Ilang araw rin ang lumipas at nalalapit na ang sembreak namin. Ilang araw na rin ang lumipas bago ang pag-uusap naming iyon ni Sir Matthew. Ilang aras na rin akong hindi pumapasok sa klase niya. Wala akong pakialam kong bagsak man ako.
Ang tanging nasa isip ko lang ngayon ay ang umiwas sa kanya. Alam ko namang kahit kailan hindi ako magugustuhan ni Sir Matt eh. Ako lang naman itong feelingera, ambisyosa, ilusiyonada, at kahit ano pang word na nagtatapos sa A.. yun na ako. Huhu.
Papunta ako ngayon sa mall dahil tinext ako ni Yukie na mamasyal daw kami. Mabuti na rin siguro yun kesa naman magmukmok ako sa bahay.
Naging close friends rin kami ni Yukie. Mabuti na lang at nandiyan siya palagi para makausap ko. Hayyy. Buhay nga talaga oh.
Papasok na ako ng mall nang masilayan si Yukie na kumakaway. Agad naman akong lumapit sa kanya.
"Ang tagal mo naman." Pagrereklamo niya.
"Sipain kita diyan e. Ikaw na nga itong sasamahan ko, ikaw pa itong nagrereklamo diyan. Makauwi na nga." Agad akong tumalikod pero hinagip niya naman ang kamay ko.
"Oppss! Wag ka ng magalit. Binibiro ka lang e. Ikaw naman." Paglalambing niya.
"Tse! Itapon kita sa Planet Mercury e at nang maletchon ka." Pagmamaktol ko.
Tumawa siya ng malakas. May nasabi ba akong nakakatawa? Minsan talaga itong si Yukie, hindi ko maintindihan.
"Halikana nga.. manuod tayo ng sine.. showing na Fast and Furious 7." Aya niya sa'kin sabay hila. Sa tingin niyo, makakahindi pa kaya ako sa ginagawa niyang paghila sa'kin papunta sa cinema center? Kaloka!
Kahit na close kami ni Yukie, marami pa rin akong hindi alam sa kanya. Hindi naman kasi ako matanong at hindi naman siya makwento. Mas mabuti na yung wala akong masiyadong alam sa kanya.
Matapos naming manuod na sine ay naglibot-libot na kami. Kinukwento niya yung kapatid niya basagulero. Naalala ko naman tuloy si Kuya Indigo. Basagulero yun pero mahal ako nun.
Pumunta kami sa Penshoppe. Namili siya ng ilang damit. Ang yaman ng lalaking ito e. Branded ang mga gamit. Inggit tuloy ako. Ako nga mga mumurahin lang gamit ko. Kuripot kasi ni Kuya Red e.
Maya-maya'y hinila niya na naman ako. Pupunta daw kaming starbucks. Magliwanag naman tuloy ang pagmumukha ko. Sino ba ayaw makapaglaro sa starbucks? Waaahhh!
Lahat ng available na laro, ay nilaro namin. Siyempre sinunggaban ko na, libre e. Haha!
Nakaramdam kami ng gutom at nag-aya siyang kunain muna kami. Pumunta kami sa Mang Inasal. Unlimited Rice kaya dun kaya gora agad kami. Daig pa namin ang mga batang nawawala.
We are heading our way to Mang Inasal nang mapansin ni Yukie ang isang shop. Its a couple shirt shop. Hinila niya ako papunta dun.
Nahiya naman ako sa lalaking ito. Ang lakas makahila.
May nakita siyang Couple shirt na color white tsaka may nakadrawing na kupido ang isa, samantalang ang isa naman ay napana na heart. Sa likod naman ay may nakasulat na I'm happy to with her, yung isang shirt naman ay, I'm lucky to be with him.
Kinuha ito ni Yukie at binayaran sa counter. Okay lang ba ang lalaking ito? May sayad ata e.
Matapos bayaran ay hinila na naman niya ako papunta sa dressing room.
"Here! Isuot mo yan." Sabay itsa sa'kin ng kapartner na couple shirt. Hello? Papasuutin niya ako nito na hindi ko naman siya boyfie. Naloloka ako sa pag-iisip ng lalaking ito.
"Ayoko nga. Hindi naman kita boyfriend para suutin yan." Reklamo ko.
"Sige na. Ngayon lang naman e. Pagbigyan mo na ako. Date kaya natin to." Pagmamakaawa niya.
Wala naman masama. Pagbibigyan ko na lang ang mokong na'to. Total ngayon lang naman e.
"Ang swerte mo naman para magkaroon nga ganito kagandang girlfriend." Sabi ko sabay pasok ng dressing room. Narinig ko naman ang halakhak niya. Baliw talaga.
Matapos kong magbihis ay lumabas na ako.
"Wow! Bagay na bagay po talaga ni Sir Ma'am." Sabi ng saleslady sa'min.
Ngumiti naman ang mokong sa tabi ko.
"Excuse me, hindi ko boyfriend ang lalaking ito." Turo ko kay Yukie na nakangiti.
"Ay, sayang. Ang ganda niyo po tapos ang gwapo at cute niya pa. Sibrang bagay niyo kaso hindi pala kayo." Nalungkot na sabi ng saleslady.
This time ako na naman ang humila sa lalaking ito palabas ng shop.
"Tingnan mo, napagkamalan tuloy tayong Mag-syota." Sabi ko while pouting.
"Sus!" Ginulo niya ang buhok ko.
"Tutuhanin na lang kasi natin." Nakangiting sabi niya.
Umangat naman ang ulo ko. Alam kong nagbibiro lang ang bwisit na lalaking ito. Ginugoodtime ako e.
"Gutom lang yan Kie. Halikana nga." Nauna akong naglakad. Hinabol niya naman ako at sinabayan sa paglalakad papuntang Mang Inasal.
We are now waiting for our order nang mapansin ko ang dumaang babae sa gilid ko. Familiar sa'kin ang amoy na yun.
Sinundan ng mga mata ko ang babae at ganun nalang panlalaki ng mga mata ko nang makita si Marian kasama si Sir Matthew. Ohno!
Bakit sila magkasama? Si Marian ba ang dahilan kung bakit ayaw ni Sir Matthew na maging kami? Dahil si Marian ang gusto niya at hindi ako?
"Mint? Why are you crying?" Nag-aalalang tanong ni Yukie sa'kin.
Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Pero bakit? Dahil ba nasasaktan ako?
"Uwi na tayo Kie." Sabi ko tsaka tumayo.
Pagkatayong-pagkatayo ko, nasagi ko ang dala-dalang pagkain ng crew at natapon. Nakagawa tuloy ako ng eksena dito.
Tiningnan ko ang kinaroroonan nina Marian at sir Matthew ngayon na sila ring nakatingin sa'kin.
Tumayo si Sir Matt at lumapit sa gawi ko.
"Mina? You okay?" Tanong niya sa'kin.
Lumayo ako sa kanya na parang nandidiri. Tiningnan ko si Marian na nakangisi sa'kin. Tama nga ako! Kahit na kailan wala nang pag-asa pang magbago ang babaeng iyan. Isa siyang salot.
Kaya ba siya bumalik dito para guluhin na naman ako? Hindi pa ba siya nakuntento sa ginawa niya kay kuya noo? Halang ang kaluluwa niya. Dapat sa kanya masunog sa impyerno.
Hinawakan ni Sir Matt ang kamay ko. Iwinakli ko iyon at naglakad palabas sa fastfood.
"Mina.." Rinig kong tawag niya at ni Yukie sa'kin.
Hindi ako huminto at dire-diretso lang sa paglalakad hanggang sa maabutan ako ni Yukie.
"What happened? Diba yung prof mo yun?" Nag-aalalang tanong niya sa'kin.
Napahagulgol ako. Niyakap naman ako ni Yukie. Wala kaming pakialam kung marami man ang nakatingin sa'min. Ang gusto ko lang ay umiyak nang umiyak.
"Shhh.. I'm here. I'm here.." Rinig kong sabi ni Yukie.
Patuloy parin ako sa pag-iyak. Ang sakit-sakit lang talaga e. Para akong niloko.
"Mina.." Rinig kong sambit ng isang lalaking naging sentro ng mundo ko.
Lalo akong umiyak. Hindi ko siya gustong makita. Ayoko siyang marinig.
"Mina.. please talk to me." Pamimilit niya.
Nakayakap parin ako kay Yukie. Nabasa ko na ang damit niya. Iyak lang ako ng iyak.
Nararamdaman ko na ang bulungan ng mga tao sa paligid.
"Kie, bring me out in here." Pakiusap ko kay Yukie.
"Mina please.." pagmamakaawa ni Sir Matthew.
"I'm sorry sir pero I think ayaw kayong maka-usap ni Mina. Aalis na po kami." Magalang na sabi ni Yukie kay Sir Matthew.
Saka iginiya ako ni Yukie palabas ng Mall.
BINABASA MO ANG
A Beautiful Song(Completed)
HumorSino ang mamahalin mo? • Matthew the professor slash the good boy with hidden secrets? Or.. • Bryle the gangster slash the bad boy with hidden feelings? Sino ang magsasabing.. "because you're a beautiful song in my heart.." • Special thanks to LituS...