"Excuse me Ma'am.. pinapatawag po si Mint Nathalie Aurellano sa Guidance Office." Sabi ng isang estudyante na kadarating.
Hindi na ako naghintay pang tawagin ako ng prof ko. Tumayo na ako.
"Excuse me Ma'am." Sabi ko sa kanya at tumango naman siya.
Binaybay ko ang daan patungong Guidance Office, napapansin kong pinagtititigan ako ng mga estudyante. May binabalak na naman ba ang mga buset na'to? Humanda ka talaga sa'kin Bryle Trinidad! Maghintay-hintay ka lang. Makikita mo!
"Good morning Sir." Bati ko sa isang teacher na nandun.
"Aurellano?" Tanong niya.
"Yes sir."
Tumingin siya sa'kin. Ngumiti naman ako ng pagkatamis-tamis. Yung parang lalanggamin ka. Kumunot naman ang noo niya. Hindi ata tinablan ng sweetest smile ko. Grrr..
"Sit down Miss Aurellano." At dahil sa masunurin ako. Umupo ako sa harap ng table niya.
"Anong course mo?" Umpisa niya.
"BEED po.. " Napakamot na naman ako sa ulo ko. Sheeett! Marami-rami na ata sila sa ulo ko.
"Ilang taon ka na?" Tanong niyang muli.
"Ah eh.. Is it necessary po ba na malaman niyo ang edad ko sir?" Tiningnan niya ako ng masama. Luhhh.. Takot ako.
"Sabi ko nga po. 18 na po ako sir."
Marami pa siyang tinanong sa'kin. Nakakatamad sagutin. Tapos bakit raw ba ako nagkakalat ng basura sa 3rd floor. Alam ko naman strict policy ng school about sa garbage. Whatever! Sinabing hindi ako may gawa nun. Bakit ba kasi ayaw nilang maniwala. Nakakainis. Kasalanan lahat ito ng lalaking iyon e.
Nasa kalagitnaan kami ng interrogation nang lumabas si Sir Matthew. Nahiya naman ako bigla pero ito naman ang gusto ko diba? ANong gusto? Hindi ko ginusto mapunta sa Guidance na ganito ang rason. Ayann.. nag-aaway na ang right at left hemisphere ng utak ko.
"Miss Aurellano? What are you doing here?" Tanong niya sa'king nagtataka.
"Heto.. basahin mo. Sumasakit ulo ko sa batang iyan." May ibinigay siyang papel kay Sir Matthew.
Binasa niya ang nakasulat at tumingin sa'kin tapos ngumiti. Ayan na naman siya sa killer smile niya. I wonder why wala pa siyang girlfriend.
"Ako na ang bahala sa kanya sir Jeff." Sabi niyang nakangiti tapos bumaling sa'kin.
"Pasok ka ng opisina ko Mina.." Agad naman akong tumayo at sumunod sa kanya.
"Akala ko ba hindi mauulit ito?" Bungad niya sa'kin ng makaupo ako.
"Hindi naman po ako may gawa niyan Sir Matthew. Sinadya po nilang gawin yan sa'kin para mapagalitan ako ni Ma'am Onggocan at mapaguidance." Paliwanag ko.
"Hindi ka bagay na nagpupunta dito dahil lang may mga violations ka Mina.. You're a college student so dapat you're discipline." Ouch naman. Ang sakit ata ng pagkakasabi niya.
"Kasi sir.." Ano bang sasabihin ko? Ganun parin naman.. hindi niya pa rin ako paniniwalaan.
"Sige po.. aakuin ko na lang. Kung may punishment po, gagawin ko." Sabi kong nakayuko. Nagngingitngit na ang kalooban ko.
Bumuntong hininga siya. "Papalampasin ko muna ito. Kapag naulit na naman ito, mapaparusahan ka na talaga Mina.."
Napatingin ako sa kanya.. Nagtaka naman ako. Pero bakit?
"B-bakit ang bait mo sa'kin Sir Matthew?" Nauutal kobg tanong sa kanya.
Hindi siya sumagot. Kumibit-balikat lang siya at ngumiti.
"Sige na.. You may go.." Sabi niya.
Tumayo ako at naglakad palabas ng kwarto niya. Bakit ganun si Sir? Baka may gusto siya sa'kin? AYeeee.. Should I tell him na rin ba na love ko siya? Parang nakakahiya ata..
Dumiretso ako sa classroom ko na hindi pinapansin ang titigan portion ng mga estudyante.. bagay lang sa kanila tawaging STUPIDENTS. Nabasa ko yan sa watpad.. Hmp! May mga nakukuha rin pala ako sa pagbabasa ng Wattpad? Ayos yun a!
Pagkapasok na pagkapasok ko sa classroom, nahagip agad ng mga mata ko ang nagkukumpulang mga estudyante. Pinag-uusapan ata ako, bigla silang natahimik pagpasok ko e. Ganito na ba ako kasikat?
"Hi bessy!" Kaway ni Bessy Christy sa'kin. Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya.
"Anong nangyari?" Tanong niya.
"Yun nga.. dahil sa mga basura kaninang umaga. Alam mo bang lahat ng estudyante ang sama ng tingin sa'kin. Hot topic pala ako. Artista na ba ako bessy?" Nangalumbababa ako sa desk ko.
Humagikgik naman ang katabi ko. Para siyang kiniliti.
Nagkukwentuhan kami tungkol sa nangyari ng nahagip ng mata kong napadaan ang grupo ni Bryle. Ang Delta Black. Tse! Ang sagwa ng grupo nila.
Dali-dali akong lumabas. Ngayon na ang tamang pagkakataon. Nang dahil sa kanya, naguidance ako.
"Hoy!" Sigaw ko. Yung mga ibang estudyante naman, parang nakakita ng mga artista. Panay pagtitili eh.
Ngunit parang walang narinig ang grupo nila. Patuloy lang sila sa paglalakad na animo'y mga celebrity. Yuck!
"Hoy!" Sigaw ko. Hindi parin ako pinapansin. Ah ganun ha..
Kinuha ko ang 2 inches heel shoes ko at itinapon sa leader ng grupo nila. Sapol sa ulo. Napatigil sila sa paglalakad at isa-isang nagsilingunan sa'kin. Ang mga estudyante naman ay parang mga bubuyog na natigil bigla sa pag-iingay.
Lumapit ako sa leader nila na hindi parin lumilingon sa'kin. Pumwesto ako sa harap niya.
"Sa tingin mo ba, natatakot ako sa'yo?! Sa tingin mo matatakot mo ako sa pambubully mo?! Nagkakamali ka Mr. Pusit!" Nakatingin lang siya sa'kin na walang emosyon ang mga mata nito. Hmp! Nagkamali ka ng kinalaban boy!
"Anong sabi mo?" Walang emosyong sabi niya sa'kin.
"Hindi mo ako matatakot Mr. Pusit!" Hindi pa ako nakuntento at sinapak ko pa siya sa mukha niya. Akala mo ha! Yan ang nababagay sa'yo!
Tumakbo ako pababa ng hagdan at dumiretso sa C.R.. Para akong nabunutan ng tinik.. Humarap ako sa salamin at ngumisi.
"I'm not afraid Mr. Pusit. Magkaaway na tayo simula ngayon!" Bulong ko sa sarili ko.
BINABASA MO ANG
A Beautiful Song(Completed)
HumorSino ang mamahalin mo? • Matthew the professor slash the good boy with hidden secrets? Or.. • Bryle the gangster slash the bad boy with hidden feelings? Sino ang magsasabing.. "because you're a beautiful song in my heart.." • Special thanks to LituS...