Chapter 43: Sweetest Pain

71 4 8
                                    

MINA'S POV

"Kuya Red!" sigaw ni Kuya Indigo. Agad  siyang lumapit sa 'kin at inalalayan akong tumayo. Natulala ako. Napatingin ako kay Kuya Red na galit na galit ang mukha.

"Hindi mo na ako binigyan ng kahihiyan Mint Nathalie!" sigaw ni Kuya sa 'kin. Hindi ko maintindihan. Anong nangyayari?

"Huwag ka na munang magsalita bunso," bulong ni kuya Indigo sa 'kin. Naguguluhan ako.

"Kalat na kalat na sa media ang relasyon mo sa Matthew na 'yon! Anak siya ng kilalang tao sa lipunan! Nakakahiya ang ginawa mo Mina!" Patuloy pa rin si Kuya sa paninermon sa 'kin, ako naman ay walang tigil sa pagbasak ang mga luha.

"Tingnan mo ang eskandalong ginawa mo!" Ibinagsak niya sa harap ko ang isang newspaper. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Picture namin ni Matthew 'nong nagcelebrate kami ng first monthsary namin.

Retired Supervisor Mr. Allan Navarro's son, Mr. Matthew Navarro caught in the camera having a romatic dinner with an unknown girl. - Sinasabing ang nakadate daw ni Mr. Matthew Navarro na isang guro ay isang estudyante ng St. Alexis University. Napag-alaman ring dati niya itong estudyante. May iba ring nagsasabi na silang dalawa ay magkasintahan. Is this possible to have a Teacher-Student Relationship?

"A-ano ang.." Hindi ko alam ano ang sasabihin ko. Akala ko sa St. Lexius lang ang may ganitong issue pero may naiambag na pala sa newspaper?

"Pinabayaan ka namin dahil diyan sa lecheng lalaking iyan tapos ganito lang ang igaganti mo sa 'min? Nakakahiya sa pamilya nila Mint Nathalie! Isang retired supervisor ng DepEd ang ama niya!" patuloy na bulyaw ni Kuya sa 'kin. Hindi ko maintindihan bakit umabot sa ganito ang lahat.

Tumayo ako at pinahid ang mga luha kong kanina pa nagsilaglagan. Bakit nangyayari ito?

"Mahal ko si Matthew Kuya," mahinang sabi ko habang humihikbi.

"Mahal? Anong alam mo sa pagmamahal Mina?" bulyaw niya sa 'kin?

"Hindi na ako bata para tanungin mo nang ganyan kuya!" napasigaw ako dahil sa frustation. Hindi ko na kaya 'to. Humagulgol ako. Agad naman akong inalo ni kuya Indigo.

"Wala  kaming ibang hinangad sa 'yo kundi ang maging masaya ka,  pero sumusubra ka na Mina.. Si Yukie, akala ko kaibigan mo siya pero anong ginawa niya? Ginamit ka lang niya para sa mga plano niya. Naalala mo si Marian? Sinamantala niya ang kabaitan mo para kay Indigo, at ngayon.. hindi basta-bastang tao ang nakasalamuha mo Mina," giit ni Kuya samantalang ako ay patuloy lang sa pag-iyak.

Tumakbo ako papuntang kwarto ko. Ayoko nang marinig pa ang sasabihin ni Kuya Red. Dumapa ako sa kama at humagulgol nang humagulgol. Wala akong pakialam kung umabot man sa kapitbahay ang iyak ko.

"Bunso, buksan mo ang pinto. Bunso!" naririnig kong sigaw ni Kuya Indigo. Ayoko kayong makita. Ayoko kayong makausap.

Kinaumagahan, maaga akong nagising. Pupunta ako kay Matthew. Wala akong pakialam sa sasabihin nila. Basta ang importante magkasama kami ni Matthew.

Lumabas ako ng bahay nang walang pinapansin sa kanila. Hindi nila ako maintidihan at kahit kailan hindi nipa maiintindihan.

"Mina!" tawag ni kuya Red sa 'kin pero hindi ko siya nilingon. Dumiretso lang ako sa labas at agad na pumara ng taxi.

"Staz condominium po," sabi ko sa drivee at agad naman niya pinaharurot ang sasakyan.

Ilang minuto pa ay nasa labas na ako ng condo ni Matthew. Kumatok ako ng ilang beses bago ito mabuksan.

"Mina.." bungad sa 'kin ni Matthew na halatang puyat ang mga mata. Agad ko siyang niyakap. Inakay niya ako papasok ng condo niya.

"Are you alright?" tanong niya habang hinahawakan ako sa kamay.

A Beautiful Song(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon