"Sir Mattew? Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko nang mapagsino ang bisita ni kuya.
Waahhh! Dinadalaw na ako ni Love of my life ko.. Ooooohhh.. Kilig overload here!
"Pinagpaalam ka niya na merong Tree Planting bukas." Sabi ni kuya.
Tree Planting? Wala akong alam na may ganung activity bukas?
Automatic na napangiti ako kay Sir Matt. Siyempre nagdidiwang ang kaloob looban ko. Ikaw ba dalawin ng crush mo, sigurado ako, maiihi kayo sa salawal niyo.
"Hindi ka na-inform kasi absent ka this past few days." Nakangiting sabi niya sa'kin.
Hindi rin nawawala ngiti ko sa mga labi ko.
"Nasan ka ng mga panahong iyan Mina?" Luuhhh.. Si kuya.. Hindi niya nga alam ang tungkol sa pag-aabsent ko. Andito lang ako ng mga panahong iyan sa bahay at yung sa Pugitang lalaki. Lagoooot!
"Hindi mo ba kami ipapakilala sa kasama mo?" Tanong ulit ni kuya..
Ay! Oo nga pala. Si Yukie! Masiyado kasi akong nadala sa kakiligan. Haha!
"Oo nga pala kuya.." Naglakad ako palapit kay Yukie.
"Kuya Red, Sir Matt ..si Yukie po, new found friend ko. Yukie, si Kuya Red at tsaka si Sir Matthew, professor ko." Pagpapakilala ko sa kanila.
"Good afternoon po.." Magalang na bati ni Yukie sa dalawang lalaki.
"Sandali lang po kuya ha, sir Matthew.. Wag po kayong umalis agad ha. Ihahatid ko lang po itong friend ko sa labas." Tsaka ko kinaladkad palabas si Yukie.
"Teka, akala ko ba magmemeryenda tayo?" Tanong niya habang kinakamot ang ulo niya. Malala na kuto nito or baka naman dandruff? Ewww!
"Next time na. Andiyan kasi Crush ko.."Napahigikgik ako.
"Yung prof mo?" Inosenteng tanong niya.
"Oo. Kaya wag ka munang umepal ngayon ha? Next time ka na makikain sa'min. Okay lang naman e. Sige na! Babay!" Akmang babalik na ako nang hinawakan niya ako sa braso ko.
"Sandali lang, hingi ko na lang number mo, okay lang ba sa'yo?" Naka-smile niyanh tanong. Nawawala mata niya, my goodness!
"Hindi ko memorize cellphone number ko e. Yung sa'yo na lang hingin ko."
May kinuha siya sa bulsa niyang maliit na papel at ballpen tapos sinulat ang number niya at inabot sa'kin.
"Sige, itetext kita. Bye Yukie!" AT nagmadali akong pumasok para maentertain si Love of my life ko. Shemay!
Kakapsok ko pa lang ng bahay nang marinig ang pag-alis ni Yukie. Itetext ko na lang siya mamaya.
"Hello again sir," nakangiting bati ko.
Ngumiti lang si Sir Matthew at si kuya naman seryosong nakatingin sa'kin.
"Pwede niyo naman pong itex sa'kin about dito sir Matt e. Nagpagod pa kayo para pumunta dito.." Tanong ko sa kanyang nagpapacute. Aww! Naglalandi pala ako.
"Pwede naman pero its informal, mas mabuti kung personal kong masasabi sa mga estudyante ko ang tulad nitong activity." Nakangiting paliwanag niya.
Ang gwapo. Sus! If I know, gusto mo lang ako makita sir Matt. Hahaha! Kinikilig talaga ako!
"So, yun lang.. Hope to see you tomorrow Mina.." Saka tumayo si Sir Matt.
"Atty., salamat po sa pagpapaunlak niyo sa'kin dito sa bahay niyo." Baling niya kay Kuya.
"Its okay Mr. Navarro. Thank you rin dahil nag-effort ka pang dumalaw dito." Sagot naman ni kuya.
Matapos nilang magkamayan ay lumabas na si Sir Matt na agad ko namang sinundan.
"Asahan niyo po ako bukas Sir Matt.." Habol ko sa kanya.
"Oo naman Mina.." Sagot niyang nakangiti.
"Akala ko pa naman kung ano na yung ipinunta mo dito sa bahay Sir Matt. Tsaka, paano niyo po pala nalaman yung address ko?" Nagtatakang tanong ko.
"Tinanong ko yung kaibigan mo, Si Miss Ga-as."
Aahhh.. So yun pala ang itinawag sa'kin ni bessy kanina.
"Ahhh.. sige po sir, next time na pupunta kayo dito, sana naman iba na ang dahilan.." Nakangising sabi ko. Joke lang yun a, pero sana totoo. Haha!
Ngumiti lang siya. Bakit ba ang hilig niyang ngumiti? Nakakatunaw.
"Ang gwapo mo talaga sir Matt, sana akin ka na lang.." Wala sa sariling sambit ko.
"Talaga bang gusto mo ako Mina?" Seryosong tanong niya sa'kin.
Whoooott? He is asking me! Anong isasagot ko? Helpppp!
"Naku Sir! Nagbibiro lang po ako." Ngumiti ako.
Parang gusto ko na tuloy magsisi sa sinabi ko. Waaaahh!
"Sana nga nagbibiro ka lang Miss Aurellano.." Sabi niya saka sumakay ng sasakyan niya at umalis na lang bigla.
Ano yun? Anong nangyari? Galit ba siya dahil sa sinabi ko, or what?
Can someone explain to me what is happening right now?
------------------------------------------------------
Bakit ganun reaction ni Sir Matt? Hmm... I can smell something fishy!
Guys, please vote and leave a comment. Salamat po.
Enjoy reading ❤
BINABASA MO ANG
A Beautiful Song(Completed)
MizahSino ang mamahalin mo? • Matthew the professor slash the good boy with hidden secrets? Or.. • Bryle the gangster slash the bad boy with hidden feelings? Sino ang magsasabing.. "because you're a beautiful song in my heart.." • Special thanks to LituS...