3RD PERSON'S POV
Nagising si Bryle na masakit ang batok nito. Inilibot nito ang mga mata at nakitang nasa resort pa rin siya. Ang huling natatandaan nito ay may kung sino ang naghampas sa kanya ng malaking bagay dahilan para mawala siya ng malay.
Tumayo ito nang maalala si Mina. Sa pagkakataong ito, alam niyang nasa peligro ang buhay ng babae. Kinapa niya ang cellphone nito at kaagad na dinial ang number ni Go. Ipinaalam ang tungkol kay Mina.
Aalis na sana siya nang mapansin ang isang calling card sa sahig. Kinuha niya ito at binasa. "Eng'r. Lyndon Batuge."
Napakunot ito ng noo, familar sa kanya ang pangalan. Pilit nitong inaalala kung saan nga ba niya nakahalubilo ang lalaking nagmamay-ari ng calling card.
Tinawagan niya si Ken at ipinaalam ang tungkol dito. Ibinaba nito ang tawag saka dumiretso sa sasakyan nito.
"Eng'r Lyndon Batuge?" usal niya sa sarili.
Nakuha ang atensyon niya nang tumunog ang cellphone nito.
"Boss! Si Lyndon, ang dating pinuno ng Alas. Sigurado akong nasa panganib si Mina ngayon! Nahack ko ang system ng tinatrabahuhan niyang kompanya at nakuha ko ang numero nito," pamamalita ni Ken sa kabilang linya.
"Nasa Lumang bahay niya sa Santo Pablo ang GPS ng cellphone nito. Kung hindi ako nagkakamali, kinidnap nito si Mina!" dagdag pa nito.
Napamura si Bryle sa narinig. Hanggang ngayon, hindi pa pala tapos ang isyu tungkol sa alas. Ngunit sa pagkakaalam nito, umalis na ng Alas si Lyndon kaya't napalitan ni Yukie ang pamumuno. Naguguluhan man siya ay dumiretso pa rin si Bryle sa lugar na sinabi ni Ken.
Sa kabilang dako naman ay patuloy na naghahanap ng labasan sina Matthew at Mina na kanina pa naglalakad. Hindi nila alam saan pupunta dahil bukod sa madilim at biglang bumuhos ang malakas na ulan dahilan para mahirapan sila.
Unti-unti na ring bumabalik ang huwisyo ni Mina ngunit napapagod na rin siya tulad ni Matthew.
"Kaya mo pa ba Mina?" nag-aalalang tanong ni Matthew. Tumango naman ang dalaga.
"Matthew, bakit pabalik-balik lang tayo? Nanggaling na tayo rito kanina ah," saad ni Mina na nagtataka.
"Hindi ko alam, halika. Doon naman tayo dadaan." Itinuro ni Matthew ang likurang bahagi ng malaking bodega.
Nagpatuloy sila sa paglalakad nang sa hindi inaasahan ay...
"Sa tingin n'yo ba makakatakas kayo sa lugar na ito?"
Parehong nagulat sina Matthew at Mina. Sabay nilang nilingon ang likuran at nakita si Marian na may hawak na baril na nakatuon sa kanilang dalawa.
Iginiya ni Matthew si Mina sa likuran nito. "Diyan ka na muna sa likod ko Mina," ani nito.
"Wow! Knight in Shining Armor lang ang peg mo Sir Navarro ah. Bilib din ako sa 'yo eh, hanggang dito ba naman naaamoy mo si Mint Nathalie? Ibang klaseng pag-ibig," panunukso ni Marian.
"Marian, pag-usapan natin ito. Ibaba mo ang baril at mag-uusap tayo," mahinahong saad ni Matthew ngunit tumawa lamang ng malakas si Marian.
"Nagpapatawa ka ba Sir Navarro? Pwes sobrang natawa talaga ako," panunukso ulit nito. "Sino kaya sa inyong dalawa ang uunahin ko?" nakangising sambit nito.
"Ako na lang Marian! Total ako naman ang gusto mong patayin 'di ba?" tugon ni Mina na ngayo'y naluluha na.
"Diyan ka lang sa likod ko Mina," paalalang muli ni Matthew
BINABASA MO ANG
A Beautiful Song(Completed)
HumorSino ang mamahalin mo? • Matthew the professor slash the good boy with hidden secrets? Or.. • Bryle the gangster slash the bad boy with hidden feelings? Sino ang magsasabing.. "because you're a beautiful song in my heart.." • Special thanks to LituS...