talaga si Yukie. Yes, he is in jail pero dahil na rin sa impluwensya ng pamilya Trinidad kaya napabilis ang paglaya nito.

"Tara na Mrs. Trinidad," bulong ni Bryle sa 'kin. "I love you..." dagdag pa nito dahilan para makurot ko siya sa tagiliran na sinabayan naman ng sigaw nito.

"Kailan n'yo ba balak magpakasal na dalawa?" tanong ni Yukie habang nasa hapag kainan kami.

I jusy looked to Bryle and he smiled. Naku-curious ako sa ganung klaseng ngiti ng boyfriend ko.

"Soon bro..." tanging naisagot na lang nito. Nagpatuloy kami sa pagkain. Marami silang napag-usapan about sa business na wala naman akong kaalam-alam.

A Beautiful Song(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon