Chapter Nineteen

106 40 10
                                    

Nagising ako ng maaga dahil may pasok ako. Naalala ko tuloy ang pinag-usapan namin ni kuya Indigo kagabi. Hindi ko akalain na alam niya ang mga pinag-gagawa ko.

"Hindi ko gusto yang mga activity mo Mina. Sinasabihan na kita ngayon pa lang na lumayo sa lalaking iyon. You don't know him. Isa siyang gangster. Hindi mo siya dapat na pagkatiwalaan." Pangangaral ni kuya Indigo sa'kin.

Hindi ko naman alam na nandun pala siya sa club na yun kagabi at alam niya ang buong pangyayari.

"Ayoko ng nakikipagkita ka pa sa kanya Mina. Naiintindihan mo ba ako?" Matigas na giit ni Kuya.

"Opo." Nakayuko lang ako at pinaglalaruan ang mga daliri ko.

"Sige na, matulog ka na."

Saka ako umakyat na hindi umiimik. Nahihiya kasi ako kay Kuya at the same time natatakot.

"Good morning bunso.." Bati sa'kin ni Kuya Red na mag-isang nag-aalmusal.

Napansin kong wala si Kuya Indigo. Natutulog pa siguro. Nakaramdam naman agad ako ng hiya.

"Good morning din kuya." Lively kong bati sa kanya. Ayokong mahalata ako ni Kuya Red na malungkot. Mahirap na at hot seat na naman ang lola niyo.

After ng almusal. Dumiretso na ako ng school. Agad akong pumunta sa Guidance Office dahil sa text ni Sir Matt kahapon.

Pagpasok ko, walang Sir Matthew ang bumungad sa'kin. Nalungkot na naman ako. Si Sir Matthew lang naman ang energizer ko e.

Naglakad na lang ako papunta sa classroom ko. Sigurado akong nandun na naman si Bessy e. Malapit na rin naman mag-start ang klase.

Pagkapasok ko, hindi nga ako nagkamali, andun nga talaga si bessy at ang masama pa, andun rin ang mortal enemy kong si Marian. Lalong nakakasira ng araw.

Binati ako ni bessy at ganun rin sa Marian. Ang kapal talaga ng mukha. Umupo ako at sakto rin ang pagpasok ng prof namin.

After lunch, dumiretso agad kami ni bessy sa classroom, nagbabasakali akong papasok si Sir Matt ngayon since wala nga siya kanina.

Naalala ko ang sinabi ni kuya Indigo kagabi na layuan si Bryle. Bakit nakaramdam ako lungkot sa tuwing iisipin ko na gawin yun? Hala! Ano na ba ang nangyayari sa'kin? Nababaliw na ata ako.

"Good afternoon class!" Bati ng kakapasok na prof.

Nabuhayan ako ng loob ng makilala ang may-ari ng boses. Nilingon ko ang nasa gitna at hindi nga ako nagkamali. Si Love of my Life ko.

From sad mood, napalitan ito ng happy mood. Oh diba, ang bilis magbago ng mood ko basta si Sir Matthew na.

"Nandito na ba si Miss Aurellano?" Tanong ni Sir Matthew sa klase.

Waaahhh! He is looking for me. I raised my hand para malaman niyang andito ako.

Ngumito siya nang makita niya ako at nagtuksuhan naman ang mga kaklase ko. Kinilig naman daw ako. Ayeeeehh..

"Kayo sir ha, namimiss niyo na ako no?" Malakas na sabi ko sa kanya.

Ngumiti lang siya at ang mga classmate kong inggitera ay nagsituksuan naman.

Habang nagdidiscuss si Sir Matthew, napag-isip isip ko na panahon na siguro para malaman niya ang feelings ko, ngek! Hindi pa ba? Sa kapal ng mukha kong ito hindi pa ba niya alam feelings ko for him? Awww.. kinikilig ako sa sarili kong thought. Baliw na nga talaga ako.

"Okay class dismiss!" Sabi ni Sir Matt at agad namang nagsilabasan ang mga classmates ko para magproceed sa next class nila.

Si sir Matthew naman ay nag-stay sa table habang nagsusulat.

"Lets go?" Sabi ni bessy sa'kin. Vacant namin ngayong oras kaya pupunta kaming library.

"Sir Matt.." Tawag ko sa kanya habang palabas kami.

Tumingin lang sa'kin si Sir Matt at ngumiti tapos binalik ulit ang pansin sa pagsusulat.

Lumapit ako.

"Sir, may problema po ba ako sa grades ko?" I asked him directly.

"Wala naman Mina pero nanganganib ng bumaba." Sagot niya habang nakatingin sa mga mata ko.

Ngumiti ako.

"Namimiss niyo lang ako sir e." Ngisi ko sa kanya.

Hindi siya sumagot. Napapansin ko lang e, sa tuwing pagsasabihan ko si Sir Matt na ganyan, nginingitian niya lang ako. Bakit kaya?

"Halika na bessy.." Hila sa'kin ni Christy.

Naglakad na kami palabas pero may nakalimutan akong sabihin kay Sir Matt. Nagmadali akong bumalik sa room at nakitang andun pa siya.

"Sir Matt!" Malakas kong tawag sa kanya.

"I love you!" Saka ako ngumiti at akmang aalis na nang tinawag niya ako.

"Mina.." Tawag niya sa'kin. Sapat na para marinig ko.

Naglakad ako palapit sa kanya. Tiningnan niya ako nang napakaseryoso. Hindi ako sanay ng ganito.

"Masiyado ka na ata nawiwili sa mga biro mong iyan." Simula niya.

Mabuti na lang at walang ibang tao dito kundi kaming dalawa lang. Pinauna ko na kasi si bessy sa library.

"Hindi po ako nagbibiro Sir Matt.. totoo po ang sinasabi kong may gusto ako sa'yo." Walang paligoy-ligoy na giit ko.

Ngumiti siya.

"Hindi masama ang humanga Mina kasi sabi nila ang taong walang crush ay abnormal." Sabi niya.

Napatango naman ako sa sinabi niya.

"Pero hindi ibig sabihin na dahil crush mo ako ay dapat mong ipagsigawan na gusto mo nga ako. Look at the situation Mina, I'm your professor and you are my student. Hindi ba, ang sagwa tingnan kapag ang estudyante at professor may relasyon? Besides prohibited policy yan dito sa school na No to a Teacher and Student Relationship." He paused habang nakatingin lang ako sa kanya.

"Naiintindihan mo ba ako?" Tanong niya sa'kin.

Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga.

"So ibig niyo pong sabihin ay tigilan ko na ang kahibangang ito dahil wala namang patutunguhan ito?" Tanong ko.

He nodded.

Ngumiti ako.

"Sana nga ganun kadali yun Sir Matt. Pero I can't resist my feelings for you. Ewan ko ba bakit ganito ito." Itinuro ko ang puso ko.

Naramdaman ko ang pagbuntong hininga niya.

Feeling ko, basted ako sa panliligaw ko. Ang sakit e. Naramdaman niyo na ba ang ma-refused ng taong mahal mo? Sobrang sakit kaya nun.

"Hindi tayo pwede Mina."

"Dahil prof kita at estudyante mo ako?" Malungkot kong sabi.

"Marami nga diyan tulad ng ganitong sitwasyon natin pero nagiging happy ending ang love story nila." Mangiyak-ngiyak kong sabi.

"Hindi mo kasi naiintindihan Mina.." Sabi niya.

"Bakit hindi mo ipaintindi sa'kin para maintindihan ko!" Napalakas ata ang boses ko.

Good thing, wala pang nagagawi sa classroom na'to.

"Mina.." Mahinang sambit niya sa pangalan ko.

"K-kung.." Pinunasan ko ang mga luha ko.

"Kung lilipat ba ako ng paaralan, may pag-asa na ba tayo sir Matt?" Desperada kong tanong sa kanya.

Nababaliw na nga talaga ako. Naiintindihan niyo ba ako?

Narinig kong nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Sir Matthew. Pero bakit?

A Beautiful Song(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon