"Good morning sleepy head.." Mukja ni Yukie ang nabungaran ko sa umagang ito. Teka! Hindi pa ako nakakapagtoothbrush. Sigurado akong sabog pa ang buhok ko. Kumusta naman kaya ang pagmumukha ko ngayng umaga?
"Sanay na akong makita kang ganyan kung yun man ang iniisip mo." Saka siya ngumiti.
Napabalikwas naman ako ng bangon at tumakbo papuntang banyo.
"Ano bang ginagawa mo dito Yukie?" Tanong ko sa kanya ng makalabas ako ng kwarto.
"Wala naman. Gusto lang kitang bisitahin. Matagal na rin kitang hindi nakikita." Ngumiti siya.
"Tse! Ikaw itong busy e. Busy ka sa pagdedeliver ng mga drugs!" Sumimangot ako nang ginulo niya ang buhok ko.
"Ano ba Yukie!" Reklamo ko sa ginawa niya.
"Sus! Puro ka reklamo. Mag-ayos ka na at ihahatid kita sa school niyo." Saka siya lumabas.
"Tse!"
Matapos kong mag-ayos ng sarili ko ay lumabas na ako. Anong oras na ba?
Pagkababa ko ay niisa sa mga kuya ko ay wala sa kusina, wala sa sala. Gusto ko man silang katukin sa kwarto nila pero naunahan na naman ako ng takot. Kaya minabuti ko na lang na kumain ng agahan kasama si Yukie.
"Ate Nita, nakababa na ba sina kuya?" Tanong ko.
"Ang kuya Red mo kanina pa umalis, si Indigo naman hindi pa lumalabas sa kwarto niya." Aniya.
"Ang lungkot mo naman prinsesa." Pang-aasar ni Yukie. Pinandilatan ko siya ng mata.
Matapos naming mag-almusal ay dumiretso na kami school. Ayoko pa sanang pumasok kasi wala ako sa mood pero baka naman isumbong ako ng lalaking kasama ko kina kuya, mahirap na. Sipsip yan sa mga kapatid kahit na minsanan nang tumibok ng mabilis ang puso ko sa kanya. Ay! Ano ba yang iniisip mo Mina! Ang dapat mong isipin ang relasyon niyo ni Matthew dahil nanganganib na. Hmp!
"Bye Princess. Mag-ingat ka ha? Susunduin kita mamaya." At pinaharurot na niya ang kotse niya. Susunduin? Parang alam ko na bakit ganyan ang asal ni Yukie. Sigurado akong inutusan yan nina kuya.
Naglakad na lang ako papunta sa classroom. Napapansin kong pinagtitinginan ako ng mga estudyante. Eh? May dumi ba ako sa mukha?
Nilingon ko ang nasa likuran ko, pinagtitinginan talaga nila ako. May mali ba sa'kin? Kakastart pa lang ng klase instant celebrity na ako agad?
"Bessy! Buti nakita kita." Hingal na hingal na tawag sa'kin ni Christy.
"Bakit bes?" Nagtatakang tanong ko.
"Halika. Bilis!" Hinawakan niya ang kamay ko at kinaladkad papunta sa kung saan.
"Teka! Hinay-hinay naman bessy." Pagrereklamo ko.
"You have to see this." Tsaka niya ako binitiwan.
Tumambad sa'kin ang mga pictures sa bulletin board. Mga pictures namin ni Sir Matthew.
Anong ibig sabihin nito?
"Hindi ko alam sino may gawa niyan bessy. Pagkatapos ng firat subject ko kanina, yan agad nabungaran ko rito." Pagsusumbong ni bessy.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Naririnig ko ang mga bulung-bulongan sa paligid. Na malandi daw ako, na inakit ko daw si Sir Matthew, kaya daw lumipat si Matthew dahil sa'kin. At hindi lang yan, sa dami ng pictures namin ni Sir Matt ay may napansin rin akong ipang pictures sa gilid ng bulletin board. Mga pictures namin ni Bryle. Shet! At hindi lang yun, may mga pictures rin kami ni Ken at mas matindi pa kay Yukie.
BINABASA MO ANG
A Beautiful Song(Completed)
ComédieSino ang mamahalin mo? • Matthew the professor slash the good boy with hidden secrets? Or.. • Bryle the gangster slash the bad boy with hidden feelings? Sino ang magsasabing.. "because you're a beautiful song in my heart.." • Special thanks to LituS...