Chapter Twelve

139 45 14
                                    

MINA'S POV

"Where are we?" Tanong ko sa damuhong pugitang ito.

Inilibot ko ang mga mata ko. Hindi pamilyar sa'kin ang lugar na'to. Nasaan ba kami?

Bumaba siya sa motorsiklo niya.

"Nasa bahay ko." Bulong niya sa'kin. Waaahhh! Bakit ang sexy ng paraan ng pagkakabulong niya? Namamanyak na ata tung utak ko.

Dumiretso siya sa loob ng bahay. Initsa niya ang susi sa isang lalaking kasamahan niya.

Naiwan akong nakatunganga at nakatayo sa binabaan ko kanina. Yung mga katropa niya naman ay nag-uunahang pumasok sa loob ng bahay nang mabuksan ito.

Hinagod ko ng tingin ang bahay na halatang pangmayaman. Malaki. Parang kalahati lang yung bahay namin. Tsaka diba sabi niya, bahay niya?

"Hey! Diyan ka na lang ba?" Sigaw ng lalaking pugita sa kinaroroonan ko.

Nagulat naman ako kaya naglakad ako papasok ng bahay.

Kung sa labas ay maganda na, paano na lang kaya ang nasa loob? Ang gara. Para lang akong nasa hotel..

"Sigurado ka bang bahay mo'to? Baka inassume mo lang ito e." Sabi ko sa kanya. Hindi ako makapaniwala na mayaman pala siya.

Hindi siya sumagot. Sa halip ay umupo siya sa sofa at ini-on ang television.

Tiningnan ko ang mga ginagawa ng mga kaibigan niya. Ang gugulo nila. Mukha silang nasa bahay ampunan.

Inilibot kong muli ang paningin ko sa loob ng bahay. May malaking piano, at sa ibabaw nun ay nakataob na frame.

Lumapit ako para tingnan ang frame. Hahawakan ko na sana nang..

"Don't you dare touch that!" Sigaw niya sa'kin.

Ang mga batang magugulo ay biglang natahimik. Nagulat naman ako.

Lumapit siya sa'kin at hinila ako paupo sa sofa.

"Ano ba?! Bakit ba ang hilig mong manghila?!" Inis kong sabi sa kanya.

Bumalik naman sa mga pinagkakaabalahan nila ang katropa niya. Napansin kong ang lalaking pangit na jejemon ay naglalakad na may dala-dalang platito at may laman na chocolate cake. Ang sagwa niya tingnan kapag kumakain. Pweh!

Bumaling ako sa kaharap kong pugita.

"Bakit mo ba ako dinala dito?" Inis kong tanong sa kanya.

"Walang maglilinis ng bahay, kaya ikaw ang maglinis." Sabi niya habang nakatuon ang mga mata sa T.V.

"WHAT?!" Napatayo ako at hindi makapaniwala sa sinasabi niya.

Ang attetion ng mga katropa niya bigla na namang nabaling sa'kin. Bigla silang napatigil sa mga pinaggagawa nila.

"Anong tinitingin-tingin niyo diyan?!" Sigaw ko sa mga batang ampon.

Bigla naman nilang inilihis ang mga mata nila at nagpatuloy sa mga ginagawa nila. Natakot ata sa'kin. Hmp!

"And you! Gagawin mo pa akong maid?! Sa laki ng bahay mo, bakit hindi ka kumuha ng tagalinis dito?!" Taas kilay kong bulyaw sa kanya.

Can't you imagine? Nakahinga na nga ako maayos nung kumuha si kuya ng katulong para sa bahay tapos ngayon, heto! Gagawin na naman akong alila.

"Hoy! Pwede ba!" Kinuha ko ang remote ng T.V at ini-off ito. Nakakabwisit e!

"Sapilitan mo akong dinala dito para paglinisin lang ng bahay mo? Nasisiraan ka na ata ng ulo e. Lumuluwag na ba yang turnilyo sa utak mo?! Sabagay! Gangster ka nga pala!"

A Beautiful Song(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon