BRYLE'S POV
Kanina ko pa tinatawagan si Go pero hindi sumasagot. Siguro may mga inaasikaso. Lumapit ako kay Mina na nakaupo sa pool side, nakalublob ang mga paa nito sa tubig.
"Hindi ko pa matawagan si Indigo, may mga inaayos lang sigurong importante. Huwag kang masiyadong mag-alala." Pagpapalakas ko ng loob sa kanya. Nakatingin lang siya sa tubig na may malalim na iniisip.
"May gusto kang kainin or inumin?" tanong ko.
"B-bryle... 'yong n-nangyari last night," aniyang nauutal. Tiningnan ko siyang nakakunot noo at biglang naalala ang nangyari tungkol sa pagpagulong-gulong namin sa buhangin.
Flashback
Tumayo ako agad nang matapos ko siyang halikan. Naguguluhan ako sa ginawa ko. Nababaliw na ata akong talaga.
Naglakad ako palayo sa kanya. Ayokong marinig ang mga panunumbat niya kaya mas pinili ko na lang na umalis. Hindi pa ako nakakalayo ay huminto ako sa madilim na parti para pagmasdan siya.
Nanatili lang siyang nakahiga sa dalampasigan, hindi alintana ang tubig na sumasampa sa kanya. Maya-maya'y umupo ito at nagpalinga-linga. Napangiti ako ng makita sa mukha niyang nagtataka.
Nawala ang ngiti ko nang marealize ang lahat kasabay nito ang nabuong tanong sa isipan ko, am I... falling in love with her?
Am I inlove with her? Bumalik ang tanong pilit kong iwinawaglit mula pa kagabi pero...
"What's with the kiss? It's your fault. May patakbo-takbo ka pang nalalaman." I smirked. Ayokong magpahalata sa kanya na may nararamdaman nga ako sa kanya.
"kasi..."
"Hey!" Sabay kaming napalingon ni Mina sa likuran namin at nakita si Elezar. "Hey couz!" bati niya sa 'kin saka nakipagfist bump. "Hello Mina," baling niya kay Mina. Nilingon siya nito at ngumiti lang. "What you two doing here? Malamig na ah," dagdag niya.
"Nagpapahangin lang," walang ganang sagot ko. I never like this man since I was a kid. I could still remember that he and Yukie was always fighting when we were young. And I hate him for being arrogant and boastful mas lalo na ngayong siya ang nagmamanage ng resort ni lola Beatriz.
"Whoah! Don't tell me you guys find boring in here!" aniya matapos umupo sa tabi ni Mina. Inilusong din nito ang mga binti. Nakita ko namang nakangiti lang si Mina sa kanya. Aba't!
"Mina, diba may sasabihin ka?" pag-aagaw ko ng pansin niya. Agad naman siyang bumaling sa 'kin na waring nagtataka dahilan din para mapakunot ako ng noo.
"Bro!" napalingon ako sa tumawag sa 'kin. Si Mark. Napalingon rin sina Mina at Elezar. "Jam tayo! Maraming naghahanap sa 'yo!" sigaw niya.
"Susunod ako!" sigaw ko pabalik. Nagthumbs up ito saka pumasok sa loob ng mini bar na nasa gitna ng swimming pool. May bridge naman para makarating do'n.
Nakita ko ang pag-arko ng kilay ni Mina, naguguluhan.
"Mabenta pa rin pala ang boses mo rito sa resort Bryle!" sabat ni Elezar. I looked at him expressionless.
"Kumakanta na si Bryle rito noon pa?" Nasa tono ni Mina ang excitement. Ang kanina mukha nitong nagtataka ay napalitan ng tuwa.
"Yeah! Dumami ang guests namin dito because of him," paliwanang ni Elezar. God knows how irritating this man.
"Talaga?" masaya niyang sambit.
Dahan-dahan akong tumayo. Ayokong iwan si Mina kasama ang hambog na 'to pero tinawag na naman akong muli ni Mark.
BINABASA MO ANG
A Beautiful Song(Completed)
HumorSino ang mamahalin mo? • Matthew the professor slash the good boy with hidden secrets? Or.. • Bryle the gangster slash the bad boy with hidden feelings? Sino ang magsasabing.. "because you're a beautiful song in my heart.." • Special thanks to LituS...