"Sigurado ka bang kaya mong umuwi?" tanong ni Christy. Alam kong nag-aalala siya.
"Kaya ko. Sige na, tinext ko na rin si kuya Indigo na sunduin ako." Ngumiti ako para mawala ang pag-aalala niya.
"Sigurado ka ba?" Tanong niyang muli. Tumango ako.
Sumakay na siya sa sumundo sa kanya samantalang ako naman ay naiwang mag-isa. Tiningnan ko ang wrist watch ko. Alas singko na ng hapon. Kinuha ko ang number ko para tawagan si Matthew nang biglang may humablot nito sa mga kamay ko.
"Oh my ghad!" Napatili ako. Tiningnan ko ang may gawa nun at nakita si Bryle na naka-smirk sa'kin. Bigla namang nagsi-akyatan ang dugo ko sa ulo.
"Wala ka ba talagang good manners? Hindi ka ba marunong rumespeto?" Nakapameywang kong bulway sa kanya.
Hindi niya ako sinagot. Sa halip ay naglakad ito palayo sa'kin.
Ano? Bwisit talaga ang lalaking iyon. Ano bang sa tingin niya ang ginagawa niya? Walang modo!
Narinig ko ang pagkabuhay ng motor niya. Naaninag ko siyang papunta sa lugar ko.
"Sakay na!" Itinaas ko ang kilay ko.
"Huh! In your dreams!" Saka ako tumalikod sa kanya.
"Sasakay ka ba o gusto mo pang kaladkarin kita?" Paninindak niya.
Humarap ako sa kanya at pinandilatan siya ng mata. Bwisit ka talaga Bryle!
"Ano?" Bulyaw niya.
"Your impossible!" I rolled my eyes saka sumampas sa likuran niya.
"Kumapit ka." He said coldly.
"I know." Nakabusangot kong tugon sa kanya.
Hindi naman kapit tung ginagawa ko. For Pete's sake! I'm hugging him. You're impossible Mina. Bakit ka ba sumasama sa tulad niya? Kapahamakan lang dala niya eh! Sigaw ng kabilang bahagi ng utak ko. Tsk!
Makalipas ng ilang minuto ay huminto kami. Nilinga ko ang paligid. Nasa bahay niya kami.
"What are we doing here?" Nagtatakang tanong ko.
Hindi niya ako sinagot. Sa halip ay hinila niya ako papasok ng bahay. Leche! Hindi naman uso panghihila ngayon ah!
Naabutan ko ang mga tropa niyang parang nagpupulong. Teka! Bakit ang dami ata nila ngayon?
"Bunso!" Nagulat ako ng makita si Kuya Indigo.
"Anong ginagawa mo dito kuya?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"May pinag-uusapan kaming mahalaga." Sagot niya saka ginulo ang buhok ko.
Mahalaga daw eh. Tiningnan ko si Bryle na ngayon ay nakikisali na rin sa kanila. Pinagmasdan ko siyang mabuti. Sa tuwing tinututukan ko ang pagmumukha niya, bakit lalo siyang gumagwapo? Aish! Tumigil ka nga Mina! Naglalandi ka na naman! Baka nakakalimutan mo may boyfriend ka.
Naglakad na lang ako papunta sa sofa at binuksan ang T.V. Nagulat ako nang biglang bumungad ang napakalakas na volume ng T.V na siyang ikinataranta ko.
"What the fuck!" Yun yung mga naririnig ko sa kanila. Pasensiya naman.
"Bunso, ano ka ba? Hindi ka naman siguro bingi diba? Hinaan mo yan." Halos di ko marinig ang sinasabi ni Kuya.
"Ano kuya?" Parehi na kaming nakatakip ang tenga.
Hinanap ko ang remote. Nasan na ba yun? Maya-maya pa'y humina na ito.
"Stupid." narinig kong mura ni Bryle. Eh kung sipain ko kaya siya diyan.
"Mintol! Okay ka lang? Sandali! Ikukuha kita ng makakain." Sasagot pa sana ako pero tumalima na agad ang jejemon na lalaking iyon.
BINABASA MO ANG
A Beautiful Song(Completed)
HumorSino ang mamahalin mo? • Matthew the professor slash the good boy with hidden secrets? Or.. • Bryle the gangster slash the bad boy with hidden feelings? Sino ang magsasabing.. "because you're a beautiful song in my heart.." • Special thanks to LituS...