"Here." Inabot sa'kin ni Yukie ang isang mineral water.
Nandito kami sa sidewalk ng Manila Bay. Dito niya ako dinala para raw ma-refresh ang utak ko dahil sa nakita ko.
Nakalma ko na ang sarili ko. I opened the mineral water and drink it. Nahimas-himasan naman ako.
"You okay?" Tanong niya sa'kin.
Tumango ako.
"I guess.." Then I faked my smile.
"Nahhh.. You don't have to smile kapag masakit pa ang puso mo. Pinapakita mo labg napakapangit mong smile e." Pagbibiro niya.
Hinampas ko siya sa braso.
"Loko-loko!" Tapos ngumiti ako. Yung ngiting natuwa dahil sa sinabi niya.
"Ayan.. yan dapat ang ngiting pinapakita mo. Wag ka na ring umiyak. Ang pangit mo talaga e."
Hinampas ko muli sa kanya ang hawak-hawak kong mineral water bottle. Loko-loko talaga ang lalaking ito.
"Biro lang. Eto naman.. masiyadong sadista." Giit niya.
Ngumiti ako at pinagmasdan ang dagat.
"Salamat Kie ha?" Ani ko.
"Salamat saan?" Nagtatakang tanong niya.
"Salamat kasi andiyan ka.. palagi kang nakikinig sa mga problema ko."
"Hindi ka sa'kin magpasalamat." Sagot niya sa'kin na siya namang ikinabaling ko sa kanya.
Tiningnan ko siya na nakakunot ang noo ko.
Ngumiti siya.
"Kay baby Matmat ka magpasalamat. Nang dahil sa alaga mong pusang iyon, nagkakilala tayo." Nakangising sabi niya.
Sabagay. Totoo naman ang mga sinabi niya.
"Pero kahit na ganun, salamat parin." Giit ko.
"Siyempre dapat may kapalit iyan." NALipat na naman ang paningin ko sa kanya.
"Libre mo akong lunch. Hindi tayo nakakain ng lunch dahil sa pagdadrama mo kanina sa Mall. Grabe! Nakakahiya ka talaga Mina." Nakangising sabi niya.
Bwisit na lalaking ito. Sinisira niya mood ko. Alam niya naman nagsesenti ako tapos sasagot ng alam mo na, panira ng mood.
"Ewan ko sa'yo!" Irap ko sa kanya.
"Ang cute namam nila. May couple shirt pa talaga sila."
"So cute.. bagay na bagay talaga sila."
Rinig ko sa paligid ko. Nagyon lang nagsinc-in sa utak ko na naka-couple shirt pa pala kami ni Yukie at mukha kaming magjowa sa lagay na'to. Natawa naman ako sa kanila.
"See, sabi nila, bagay daw tayo." Bulong niya sa'kin. Loko-loko talaga ang lalaking ito kahit kailan.
" Ewan ko sa'yo. Sira ulo ka!" Kinurot ko siya sa tagiliran niya.
"Aray! Ang sakit naman. Ikaw Mina ha, may pagnanasa ka sa'kin no?" Pagbibito niya.
Ang lakas ng topak ng lalaking ito.
"Halika na. Nagugutom ka lang e. Kakaiba ka pala magutom, nagiging sira ulo. Natatakot ako para sa'yo." Ganting biro ko.
Pumunta kami sa isang restaurant. Dapat kasi sa fastfood chain lang kasi konti lang pera ko, pero pinilit naman ng lalaking ito na sa restaurant lang daw kami para mas romantic ang date namin. Binatukan ko nga e.
Kaya heto kami ngayon, nasa restaurant. Naghihintay na lang kami sa mga inorder namin. Ngayon ko lang naramdaman na gutom na rin pala ako.
Matapos naming kumain, ay hinatid na ako ni Yukie sa bahay. Halos gabi na ng ihatid niya ako. Kung saan-saan pa kasi kami nagroroaming around eh.
Masaya kasama si Yukie. Makakalimutan mo mga problema mo. Yung tipong natural ka lang kapag kasama mo siya. Ang tanging iisipin mo ay magsaya lang.
Dumiretso ako ng kwarto ko para magshower. Ang lagkit ng katawa ko, ngayon lng rin ako nakaramdam ng pagod.
Hinubad ko ang damit ko. Napangiti ako nang mapansing couple shirt pala ang suot-suot ko.
Lub. Dug. Lub. Dug.
Lub. Dug. Lub. Dug.
Teka? Ano tong nararamdaman ko? Bakit ganito ang heartbeat ko?
Inignora ko ang nararamdaman ko. Nagpatuloy ako sa pagbabad sa tubig.
Exaclty 30mins ay lumabas na ako ng banyo ko. Ang sarap talaga ng feeling kapag fresh ka.
Humiga ako ng kama, naalala ko na naman ang nangyari kanina sa Mall. Hindi ko maiwasan ang malungkot, magalit.
Naramdama kong nagvibrate ang cellphone ko. Nakita kong ang daming messages at missed calls. Tiningnan ko kung kanino galing. Karamihan kay Sir Matt.. Gusto niya daw mag-usap kami. Inirapan ko ang text niya. May nakita akong unknown number.. Inopen ko ito..
From: +63946++++666
-Did you enjoy your day Mint Nathalie? Nag-uumpisa pa lang ako. Lahat ng sa'yo, aagawin ko! Take care.
Hindi naman mapagkakaila kung kanino galing ang text na'to. Sigurado akong si Marian ito. Hindi ako natatakot sa kanya. Neknek niya! A homewrecker!
May isa pang unknown number na nagtext. Hindi ito galing kay Marian. I opened it and read the message.
From: +639102030406
-Mag-enjoy ka na muna dahil sa mga susunod na araw, iiyak ka na.
.A
"Kanino galing to?" Tanong ko sa sarili ko.
Nakakastress ang araw na'to. Bakit ba ang daming kontrabida sa mundo?
Matutulog na sana ako ng maramdaman ulit ang pagvibrate ng cellphone ko.
From: Yukie
-Goodnight babaeng iyakin. Ingat palagi. Thank you for this day. :)
Napangiti ako. Mareplyan nga.
To: Yukie
-Tse! Nakakabadtrip ka! Anyway, thank you Kie nabawasan ang bigat ng dinadala ko.
Sent!
Nagvibrate ulit phone ko.
From: Yukie
-Bigay mo naman sa'kin yang ibang dinadala mo para hindi ka mabigatan." ☺
Baliw talaga ang lalaking ito. I smiled.
To: Yukie
-Ewan ko sa'yo! Sige na, matutulog na ako. Goodnight. Sweetdreams :)
Nagreply na naman siya. Napangiti ako.
From: Yukie
-Goodnight my princess. See you in dreamland.
Napangiti ako.
Kinapa ko ang kaliwang dibdib ko, naramdaman ang mabilis na pagtibok ng puso ko.
Anong ibig sabihin nito? Posible kayang..
Inlove ako kay Yukie? Pero paano?
BINABASA MO ANG
A Beautiful Song(Completed)
HumorSino ang mamahalin mo? • Matthew the professor slash the good boy with hidden secrets? Or.. • Bryle the gangster slash the bad boy with hidden feelings? Sino ang magsasabing.. "because you're a beautiful song in my heart.." • Special thanks to LituS...