Chapter 61: Nagbabalik

43 2 0
                                    

MINA

Ahhhh! Sa totoo lang gusto kong ipasok sa oven ang Brittany na ito! Nakakainis na eh!

Simula nang dumating ang babaeng ngalangala na iyan dito kanina, nawala na ako sa mood. Paano ba naman kasi kung makadikit kay Bryle parang linta! Ang sarap niyang bigwasan talaga!

Nakaupo lang ako sa harap nila. Si Bryle nagluluto, si Brittany naman walang humpay ang pagpapansin. Leche! Ang lakas makabadtrip ng babaeng ito eh!

"Flour? Does it need flour pa ba Bryle?" maarteng sambit nito. Itapon ko kaya sa mukha niya ang harina, tingnan natin.

"Here Bryle oh..."

"You need water?"

"Salt? Wait, kukunin ko..."

"Ako na maghuhugas niyan Bryle!"

"Pinapawisan ka na Bryle..."

Bigla akong napatayo. Nakakairita ang boses ni babaeng linta. Hmp! Si Bryle naman parang gustong-gusto ang ginagawa ng babaeng linta na nga mahaba pa ang nguso. Akala mo naman cute. Bagay nga naman pala oh, linta saka pugita. Perfect combination!

"Ate Mina, could you please get the cabbage," nakangusong saad niya.

Tiningnan ko lamang siya. Anong akala niya sa 'kin? Utusan niya? Neknek niya!

"Inuutusan mo ba ako?" panghahamon kong nakataas ang kilay.

"Ay hindi po ate Mina, nakikifavor lang." Aba! At tinawag pa akong ate. Gano'n na ba ako katanda para tawagin niyang ate? Letse!

"Kunin mo mag-isa mo!" padabog kong sabi saka umalis. Bwisit!

"Hala...nagalit ata si ate Mina sa favor ko." Rinig ko pang sinabi niya.

Pagkalabas ko naman ng sala ay nakita kong nagkukulitan si bessy at Elezar, aba! Agad-agad? Hindi ba pwedeng nasa getting to know each other pa lang? Daig pa nila ang magsyota eh!

Lumabas na lamang ako ng bahay. Mabuti pa rito sa labas, walang bwisit, walang pabebe, walang nakakairitang mukha. Umupo ako sa duyan saka pinagmasdan ang mga bituin.

Mama, papa? Kumusta na po kayo? Kasama n'yo na po ba diyan si Pocholo?

Nagpakawala ako ng malalim na hininga.

"Ako kasi rito, hindi okay. Namimiss ko na po kasi kayo..." bulong ko.

Hindi ko namalayan na may ilang butil ng luha ang tumulo sa 'kin pisngi.

Si Matthew kaya? Aish! Bakit ko pa ba siya naiisip? Nabwibwisit na rin ako sa sarili kong pag-iisip!

Pinahid ko ang ilang luhang naglandas sa pisngi ko. Hindi naman dapat ako umiiyak.

"You're crying agin." Mabilis kong pinahiran ang luha ko saka nagkunwaring walang nangyari bago lumingon sa likuran ko.

"O-of course not! Bakit naman ako iiyak?" singhal ko kay Bryle.

Lumapit siya sa gilid ko at tumingala sa kalangitan. Palagi na lang siyang ganyan, tumitingala sa kalawakan.

"You can't fool me Mina," mahinang sambit nito.

Tumingala akong muli at muli na namang tumulo ang mga luha ko. Bakit ba ang emotional ko ngayon? Hindi ko maintindihan ang sarili ko.

Hinarap ako ni Bryle saka niya ako hinawakan sa balikat at pinaharap sa kanya. Napayuko naman ako dahil ayokong makita niya akong umiiyak. Hinawakan niya ako sa chin at dahan-dahang inangat ang ulo ko upang magtama ang aming mga mata.


A Beautiful Song(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon