"Mint? Oh ghad! I'm glad I found you." Sabi niya na parang nakajackpot sa lotto.
"Mina na lang.. hindi ko feel ang Mint e." Sabay ngiti sa kanya.
"I'm sorry Mint, I mean Mina." Tapos kinamot ang ulo niya.
"What are you doing here?"
"I'm just hanging around." Sabay ngisi niya. Napaarko ang kilay ko sa sinabi niya.
"Actually, may pinuntahan lang ako, inayos ko lang yung records ng kapatid ko. Basagulero kasi, ang daming bagsak."
"Ahhh.. may kapatid ka pala dito?" Tanong ko.
"Ahemm.." Singit ng isang nilalang sa likod ko. Awww, nakalimutan ko na naman si Christy. Haha! Makakalimutin na talaga ako.
"By the way, si Christy pala, bestfriend ko." Sabay hila kay bessy. "Bessy, si Yukie. New friend ko."
"Hi.." Matipid na bati ni bessy. Ganun rin si Yukie.
"Anong college pala yung kapatid mo?" Tanong kong muli sa kanya. We are heading our way to the cafeteria para magmeryenda.
"College of Computer." Ahh.. so kumukuha pala ng computer courses ang kapatid niya.
"Ahhh, ganun ba? Hindi ka nag-aaral?" Tanong ko sa kanya.
Umiling lang siya at ngumisi.
"Nakakapagod mag-aral. Pare-pareho lang naman yang mga kurso. Nakakabagot." Wow ha! Ang tindi naman ng trip ng lalaking ito.
"Kakaiba namang perspective yan." Satinig ni Christy. Ooohh.. Akala ko napanis na laway ng babaitang ito.
Ngumiti lang si Yukie. Magsasalita pa sana ako nang magring ang cellphone niya.
"Hello?" Sagot niya sa kabilang linya. Lumayo siya ng konti para makausap ang tumawag.
Ilang minuto pa'y lumapit siya sa'min matapos patayin ang cellphone nito.
"Mina.. I need to go, may importante akong aasikasuhin." Pamamaalam niya.
"Sige Yukie." Sabi ko.
"Nice to meet you Christy." Saka siya naglakad palayo sa'min.
"Sino yun bes?" Tanong agad ni Christy pagkaalis ni Yukie.
"Ahh.. Si Yukie, bagong kaibigan ko." Kinwento ko sa kanya ang nangyari at hindi nga siya makapaniwala na nahihimatay rin pala ang pusa. Haha!Natawa na lang ako sa reaction niya.
Nasa kalagitnaan kami ni Bessy ng lunch break nang may bultong bigla na lang susulpot sa harapan ko. Ta talagang nakangisi pa siya ha.
"Kailangan mong sumama sa'kin dahil kung hindi lagot ka!" Aba! Tinakot pa talaga ako ng pandak na jejemon na ito.
"Natakot naman ako. Ano na naman ba ang kailangan niyo sa'kin ha? Umiiwas na nga ako sa inyo diba? Isn't it obvious?" Pagtataray ko. Nakakabuset talaga kapag may ganitong pangit ang susulpot na lang bigla sa harapan mo habang kumakain. Nakakawalang gana.
Napansin kong pinindot pindot niya ang cellphone niya at halatang may tinawagan.
"Boss! Oo, andito siya, oo.. pero matigas ang ulo. Oo, sige, okay lang? Sige boss!" Tsaka ipinasok ang cellphone sa bulsa niya. Ngumisi naman siya sa'kin.
"Wag ka ngang ngumisi, ang sagwa mo tingnan." Yuck! Nakakasuka ang pagmumukha niya.
"Ikaw naman Mintol. ALam ko naman gwapo ako, wag mo namang baliktarin." Saby ngisi niya. Yuck! So gross!
"Eeewww.. Mahiya ka nga sa sarili mo dugong." Naiinis na ako. Feeling niya talaga.
May lumapit na lalaking nakaitim sa'min at binatukan ang dugong na lalaking jejemon. Buti nga!
Lumipat ang tingin ko sa lalaki. Holy cow! Hindi lang siya gwapo, sobrang gwapo pero loyal ako sa love of my life ko ha.. Baka akala niyo naglalandi na naman ako. Wag na! Marami na sila.
"You need to come with me bago pa magalit si Bryle." Ang husky ng boses. Nakakatulo laway ang isang ito.
Tiningnan niya ako na parang nalulunod ako sa kagwapuhan niya. Alam niyo naman ako diba, kahinaan ko ang gwapo. Waaaah!
"Bakit ba?" Tumaas ang kilay ko.
Napatawa siya sa reaction ko. What? Sa halip na matakot, eh tinawanan ako ng lalaking ito. Problema niya?
"Sige na, fix yourself at may pupuntahan tayo." Uurrgg! Kahit na gwapo ka, naiinis parin ako.
Wala na akong nagawa kundi sumama na lang bago pa nila ako makaladkad.
Kasama namin iilan sa kanila pero hindi lahat. Wala ang pugitang boss nila. Naka-angkas ako sa gwapong nilalang na ito na Ken ang pangalan. Wow, para lang yung partner ni Barbie at ako naman si Barbie. Ano ba yang iniisip mo Mina! Erase! Erase! Kapag nalaman yan ni Sir Matt, tiyak magagalit na talaga yun ng bonggang bongga.
Speaking of Sir Matt, hindi na naman ako makakapasok sa klase niya. Buset na mga lalaki ito.
Tiningnan ko ang dinadaanan namin, papunta kami sa bahay ni Bryle ngayon. Teka! Ano na naman ba yan?!
Nang makarating kami ay bumaba agad ako. Bumaba na rin si Ken at naglakad papasok ng bahay. Sinundan ko siya.
"Anong gagawin ko dito? May pasok pa ako a?" Bulyaw ko sa kanya. Nakakaloka! Naiinis ako!
"Nakalimutan mo na ba ang kaaunduan niyo ni Bryle?" Walang ganang tanong niya.
"Kasunduan? Anong kasunduang pinagsasabi mo?" Nakakunot noong tanong ko.
"Sige na, umpisahan mo na. Nandun ang mga gamit panlinis sa kwartong iyon." Sabay turo niya sa isang kwarto.
Ilang minuto pa akong nakatayo bago magsinc in sa utak ko ang sinasabi niyang kasunduan daw namin ni Bryle.
Umupo ako sa tabi niya at nagcross arms. Tumingin siya sa'kin ng nagtatanong.
"What are you doing?" Hindi makapaniwalang tanong niya sa'kin.
"Sa laki ng bahay na'to, hindi ko kayang mag-isa to!" Reklamo ko. Totoo naman a! Ang laki kaya ng bahay ng damuhong pugitang iyon.
"Its not my problem anymore." Sabi niya saka tumayo at umalis sa tabi ko.
Not your problem pala ha, tingnan natin. Nahiga ako sa sofa. Matutulog na lang ako. Ang sarap talagang matulog.
"Hey, I told you to start cleaning. You need to finish at exactly 5pm. May pupuntahan tayo." Sabi niya habang umiinom ng beer.
Bumangon ako.
"Exactly 5pm? Nasisiraan ka na ba? 1pm na ngayon, do you think I can clean this house within 4 hours?" Taas kilay kong bulyaw sa kanya. Nakakairita. Yung mga kasamahan niya, andun sa labas. Naglalaro ng basketball. Buset! Wala nga si Bryle, may second hand naman ito para pahirapan ako.
Tiningnan niya lang ako.
"Okay fine! Maglilinis ako basta't tutulungan niyo ako. Para naman mapabilis ang paglilinis at nang makaalis tayo ng maaga papunta sa sinasabi mong lugar." Hamon ko sa kanya.
Tumawa siya ng malakas at siya ring pagpasok ni Jejemon boy.
"Are you out of your mind? Where dis you get your guts para sabihin sa'kin yan?" Natatawang sabi niya.
"Look, gusto ko lang matapos agad ang trabaho dito para makaalis na agad tayo. Hindi ako sanay sa paglilinis para natapos within 4 hours, besides, the time is running dahil sa pakikipagpalitan natin ng salita na dalawa. Nasasayang ang oras." Mahabang salaysay ko. Huh! Sa tingin mo ha!
"Okay fine! Tutulong kami but just this time only." Sabay martsa niya palabas.
Pinitik ko ang mga daliri ko. Oh yeah! Mga uto-uto.
***
Lahat po ng chapter ay POV ni Mina.. Pag-iisipan ko pa kung maglalagay ba ako ng POV ng ibang characters o hindi. Anyway, sana po magustuhan niya ang chapter na'to.
Ang dami na atang lalaking nagsilabasan sa buhay ni Mina a. Sino ba talaga ang para sa kanya? Abangan.. ☺☺
Enjoy Reading ❤
BINABASA MO ANG
A Beautiful Song(Completed)
HumorSino ang mamahalin mo? • Matthew the professor slash the good boy with hidden secrets? Or.. • Bryle the gangster slash the bad boy with hidden feelings? Sino ang magsasabing.. "because you're a beautiful song in my heart.." • Special thanks to LituS...