Chapter Thirty-Seven

71 6 13
                                    

WARNING: There are some bad words in this chappie, I'm sorry pero kailangan talaga. Salamat sa pag-intindi.

3RD PERSON'S POV

"Ano? Nakita mo na ba sila?!" Galit at halong pag-aalala na tanong ni Bryle kay Ken.

Umiling ang huli para iparating na hindi pa nakikita ang magkapatid na Indigo at Mina.

Kaninang madaling araw ay nakatanggap ng tawag si Bryle na nasa kamay ng Alas ang magkapatid at labis niya itong ikinagalit.

"Bro, hindi na tayo dapat pang makialam sa kanila. Alam naman nating si Indigo ang pakay ng Alas." Satinig ni Alvin na isa sa kasamahan niya sa Delta Black.

Nilapitan ito ni Bryle at kinuwelyuhan dala ng galit at pagkainis.

"Ano sa tingin mo ang pinagsasabi mo? Nasa panganib ang mga buhay nila! Alam mo kung ano ang kayang gawin ng Alas sa kanila!" Galit niyang giit kay Alvin.

"Oh.. easy bro, relax. Mapag-uusapan naman natin ng maayos yan 'di ba?" Awat ni Ken sa kanila. Agad namang binitawan ni Bryle ang lalaki.

Napahilamos siya sa sarili dahip hindi niya alam kung paano maililigtas ang magkapatid.

Totoong labas na sila sa kalagayan ng magkapatid pero natatakot siya sa pwedeng kahihitnan ni Mina.

"So, anong plano natin ngayon?" Kalmadong tanong ni Ken sa kanya.

Kumuha ng isang stick ng sigarilyo si Bryle saka sinindihan at dinala sa bibig nito. Tiningnan niya lang ang lalaki na waring naghahanap ng sagot sa sarili nitong katanungan.

Sumindi na rin ng sigarilyo si Ken. At muling nagsalita.

"I don't know what to think bro but I want to ask you this question." Napalingon si Bryle sa katabi. Kumunot ang noo niyang tiningnan ang nakangising pagmumukha ni Ken.

"Do you like Mina?" Mahinahong tanong ni Ken.

Ito rin yung mga katanungang pabalik-balik sa utak niya. Gusto niya nga ba si Mina? Matagal niya nang tinatanong ang sarili niya kung may gusto ba talaga siya kay Mina.

Inagaw niya ang tingin niya kay Ken saka pinagmasdan ang kisame ng bahay niya. Sasagot na sana siya ng biglang sumigaw si Drew.

"Boss! Na-trace ko na ang location nila!" Pagbibigay alam niya kay Bryle.

"Nasa Kipot sila! Sa abandunadong bahay!" Dagdag pa nito.

Agad na tumayo si Bryle kasunod si Ken at nagmadaling umangkas sa motor nito, ganun din ang ginawa ng mga kasamahan nito.

MINA'S POV

Hindi ako makapaniwala. Ang lalaking nasa harapan ko ngayon at ang tinatawag nilang Uno ay si Yukie. Nakangisi na parang isang demonyo.

"Y-yukie? B-bakit?" Nauutal kong tanong. Naguguluhan ako, bakit nagawa ito ni Yukie Sa'kin? Sa amin ni kuya Indigo?

Ngumisi siya. "I'm so sorry Princess, kailangan kong gawin ito." Tumayo siya ng maayos at lumapit kay Kuya.

Hindi kayang tanggapin ng utak ko na ang isang tulad ni Yukie Mendoza na halos hindi makabasag pinggan ay may katauhang isang demonyo! Tama nga yung kasabihang, make your friends close and your enemies closer. Pucha!

"Ikaw ang bagong pinuno ng Alas? Fuck you dude! Hindi ko aakalain na ang isang tulad mo pala ang ihahalili nila bilang Uno?!" Nakangising sambit ni Kuya.

"Pasensiya ka na Go, kailangan kong gamitin si Mina para lang bumalik ka sa grupo ng Alas." Mahinahong sabi niya.

"P*tang ina! Sa tingin mo babalik pa ako sa Alas? Huh! Lelang niyo!" Saka humalakhak si Kuya na para ring isang demonyo. Seriously? Wala kaming lahing demonyo.

A Beautiful Song(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon