Umuwi akong malungkot. Bakit ba kasi kailangan pang bumalik ng babaeng iyon. Magiging kontrabida rin ba siya sa lovelife ko? Leche siya!
"Oh bunso, bakit laylay yang nguso mo?" Bati sa'kin ni kuya Indigo.
Oo nga pala. Hindi pa alam ni kuya na nandito na ang bruhang iyon. Ang bagay kasi sa babaeng iyon, ginagawang abo. Hmp!
Naalala ko na namang nakangiti si Sir Matt ko sa babeng hito na'yun! Waaahh! Ang sarap niyang sapatusin!
"Wala to kuya. Pagod lang ako." Sabi ko sabay upo sa sofa.
"Sus! Napagod ka sa alin? Sa kahahabol sa professor mong kenkoy?" Pang-aasar niya.
"Anong kenkoy? Ang gwapo gwapo ni Sir Matt ko." Nagpout ako.
"Sir Matt ko? Pag-aari mo na ba ang kenkoy na'yun? Haha! Kawawa naman ang bunso ko. Nananaginip ng gising." Tumawa siya ng malakas.
"Kuya! Gusto mo bang makakita ng falling star?" Asar kong bulyaw.
"Bakit, meron ba? Sige nga at nang makapagwish naman ako." Lalong lumakas ang tawa niya.
"Baliw ka na nga talaga kuya Indigo! Hindi ko talaga maintindihan si mama saan ka pinaglihi!" Tumayo ako at naglakad papunta sa kwarto ko.
Nakakainis talaga ang araw na'to. Bumalik si Marian, nakita kong nginitian siya ni Sir Matt ko, inasar ako ni kuya na kenkoy ang love of my life ko.. AAAHHH! Nakakadami ng pimples to.
Humarap ako sa salamin at tiningnam ang repleksiyon ko.
"Isa pa kayo! Nakakawala kayo ng self confidence e!" Dinuro ko ang pimples ko. Binilang ko pa talaga. Eh sa concious ako sa pimples ko e.. Paki niyo ba?
As of now, may tatlong pimples ako. Isa sa noo, isa sa bandang kaliwang kilay ko, isa naman sa gilid ng ilong ko. Sige nga, sabihin niyo nga sa'kin kung hindi mawawala self confidence niyo sa mga buset na pimples to?
"Bunso, may bad news ako sa'yo." Dire-diretsong pasok ni kuya sa kwarto ko.
"Leche ka kuya! Alam mo ba ang salitang privacy at good manners? Hindi ba kayo tinuruan ng GMRC nung elementary mo?" Galit kong sabi sa kanya.
Binatukan niya naman ako.
"Aray ko naman kuya! Sadista ka talaga kahit kailan!" Sigaw ko sa kanya.
"Ano ba Mina! Hinaan mo nga yang boses mo, para kang nakalunok ng megaphone. At bakit ba high blood ka? May nakita kang kalandian ang professor mong kenkoy no?" Pang-aasar niya sa'kin.
Uminit na naman ang ulo ko! Pinaalala niya na naman sa'kin. Napataas ang kilay ko!
"Gusto mo bang ipakagat kita kay Pocholo?" Pananakot ko sa kanya.
"Speaking of Pocholo pala bunso, wala na yung alaga mo." Mahinang sabi niya.
"ANO?! ANONG NAWALA?!" Napatayo ako.
"Ano ba naman yan bunso, ang lapit-lapit ko lang. Hindi mo naman ako kailangan sigawan. Yung alaga mong bumawaya, binawian ng buhay." Sabi niya habang ang mga kamay ay nakatakip sa magkabilang tenga niya.
"Anong binawian ng buhay?! Ayusin mo yang pinagsasasabi mo kuya kung hindi, tatawagin ko ang kaibigan kong si Swiper para nakawin ka at itapon sa ibang planeta!" Nagngingitngit kong sabi sa kanya.
Nakakainis lang talaga e. Ginagalit talaga ako ni kuya. Wag niya akong ijojoke kapag si Pocholo na ang topic.
"Bakit hindi mo na lang tingnan sa bakuran at nang ikaw mismo makakita kung ano ang sinapit ng alaga mo. Tsk!" Tumayo siya naglakad palabas ng kwarto ko.
BINABASA MO ANG
A Beautiful Song(Completed)
HumorSino ang mamahalin mo? • Matthew the professor slash the good boy with hidden secrets? Or.. • Bryle the gangster slash the bad boy with hidden feelings? Sino ang magsasabing.. "because you're a beautiful song in my heart.." • Special thanks to LituS...