Chapter 2: Annoying Kiss!

230 47 23
                                    

"Hi bessy!" Masayang bati ko sa kanya ng makapasok ako ng classroom.

Umangat ang ulo niya mula sa pagkakabasa ng libro. Tiningnan ko ang binabasa niya, My Clumsy Girl ang title. Saan na naman kaya nabili yan? Addict sa novel ang babaitang ito e.

Inayos niya ang salamin niya at inaninag akong mabuti na parang inieksaming mabuti.

"Hmm.. parang kinakabahan ako sa aura mo ngayon.." Satinig niya habang inilipat ang page ng libro.

Napakunot ang noo ko pagkaupong pagkaupo ko sa tabi niya.

Ipinasok niya sa bag niya ang binbasa niya at humarap sa'kin. Tinutukan niya ako sa mata as if pinag-aaralan kung ano ang iniisip ko.

"Confirm!" Aniya. She clapped her hands. Eh? Anong confirm?

"Anong confirm?" Tanong ko sa kanya habang nilalaro ang ballpen ko.

"Kompleto na naman ang araw mo no? Hmm.. nanggaling ka na naman dun?" Ahh.. yun naman pala.

Ngumisi ako. "Oo naman. Ako pa! Pasalamat nga ako kay Miss Onggocan kasi pinalabas ako kanina, so ayan.. Nakita ko na naman ang love of my life ko."

"Hahahhah! Ikaw talaga bessy! Puro Sir Matthew laman ng utak mo, kaya yan tuloy.. Palagi kang napapalabas sa klase. Magbago ka na kasi. 2nd Year college ka na. Isip bata ka pa rin. Haha! Sino ka nga uli?" Pinagtawanan pa talaga ako. Sira tuktok ng babaeng ito.

Hindi ko talaga lubos maisip na naging bestfriend ko ito. Magkaiba kami ng taste sa mga bagay-bagay pero magkasundo kami takbo ng isip namin. Ano daw? Naguguluhan ako. Haha! Baliw na nga ata ako.

Tinaas ko ang kanang kamay ko na parang nanunumpa sa watawat at nagsalita. "I'm Mint Nathalie Aurellano. Mina for short. 18 years young. Beautiful, pretty, gorgeous, lovelady in the whole world. Studying Bachelor In Elementary Education. I believe in the saying that says In darkness there is freedom. Thank you."

Humagalpak ng tawa ang katabi ko.

"Hoy! Baka kung ma-stroke ka sa kakatawa diyan. Mahirap na." Sabi ko.

"Bakit ba kasi sinama mo pa ang 'In darkness there is freedom' ..Haha! Hindi ko kinaya yun girl." Sabi niya himas-himas ang tiyan niya. Baliw talaga to.

Anong nakakatawa sa sayings ko? Totoo naman diba? Sa kadiliman, malaya mong magagawa ang hindi mo kayang gawin sa may liwanag. Try niyo kaya, I'm sure you'll agree with me.

Tumayo siya at kinuha ang bag niya. "Halikana nga.. Puro ka kalokohan. Kain tayo. Lunch time na."

Tiningnan ko ang wristwatch ko. First period si Sir Matthew at hindi ako pwedeng ma-late.

"Dito na lang ako bessy. Ayokong ma-late sa klase ni love of my life. Besides, hindi pa ako nagugutom." Sabi ko.

"Amm.. malayo pa naman ang time. Makakakain pa tayo niyan. Balita ko, masarap ang carbonara ngayon sa cafeteria. Sige, ako na lang kakain. Bye!" At nag-ala tsunami walk.

Pero teka! Carbonara? My peborit! Hindi ko pwedeng palampasin yun.

"Bessy! Wait for me!" At hinabol ko siya.

Matapos naming umorder ay umupo na kami sa bakanteng table. Yum. Yum. Yum.. Natatakam ako sa carbonara. Waaahh! Kainan na..

"Pssstt.."

"Pssstt.."

Sino ba yang sitsit ng sitsit diyan. Naalala ko tuloy yung movie na T2. Natakot ako bigla. Baka nasa paligid lang yung mga engkanto. Ohno!

"Pssst.."

"Pssstt.."

Kinabahan ako. Tiningnan ko si Christy na sarap na sarap sa kinakain niyang Spaghetti. Hindi niya ba napapansin ang sitsit? Waaahh! Ako lang ata nakakapansin. Waaaahh! Lumayo kayo sa'kin. Wala akong 3rd eye!

"Okay ka lang bessy?" Tanong ni Christy sa'kin. Napansin niya sigurong balisa ako.

Tumango ako sa kanya para sabihing oo pero sa totoo lang. Nagwawala mga lamang loob ko. Natatakot ako.

"Psst.."

"Pssstt.."

Ayan na naman eh. Parang awa niyo na.. Tigilan niyo na ako.

"Bessy, lingunin mo na kaya yang sumisitsit sa likuran mo. Kanina pa yan eh. May kailangan ata sa'yo."

Tumingin ako kay Christy. Nakikita niya? Waaahh! Magbestfriend nga talaga kami. Nakikita niya at nararamdaman ko. Perfect Combination.

"N-nakikita mo sila?" Nabubulol kong tanong.

"Oo naman. Ayan sila oh, sa likod mo." Inginuso niya ang likuran ko.

Waaahh! Baka kapag nilingon ko sila, aatakihin ako sa puso kahit na wala akong sakit sa puso. Kuyyaaa Indigo! Kuyaaa Redd!

"H-hindi ba n-nakakatakot p-pagmumukha nila?" Nanginginig na ata ako.

"Medyo? Alam mo naman ang mga gangster diba? Lingunin mo na kasi. Hindi titigil ang mga yan sa kakasitsit sa'yo." Ohno! Mukhang gangstet na rin pala ang mga multo ngayon?

Hinay-hinay kong nilingon ang nasa likuran ko. Bahala na talaga!

Halos mahulog ang mga mata ko sa nakikita ko. Seriously?

"Hi Miss.." Bati ng isang T2.

Mga bwisit. Akala ko pa naman kung ano na. Akala ko pa naman mga ligaw na kaluluwa na.

Automatic na napataas ang kilay ko. Pero thanks to them, hindi ako aatakihin sa takot pero parang aatakihin ako sa kunsumisyon nito a.

Inirapan ko sila. Mga gangster. Mga bad boy. Sila ang tinatawag na Delta Black. Uso pa pala yan ngayon?

Narinig kong naghiyawan sila.

"Wag ka namang ganyan Miss. Makikipagkilala lang e."

Nagsalita ang leader nila. Siyempre kilala ko ang mokong na'to. Si Bryle.

"I'm sorry pero hindi ako nakikipagkaibigan sa mga bad boy slash gangster and bullies." Irap kong muli.

Naramdaman kong lumapit sa likuran ko si Bryle.

"Suplada naman.." Sabi niya.

Napatayo ako ng wala sa oras! Nabwibwisit ako sa mga ganitong tao.

"Hoy!" Dinuro ko siya ng tinidor.. "Kung sa tingin mo, gusto kong makipagkaibigan sa'yo, nagkakamali ka! Ang pangit-pangit mo." Inayos ko ang bag ko. Nawawalan ako ng ganang kumain.

"Tara na Christy. Nakakawalang gana ang lalaking ito."

Naghiyawan na naman ang mga kasama nito.

Hinawakan niya ako sa braso. Mahigpit na pagkakahawak.

"Hindi ka ba natatakot sa'kin?" Sabi niya. Tinatakot niya ba ako? Neknek niya.

"Bakit naman ako matatakot sa'yo? Buti sana kung multo ka, paniguradong matatakot ako sa'yo." Lakas loob kong sabi sa kanya.

Tiningnan niya ako sa mata. Bakit parang may naramdaman akong kakaiba sa mga titig niya. Aaahh! Sigurado akong galit ang nararamdaman ko.

Naagaw na rin namin ang attention ng nasa loob ng cafeteria. Marami-rami na rin ang naghihiyawan.

"Ang tapang mo a.." Nakangising sabi niya.

"Bitawan mi nga ako. Nasasaktan ako!" Hiyaw ko.

Pero imbes na bitawan ako, hinapit niya ang beywang ko at walang sabi-sabing hinalikan niya ako.

Waaaaahhh! He is kissing me? Masiyado atang OA ang kissing. Okay! Let me rephrase that, he kiss me! HE KISS ME!

Inilayo niya ang mukha niya at ngumisi sa'kin.

Yung iba matutuwa kapag hinalikan at sasabihing passionate kiss.. Bwisit! Isa yung annoying kiss!

ANNOYING KISS! Yan ang tamang description sa halik na yun. Leche!

A Beautiful Song(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon