"Bakit parang nakakita ka ng multo Mint?" Tanong niya sa'kin.
Kung may iniinom lang akong tubig, siguro naibuga ko na sa pagmumukha ni Christy.
"Ngayon ko lang nalaman na naputulan pala ng dila itong bestfriend mo Christy." Sabi niya at ngumisi. Umupo siya sa kaharap kong upuan.
Tumayo ako. Aalis na lang ako. Ayoko ng gulo.
"Hindi mo ba namiss ang matalik mong kaibigan Mint?" Nakangising sabi niya.
"Ha-ha-ha!" I laughed sarcastically. "Matalik na kaibigan? Hindi ka ba nasusuka sa mga pinagsasabi mo?"
"Oh Mint.."
"Don't you dare call me Mint or else.."
"Or else what? Gagawin mo ang bagay na hindi mo nagawa sa'kin noon? C'mmon Mint.. that was 3 years ago and we are still high school. Let us forget everything." Nakangisi pa rin siya. Yung parang nanunukso. Nakakapikon.
"Yeah! Sabi mo nga, forget everything. I'm sorry but I don't know you anymore.. kasama ka sa mga kinalimutan ko." And I walk away.
Tumayo rin si Christy at sumunod. Tahimik lang siyang nakasunod sa'kin.
"Darn it! Bakit kailangan niya pang bumalik?!" I murmured to myself.
She's my ex-bestfriend. Si Marian Dela Fuente. Isang bitch! Isang homewrecker. Sinira niya buhay ni kuya Indigo. Pati pagkakaibigan namin, sinira niya!
Magkaklase kami ni Marian nung high school at naging matalik na kaibigan, kaming tatlo ni Christy.
Unang kita niya pa lang sa kuya ko, nagustuhan niya na ito although my gf na si Kuya Indigo. She did everything para magustuhan ni kuya. Gagawin niya kahit ano makuha niya lang si kuya.
Pinikot niya si kuya. Nilasing niya ang kapatid ko at may nangyari sa kanila. Nagbunga ang gabing iyon. Naghiwalay si kuya Indigo at ang gf nito. Nagalit ako kay Marian kung bakit niya nagawa iyon.
I slapped her! Galit ako sa kanya dahil nagwawala si kuya. Pinikot niya ang kapatid ko.
"Are you out of your mind Marian? Alam mo namang mag gf na si kuya pero ginawa mo pa rin ang gusto mo! Napakasama mo!" Sigaw ko sa kanya.
"Hindi mo ako masisisi Mint.. I love Indigo so much! Hindi ko kayang mawala siya sa'kin!" Sabi niya habang umiiyak.
Tinanggap ni kuya ang nangyari. Pananagutan niya ang nasa sinapupunan ni Marian. Akala namin, okay na ang lahat pero nakita mismo ng dalawang mata ko na nakikipaglandian si Marian sa ibang lalaki. Hindi ako nagsumbong dahil ayokong magkasira sila ng kapatid ko.
Pinilit niyang mahalin si Marian dahil na rin sa batang dinadala niya. Ngunit nagimbal kami isang araw.. nakunan si Marian. Nawala ang bata. Halos mabaliw-baliw si kuya sa nangyari.
"Oo! Pinalaglag ko ang nasa sinapupunan ko dahil ayoko sa kanya! Dahil ayokong malaman ng mga magulang ko na nabuntis ako ng isang college student!"
"Okay ka lang ba bessy?" Tanong ni Christy sa'kin.
Tumango ako. Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang mga luha ko. Niyakap ako ni Bessy.
"It's okay. It's okay." She comforted.
"Hindi ko alam anong mangyayari kapag nakita siya ni Kuya." Hikbi ko.
Nasira si kuya. Nawalan ng gana sa pag-aaral. Naging basagulero. Kaya siya nagkaganun dahil kay Marian. Si Marian na walang kwentang babae.
Matapos ng nangyaring iyon, nawala siya na parang bula. Mahigit tatlong taon rin kaming walang naging balita sa kanya.
"Hindi ako makakapayag na guguluhin niya na naman ang buhay ng kapatid ko. Ako muna ang makakalaban niya bessy." Sabi ko habang nakatingin sa mata niya.
Lumihis ang mga mata ko. Tumingin ako sa kalangitan.
"And now that she's back, hindi ko hahayaang masira na naman ang buhay ni kuya Indigo." Galit kong sambit.
* * *
"Okay class! Dismiss!" Sabi ng last prof namin sa araw na'to. Yes! Makakauwi na rin ako.
"Uuwi ka na?" Tanong ni bessy sa'kin.
"Yeah! Gusto mong dumaan sa bahay? Manuod tayo nung bagong movie. The best of me.." Sabi ko habang nag-aayos ng mga gamit ko.
"Gusto ko sana pero may gagawin pa kasi ako. Alam mo namang ako ang nakatokwa sa reporting tomorrow diba?" Sabi niya habang nakatingin lang sa'kin.
"Oo nga pala no. Nakalimutan ko. Hehe! Pano yan, mauuna na lang ako sa'yo?" Nakangiting sabi ko.
Nagpaalam na kami sa isa't-isa. Heto na naman po ako.. babaybayin ko na naman ang mahaba habang hagdan hagdang palayan. Awww, hindi pala to palayan. Ahihi. Ang landi ko atang tumawa. Haha!
Nakita kong naglalakad si Sir Matthew. Oo nga pala, mag-aapply akong secretary niya. Wahaha! Matutupad na rin ang pangarap kong makakasama ang pinakamamahal ko. Wahahaha! Evil Laugh!
Tatawagin ko na sana siya ng makita may lumapit sa kanyang babae. At hindi lang basta-bastang babae! Si Marian the bitch! Kumunot ang noo ko. Bakit ngumingiti si Sir Matt ng ganun sa bruhang iyon? Waaaahh! Hindi pwede! Sa'kin lang dapat ngumiti ng ganun si Sir Matt ko! SA AKIN LANG!
Uminit bigla ang ulo ko. Ano na naman ba ang pakay ng babaeng iyan dito? Kung aagawin niya rin sa'kin ang love of my life ko, pwes! magkamatayan na! Hinding hindi ako makakapayag!
Over my dead, glamorous, sexy, precious BODY!
BINABASA MO ANG
A Beautiful Song(Completed)
HumorSino ang mamahalin mo? • Matthew the professor slash the good boy with hidden secrets? Or.. • Bryle the gangster slash the bad boy with hidden feelings? Sino ang magsasabing.. "because you're a beautiful song in my heart.." • Special thanks to LituS...