Chapter 47: Mr. Crabs

56 4 8
                                    

Nakatingin lang ako sa kawalan. Yakap-yakap ang sarili ko. Sinasamyo ang malamig na simoy ng hangin mula sa dagat.

Parang kailan lang masaya kami ni Matthew pero ngayon, daig ko pa ang namatayan. Tumatawa ako, ipinapakita kong parang walang nangyari dahil ayaw ko ring makahalata sina lola Beatriz.

I sighed. Napaluha na naman ako. Traidor ang luha kong ito. Pumikit ako at niramdam ang hanging dumadampi sa katawan ko. Minulat ko ang mata ko at tiningnan ang alon ng dagat. Hinubad ko ang tsinelas ko at inilusong ang mga paa ko sa tubig. It feels good.

Makakalimutan din kita Matthew. Pipilitin ko kahit sobrang sakit.

"Hey!" Agad kong pinalis ang luha ko. Nilingon ko ang likuran ko at nakita ang nakangiting mukha ni Bryle. May hawak itong dalawang baso. "Here," sabay abot ng isa sa 'kin.

Tiningnan ko lang ang inabot niya. Nagdadalawang isip kong tatanggapin ba o hindi.

"Don't worry, walang lason yan. It's just a ladies drink, a vodka.. Hindi ka malalasing." I frowned. Wala na akong ginawa kundi kunin ang dala niyang baso.

"Thanks," ani ko. Tumango naman siya.

Isang mahabang katahimikan ang namayani sa 'min. Uminom na lamang ako ng dala kong vodka. Pareho naming pinagmamasdan ang paglubog ng araw.

Napalingon ako sa kanya nang tumikhim siya. Patuloy lang siyang nakatingin sa horizon.

Binawi ko ang tingin ko at ipinukol sa karagatan. Mula sa malayo nakikita ko ang maliit na barko. Nag-uumpisa na namang tumulo ang mga luha ko. Bwisit! Muli na naman siyang tumikhim.

"It's okay to cry," walang emosyong sabi niya. Hindi ko na mapigilan kaya naglakad ako at umupo sa bahagi ng buhangin na hindi naaabot ng tubig. Inilapag ko ang hawak-hawak kong baso at humikbi ng malakas.

Inisubsob ko ang ulo ko sa tuhod ko. Umiyak ng umiyak. Lecheng buhay 'to. Ang sakit talaga eh. Akala ko, isang araw ko lang mararamdaman ang sakit pero hindi, hanggang ngayon masakit pa rin.

Maya-maya'y napatigil ako sa paghikbi. Inangat ko ang ulo ko at kinuha ang basong nasa gilid ko saka tinungga. Okay, that feels good. Tiningnan ko si Bryle. Nasa bulsa nito ang kaliwang kamay samantalang ang kanan ay hawak-hawak ang isang baso.

Minsan, kahit na nakakainis si Bryle, may side siyang nakakapagpagaan ng kalooban kahit titigan mo lang siya. Hindi ko akalain na sa hindi niya pagkibo ay magiging okay ako. Sa pagsabi niyang 'it's okay to cry' ay nabawasan ang sakit na dinadala ko.

"W-why are you doing this to me?" I asked him curiously.

BRYLE'S POV

"W-why are you doing this to me?" Napakunot ako ng noo. Napalingon ako sa kanya. Namumula-mula pa ang mata nito dahil sa kaiiyak, pati pisngi nito namumula. Napansin ko ito no'ng nalasing siya habang umiiyak. Namumula ang pisngi nito.

Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya. Nanatiling nakatuon sa 'kin ang mga mata niya. I looked at her curiously.

"What?" I asked. Nakuha pa niya akong titigan sa kabila ng lahat.

Umiling siya. Wala akong mabasa sa mga mata niya. Binawi niya ang tingin at muling pinagmasdan ang karagatan. This time, ako na naman ang nakatitig sa kanya.

Dati ko pa namang napagmasdan ang mukha niya pero bakit ngayon, para akong minamagnet para titigan siya? Nagulat ako ng lumingon siya sa gawi ko.

"What?!" Ibinalik niya ang tanong ko kanina. Agad ko namang inilihis ang mga mata ko.

"You're such a crying baby. Tsk!" wala sa loob na sambit ko. Nanatili siyang nakatitig sa 'kin.

"Ano'ng sabi mo?" naiinis niyang tanong.

"I didn't know that you're deaf," walang emosyon ko pa ring sabi. Ang mga mata ko'y nakatuon sa lumulubog na araw.

Bigla akong tumayo bago pa siya makapagsalita. "Let's go. We'll have our dinner," ani ko saka tumalikod sa kanya at nag-umpisang humakbang.

"Hindi ako bingi Bryle! Narinig ko ang mga sinabi mo!" Napailing na lang ako sa sigaw niya. Girls are really annoying. Psh!

Narating namin ang dining area ng resort. Naghanda ako ng hapunan namin, I cooked something for her. Naalala ko ang tanong niya kanina.

"W-why are you doing this to me?" Honestly, I didn't know the answer. I didn't know why I am doing this to her. Fvck! This is gay.

"Hoy Bryle! I am talking to you so wag mo akong talikuran!" sigaw pa rin siya ng sigaw habang sumusunod sa 'kin. Fuck! What kind of woman she is? Nakakairita.

Hinarap ko siya at tiningnan ng masama. Agad naman itong napatigil. Kumunot naman ang noo ko. Hell! This girl is really annoying!

Hindi na siya nakipagtitigan sa 'kin, sa halip ay dumiretso siyang naglakad papunta sa dining area. Whoah! Ano ba ang iniisip niya? Sumunod na lang ako sa kanya.

"Here!" I called her. Itinuro ko ang mesang naka-reserve sa 'min. Wala sina lola tonight so kami lang ang magdidiner. Hindi naman siya nagprotesta. Naglakad siya palapit sa 'kin. I smirked. Mag-iinarte pa kasi.

Hinila ko ang upuan and let her sit. Hindi man lang nagpasalamat. Walang manners ang babaeng ito. Naglakad ako papuntang kusina.

"Dalhin niyo na sa table namin ang mga iniluto ko," sabi ko saka lumabas at dumiretso sa table namin ni Mina.

MINA'S POV

"Ano 'to Bryle? A crab? Are you kidding me?" hindi makapaniwalang bulalas ko. Nasa harapan ko ngayon ang isang napakalaking alimango. Ngayon lang ako nakakita ng ganito kalaki.

"Ito ang ulam natin?" oh ghad! Wala bang ibang ulam bukod dito? Hindi niya ako sinagot. Sa halip ay nag-umpisa itong magsalin ng kanin sa pinggan niya. Ako naman wala, tulala. Nakanganga. Speechless.

"Tikman mo muna kasi bago ka magreklamo. That's delicious, yah know." Pagmamalaki niya. Itinuro ko gamit ng tinidor ang alimangong nasa harap namin.

"You've got to be kidding me Bryle. Papakainin mo ako ng Crab? No way! Wala naman akong makakain diyan eh." No way! I'll not eat that one. Baka hindi ako matunawan niyan.

"Hindi mo pa nga nasusubukan, aayaw ka na. Tsk! Let me..." aniya. Binuksan niya 'yong parang shell. Tumambad sa 'kin 'yong mala-yellow o orange na laman nito. May iilang puti. No way! Hindi ako kakain niyan. Umismid ako sa ginawa niya.

"Here, try this. I'm sure magugustuhan mo 'yan," tugon niya habang inilalagay sa pinggam ko ang laman ng alimango na kulay orange. Yuck!

Tiningnan ko lang ang inilagay niya sa pinggan ko. Kakainin ko ba ito or kakainin? Ngeee! Ang ganda naman ng choices ko.

"Kapag hindi mo 'yan kakainin, hindi ka makakain buong araw bukas." Napatingin ako sa kanya. Whoot? Nasisiraan na ba siya? He is unbelibabol. Para rin siyang si Mr. Crabs na mukhang pera sa Spongebob Squarepants. Ang pinagkaiba lang nila, masama ugali ng lalaking kaharap ko.

"Oh? Deal or no deal?" Ngumisi siya. Aba't! Nang-aasar ba siya? Tiningnan ko siya ng masama. Hindi siya natinag, nag-smirked lang siya at nagpatuloy sa pagkain. Wow lang ha! Sarap na sarap siya sa kinakain niya eh.

Binaling ko ang paningin ko sa pagkaing nasa pinggan ko. Hell yeah! Pagkain ba talaga ito? Kinuha ko ang tinidor at nag-umpisang galawin ang bagay na nasa pinggan ko. Okay! Ayoko namang magutom bukas ng buong araw. Tiningnan kong muli si Bryle. Nakangisi itong nakatingin sa 'kin.

I sighed. Suko na ako. Kakainin ko na talaga ito. " Hindi naman nakakamatay ito, 'di ba?" tanong ko sa kanya na nakatingin sa laman ng Crabs.

"Kung nakakamatay 'yan, do you think buhay pa ako ngayon at kumakain sa harap mo?" he smirked again.

Sabagay, may point siya. Okay! Oh Mr. Crabs, don't punish me for eating your friends. Dahan-dahan kong dinala sa bibig ko ang laman ng alimango.

Nanlaki ang mata ko. Napatitig ako kay Bryle. Ngumiti siya sa 'kin. Ibinalik ko ang tingin ko sa malaking alimangong nasa harapan ko.

Sheet! Oh Mr. Crab, why you did not tell me that you are such a delicious specie in the world? This is good.

~~~

Thank you for reading.

Votes and comments.

A Beautiful Song(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon