Chapter 44: Goodbye Matthew

77 4 5
                                    

BRYLE 'S POV

"Boss! Anong nanyari kay Mintol?" tanong ni Drew na nagmula sa kusina. Pambihira, nandito na naman 'yang kutong lupang iyan? I ignored him. Sa halip ay dumiretso ako ng kwarto.

"Kumuha ka ng tubig Drew," utos ko sa kanya na agad namang tumalima.

Pinagmasdan ko ang nakakaawang mukha ni Mina. Nakapikit lang ito. May mga luhang umaagos mula sa mga mata niya. Hinawi ko ang hibla ng buhok na nakatabon sa mukha niya.

"Mama...Papa..." bukambibig niya.

Kinuha ko ang alaga niyang pusa na waring hindi na makahinga dahil sa pagkakahawak niya. Tumayo ako at kinuha ang cellphone ko sa bulsa, agad kong tinawagan si Go.

"Hello?" bungad sa kabilang linya.

"Mina's here, be here within 5 minutes." I turned off the phone. Muli kong tiningnan ang natutulog na babae sa kama ko. Naglakad ako palapit sa kanya. Kumuha ako ng kumot at kinumutan siya bago lumabas ng kwarto.

Nakasalubong ko si Drew na may dala-dalang isang baso ng tubig. "Boss! Ito na ang tubig," aniya.

"Inumin mo," sabi ko. Natigilan naman siya. Tiningnan ko siya ng masama. Natakot siguro kaya ininom na lang.

Tumalikod na ako at pumunta sa mini bar ng bahay ko. Kumuha ako ng Carlo Rossi. Nilagyan ko ang baso at tinungga ito.

"Niloko niya ako, ang tanga ko..." naalala ko naman ang hikbi ni Mina. Bakit nakakaramdam ako ng sakit sa tuwing nakikita ko siyang umiiyak? Ano ba 'ng nagyayari sa 'kin? Tumungga akong muli ng alak. Nahagip ng mga mata ko ang piano. Matagal ko na rin itong hindi nagagalaw.

Naglakad ako papunta sa piano at umupo sa upuang nandun. Ipinatong ko ang mga daliri ko saka sinimulang tumugtog at kumanta.

If ever you wondered
if you touched my soul, yes you do.
Since I met I'm not the same.
You bring life to everything I do.

Hindi ko alam bakit ganito ang impact mo sa 'kin Mina. Yes, since I met you, nagbago na ang lahat sa buhay ko. Oo, naninigarilyo ako pero unti-unti kong iniiwasan ito. May mga pagkakataong gustong-gusto kobg makipag-away pero nakikuta ko ang mukha niyang nakataas ang kilay.

Napangiti ako habang kumakanta.

Just the way you say hello.
With one touch I can't let go.
Never thought I'd be fallen in love with you.

Fuck! Nababading na ata ako. Anong fallen in love? May mali sa kantang ito. Itinigil ko ang pagtugtog at kumanta. I'm going to be crazy with that annoying girl.

"Bakit ka tumigil?" Nagulat ako sa boses na nagsalita mula sa hagdan. Nilingon ko siya. Nakatayo siya sa paanan ng hagdan. Napatayo rin ako.

"Because of you 'di ba ang title no'n?" walang emosyong tanong niya. Bakit ba kasi siya bumangon?

"Magpahinga ka na muna. You need rest." Naglakad ako papunta sa mini bar counter at tumungga ulit ng alak. Kumuha ulit ako ng sigarilyo sa bulsa ko at sinindihan ito.

"That's bad, dapat iwasan mo na ang paninigarilyo mo." Lumapit siya saka kinuha mula sa bibig ko ang sigarilyo at itinapon sa basurahan.

"What the!" reklamo ko. Pero hindi na ako tumutol pa. Pinagmamasdan ko lang siya, parang wala siya sa sarili niya. Umupo siya sa tabi ko at inagaw ang baso ko. Sinalinan niya ito ng alak at tinungga na parang tubig.

"Kailan ka pa natutong uminom?" tanong ko.

"Just this once Bryle, I just need this." Hinayaan ko na lamang siya total dito lang naman sa bahay ko. She's safe anyway.

A Beautiful Song(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon