Maaga akong nagising kinabukasan. Siyempre inspired ako kagabi hanggang ngayon. Sobrang kinikilig talaga ako sa sweetnight namin ni Sir Matthew love of my life.
I already cooked fried egg, ham and tarannn.. my best ever recipe, tuyo.. ohh sabeeehh.. kumakain kami ng tuyo. Pampagana. Pabalik-balik lang yung ulam namin, wala akong ibang alam lutuin e. Hindi nga ako nag-chef kasi I hate cooking but I love eating.
Masabihan nga si kuya maghire ng chef. Aww.. Gusto nga pala ni Kuya Red na matuto kami pero kumusta naman kaya si Kuya Indigo, anong natutunan nun? Puri kabulastugan lang alam nun.
"Good morning bunso." Bati ni kuya Indigo. Aba! Himala atang maaga ang gising niya a.
"Good morning rin kuya. Kain na." Sinalinan ko ng kape ang tasa niya.
"Kinakabahan ata ako ngayon." Sabi niya habang nagsalin ng tuyo at kanin sa pinggan niya.
"Bakit naman kuya?" Tanong ko. Umupo na rin ako at kumuha ng tuyo at itlog. Yum. Yum. Yum..
"Wala. Kakaiba kasi aura mo ngayon. Ang aga mo atang nagising." Sabi niya at sumubo.
"Gusto ko lang makapagluto ng tuyo." Ngumiti ako at uminom ng gatas. Sakto ring dumating si Kuya Red at dumiretsong umupo. Sinalinan ko siya ng kape.
"Saan na naman ang lakad mo ngayon Indigo?" Kuya asked without looking at him.
"Papasok ako ngayon kuya. Don't worry. Magtitino na ako." Nakangising sabi niya.
If I know palusot lang yan ni kuya. Siya pa. Hari ng kabulastugan yan e.
"Papasok? Saan kuya? Sa Bar o sa gallera?" Sabi ko habang kumakain.
Tiningnan niya ako ng matalim. "Ay! Sabi ko nga kuya sa school ka papasok." Nagpeace sign pa ako.
"By the way Mina.. Kukuha na ako ng katulong dito sa bahay para naman hindi ka na mahirapan sa mga gawaing bahay. Alam ko namang puro reklamo yang laman ng utak mo." Sabi niya at tumayo.
"Talaga kuya? Salamuch talaga kuya a!" Tumayo na rin ako at niyakap siya sa likod.
"Sasabay na ako sa'yo kuya Red. May quiz kami ngayon e. Ikaw na bahala diyan kuya Indigo a. May motor ka naman kaya hindi ka malelate. Bye!" Saka ako tumakbo palabas. Alam ko namang sisigaw yan si Kuya Indigo Bahala na siyang magligpit dun. Haha!
Nang makarating ako sa school, dumiretso agad ako sa Guidance Office. Alam ko maagang pumapasok si Love of my Life.
Nakita kong bukas na ang office kaya sumilip muna ako. May nakita akong working student na naglilinis kaya pumasok na ako.
"Good morning. Nandito na ba si Sir Matthew?" Tanong ko.
"Good morning rin. Oo, nasa loob na siya. Pasukin mo na lang." Sabi niya at nagpatuloy sa pagwawalis.
"Sige, salamuch.." Humakbang ako papunta sa office niya. Kumatok muna ako bago pumasok.
"Good morning Sir Matthew." Bati kong nakangiti.
"Oh! Good morning Miss Aurellano." Sabi niya. Busy siya sa pagsusulat. Baka sa report niya.
"Amm.. Kukunin ko po sana yung naiwan kong notebook kahapon. Sorry po talaga sir a." Sabi ko. Inoobserbahan ko lang siya.
"Yeah!" He opened the drawer tapos kinuha ang nandun. "Here.." Sabay abot ng notebook ko.
"Salamuch po talaga Sir Matthew.."
Kumunot ang noo niya tapos ngumiti. "Ang dami mo talagang alam na mga salita. Kagabi, sweetnight ngayon naman salamuch."
Ngumiti na naman siya. Waahh! Maloloka ako nito.
"Ahh.. hehe. naririnig ko lang po." Sabay kamot sa ulo ko. Tiningnan ko siya na busy na naman sa pagsusulat.
"Busy po ata kayo Sir.. may maitutulong ba ako?" Sabi ko at lumapit ng kaunti.
"It's okay Mina.. mga report lang naman ito na ipapasa sa DepEd." Sabi niya at ngumiti na naman. Pero tinawag na naman niya ako sa nickname ko. Ang saya!
"Ahh.. ganun po ba sir? Baka kasi, marami yang susulatin niyo, pwede po ako." Lihim akong nagdiwang nang ngumiti siya sa'kin..
Magsasalita na sana siya ng may pumasok.
"Excuse me sir, may bisita po kayo." Bungad ng babaeng estudyante. Secretary niya ata. Tama! Mag-aapply akong secretary para every hour every minute ko siyang makikita. Bakit hindi ko naisip yun kanina? Boplaks talaga ako minsan.
Nagpaalam na lang ako bago lumabas. Nakakahiya naman diba?
Binaybay ko ang hagdan papuntang classroom. Nababadtrip ako kapag aakyat na. Kapag ako naging presidente, maglalagay ako ng elevator dito. Hmp!
"Hi Mina.." Bati ng isang estudyante na hindi ko naman kilala.
Kanina ko pa napapansin, sa bawat estudyanteng madadaanan ko, binabati ako. Anong meron?
"Good morning Mina.."
"Good morning Aurellano.."
Ako naman, di malaman kung ngingiti o sisimangot.
Nang nasa third floor na ako, bigla na lang akong tinapunan ng mga papel. Yung kinumot na mga papel. Teka? Mukha ba akong basura?
"Ano ba!" Sigaw ko.. Ang daming crumpled papers. Nagkakalat lang sila ng basura.
"Hindi ako basura para tapunan ng mga crumpled papers!" Sigaw ko. Nakakainis ang mga taong ito.
Patuloy pa rin sila sa pagtapon ng kung anu-ano. Mabuti sana kung papel lang e, pati ba naman balat ng saging? Ginawa na talaga nila akong basurahan.
"What is happening here Miss Aurellano?"
Patay! Si Ma'am Onggocan.
"Hindi ko po alam Ma'am. Sila po ang nagtatapon ng basura sa'kin." Tinuro ko yung isang classroom kung saan nanggagaling ang mga basura.
"Is this true boys?" Tanong ni Ma'am sa mga lalaking nasa pintuan.
"Naku! Hindi po totoo yan Ma'am. Nanggaling po yan sa bag niyang lahat at itinapon diyan." Sabi nung isang lalaki. Aba't sinungaling!
"Sinaway nga namin siya na wag magtapon diyan pero sabi niya, wala daw kaming pakialam kung gusto niyang magkalat." Sabi naman nung isa.
Ako ba'y pinagkakaisahan niyo? Humandala lang talaga kayo sa'kin mamaya!
Lumingon si Ma'am Onggocan sa'kin na nakataas ang kilay. Aww, akala ko ako lang kayang gumawa niyan. Siya rin pala? Akalain mo naman yun.
"Linisin mo yang lahat Miss Aurellano. I will report this to your dean and to the Guidance Councilor." At naglakad siya pababa ng hagdan.
Napakamot ako ng ulo ko. Palagi na lang akong napapakamot sa ulo ko. Marami na talaga akong alaga nito. Tiningnan ko ng masakit ang mga lalaking sinungaling at nakuha pa talaga nilang ngumisi.
Sino naman mastermind nito? Mapuputulan ko talaga ng dila.
Biglang may nagflash sa utak ko.. yung sinabi ni Christy sa'kin kahapon. Yung mag-ingat daw ako kasi sinampal ko ang number one bully sa school na'to.
Ngayon alam ko na sino may gawa nito. Humanda ka sa'kin Bryle Trinidad! Pagbabayaran mo'to!
BINABASA MO ANG
A Beautiful Song(Completed)
HumorSino ang mamahalin mo? • Matthew the professor slash the good boy with hidden secrets? Or.. • Bryle the gangster slash the bad boy with hidden feelings? Sino ang magsasabing.. "because you're a beautiful song in my heart.." • Special thanks to LituS...