Chapter Twenty-Four

107 39 4
                                    

Dahan-dahan akong napamulat ng aking mga mata. Nasilayahan ko ang nag-aalalang mukha ni kuya Red. Teka? Buhay pa ba ako?

Napabalikwas ako sa naalala ko. May magnanakaw, may nakamaskara ang lumapit sa'kin at may dalang patalim. Pero..sinipat ko ang gilid ko, ang katawan ko kung may dugo bang umaagos, wala naman akong nakikitang dugo. Tumakbo ako sa malaking salamin sa sala at tiningnan ang likod ko, wala namang dugo.

Nakaramdam ako ng takot sa sarili ko. Patay na ba ako? Nasaksak ata ako nung lalaking iyon.

"Ano ba ang nangyayari sa'yo bunso?" Naguguluhang tanong ni kuya Red sa'kin.

Tiningnan ko siya. Bakit nandito rin si kuya Red sa langit? Dinalaw niya ba ako? Waaahhh! Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Napakunot naman amg noo ko nang makita ang nakakalat na mga gamit. Bumalik ang tingin ko sa taong nasa harap ko, kumunot ang noo ko, kumunot rin ang noo niya.

Nabaling ang tingin ko sa pintuang bigla na lang iniluwang si Kuya Indigo.

"Gising ka na pala bunso." Bakas sa mukha niya ang pag-aalala.

Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito sila sa langit. Pero ang alam ko, hindi makalat sa langit based yun sa mga nababasa ko pero ang lugar na'to? Sobrang kalat!

"Okay ka lang ba? Anong nangyayari sa'yo?" Tanong ni Kuya Indigo sa'kin habang naglalakad siya palapit sa'kin.

"Hoy!"

"Palakang may butiki!" Tili ko.

"Ano bang nangyayari sa'yo bunso?" Iritang tanong ni Kuya Red.

"Nasa langit na ba ako?" Inosenteng tanong ko.

Binatukan ako ni kuya Indigo.

"Aray ko naman kuya! Hanggang dito ba sa langit eh babatukan mo ako?" Reklamo ko sabay himas sa ulo ko.

Tumayo naman si Kuya Red na napapailing.

"Anong nasa langit? Malala ka na nga bunso. Ano bang nahithit mo at ganyan laman ng utak mo?" Hindi makapaniwalang tanong ni kuya Indigo.

Seriously? Maski ako hindi alam ang nangyayari. Ang alam ko lang nasaksak ako at nabulagta sa sahig tapos nakita ko si Bryle na tumatakbo papunta sa direksiyon ko. Si Bryle? Napatayo ako agad sa naisip ko. Nasan si Bryle?

"Sa impyerno ba napunta si Bryle kuya?" Tanong ko out of curiousity.

"Tsk!" Tumayo si Kuya Indigo at umupo sa sofa.

"Anong sabi ng mga pulis?" Rinig kong tanong ni Kuya Red kay Kuya Indigo.

"Mag-iimbestiga sila sa nangyari dito." Sabi niya habang hinihilot ang sentido niya.

"Yung isang lalaki?" Napalingon ako sa tanong ni kuya Red.

"Siya na ang sumama sa mga pulis para sagutin ang mga tanong nila." Sagot naman ni kuya Indigo.

"Kakilala mo ba yun?"

Tumango si kuya Indigo bilang sagot sa tanong ni kuya Red.

"Ahem.. mga kuya? Baka nakakalimutan niyo, andito pa ako." Kakaway-kaway kong wika.

Sabay silang napalingon sa'kin.

"Anong nangyari dito bunso? At bakit nandito si Bryle?" Tanong ni kuya Indigo na nakakunot ang noo.

~~~

Nandito ako sa labas ng office ni Sir Matt. May gusto akong ibigay sa kanya. Nakita ko itong keychain kahapon sa Park habang nagpapahangin ako. Wala kasing kuryente kaya lumabas ako para magroaming around. Nakita ko naman itong keychain at binili na agad. Gusto kong ibigay kay Sir Matthew ito para pareha kaming meron. Ayeee.. kinikilig ako sa naiisip ko.

A Beautiful Song(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon