Chapter 58: Destiny

40 4 3
                                    

CHRISTY'S POV


Naiinis talaga ako kay bessy eh! Pinapunta ako sa Sweet's Ice Cream Station and found out na wala naman pala siya doon. I tried to call her pero out of coverage naman ang cellphone niya. Aish!


"Ano ba naman 'yan! Malalagot talaga sa 'kin ang babaeng iyon!" sabi ko sa sarili ko. Ayaann, pati sarili ko kinakausap ko na.


Naramdaman kong may tumabi sa 'kin lalaki. Ang amoy niya, nililipad ng hangin papunta sa 'kin. Titingnan ko na sana siya nang huminto ang taxi sa harap ko. Wrong timing naman oh. Wala na akong nagawa kaya sumakay na lamang ako.



Habang papalayo ang taxing sinasakyan ko, lumingon ako sa lalaking iyon and to my surprise, ang gwapo niya. Minsan na nga lang ako maglalandi sa isang papable naudlot pa. Teka! Nakatingin ba siya sa sinakyan kong taxi?


"Saan ka Miss?" tanong ng driver. Napalingon ako sa kanya saka ngumiti.


"Sa Sampaguita Street po manong." Kinuha ko ang cellphone ko at dinial muli ang number ni bessy ngunit gano'n pa rin. Out of coverage pa rin. Hmmm...tawagan ko kaya si Bryle?


Pangatlong ring pa lang ng cellphone ay sinagot na ni Bryle ang tawag.

"[What?!]" bungad niya sa cellphone. Eh? Mainit ata ang ulo niya. Wrong timing ata ako.

"Ay, hindi bali na Br-"

"[Iuwi mo na kasi ako pugita ka!]" Boses ni bessy 'yon ah?


"[Will you shut up? Gusto mo bang mabangga tayo?]" rinig kong sigaw na naman ni Bryle.


Ano pa ba ang aasahan ko sa dalawang ito. Para silang aso't pusa. Hindi na ako magtataka kung sila ang magkakatuluyan. Ayeee... boto naman ako kay Bryle eh.


"Magkasama kayo ni Bessy?" tanong ko sa kabilang linya. Malamang! Boses kaya 'yon ni bessy. Bobita talaga ako minsan. Nahahawa kasi ako kay Mina eh.


"[Oh!]" bulyaw na naman ni Bryle.

"[Sino 'to?]" inosenteng tanong ni bessy.


"[Kaibigan mo!]" ani Bryle.


"[Bessy!]" matinis na sambit ni bessy sa 'kin. Masisira eardrums ko sa babaeng ito. "[Sorry talaga! Ito kasing si Bryle, nag-ayang umalis kaagad. Nakakainis nga eh,]" paliwanag niya.


Ibibigay ko kasi 'yung ilang libro na pag-aaralan niya. Alam n'yo na. Late enrollee 'yang babaitang iyan eh. So I'm helping her to coup up the lesson pero pasaway talaga ang babaeng ito. Hindi ba naman pumasok sa klase kanina.

"Nasaan ka ba? Idadaan ko na lang sa 'yo ito," humihikab na tanong ko.


"[Ay huwag na bessy. Ikaw ang nasaan? Kami na lamang ang pupunta,]"


"I'm on my way home." Mabuti na ring kunin niya na lang sa apartment. Gusto ko na ring magpahinga.


Ibinaba ko ang tawag at saktong nasa harap na ako ng gate ng apartment ko. "Manong dito na lang ho, eto ho bayad," ani ko saka lumabas.



Pagkapasok ko ng apartment ay napasalampak agad sa kama ko. Busog pa naman ako. Hihintayin ko na lamang sina bessy.


I'm half asleep when someone called my name. Si Bessy na siguro. Kaya napatayo ako para buksan ang pinto.


"Sorry talaga bessy ha! Naisturbo pa kita. Heto nga pala, baka hindi ka pa nakakakain, ipinagbalot kita ng hapunan." Nakangiting inabot sa 'kin ni bessy ang dala niyang plastic.

A Beautiful Song(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon