Chapter Twenty-Nine

107 38 8
                                    

Sembreak na at wala pa ring kaalam-alam sina kuya about sa relationship namin ni Matthew ko. Waaahhh! Sasanayin ko na ang sarili ko na walang sir sa pagtawag sa kanya.

Bumaba ako sa kusina para mag-agahan. Ano kaya ang pwedeng gawin ngayong araw? Tawagan ko kaya boyfie ko para magdate kami? Ay! Nahihiya ako. Nang-giggle tuloy ako sa naiisip ko. Haha! Hmm.. paano kaya kung si Yukie ang tawagan ko para kulitin ko? Tama! Bakit hindi ko agad naisip yun?

"Oh bunso, tanghali na a. BAkit ngayon ka lang nagising?" Tanong ni kuya Indigo habang nanunuod ng Prince of Tennis. Waaahh! Pagkakita ko sa pinapanuod niya ay agad akong umupo sa tabi niya at nakinuod na rin. Ang gwapo talaga ni Yu Shirota. Waaahh! My googleness!

"Wala pala si Kuya Red ngayon. Umalis siya kaninang umaga, meron raw silang seminar sa Cebu." Aniya.

Napatingin ako kay kuya.

"Ang layo naman. Ilang araw ba siya dun?" Tanong ko.

"Sabi niya two-days daw."

"Kuya, bakit may band-aid yang noo mo?" Turo ko sa band-aid na nasa noo niya, tapos may ibang galos pa yung mukha niya. I'm sure nakipag-away na naman ito.

"Wala to. Wag mo na ngang pansinin yang mukha ko." Sabay irap niya sa'kin.

Ang suplado. Tsk!

"Meow.. meow.." Si baby Matmat.

"Baby Matmat!" Tawag ko sa pusa ko.

"Ano ka ba naman bunso, palitan mo na nga yang pangalan ng pusa mo. Nakakarindi eh tsaka ang kenkoy na professor mo ang pumapasok sa utak ko." Umusog si kuya palayo sa'kin.

"Si kuya naman. Mas gusto ko ang Baby Matmat e. Wag ka na kasing magreklamo diyan." Lumapit ako sa kanya. Nasa kandungan ko si Baby Matmat.

"Lumayo ka nga sa'kin at allergic ako sa pusa." Sabay takip sa ilong niya.

"Ay ang OA mo naman kuya." I said. Hindi niya ako sinagot. Tinuon niya ang mata niya sa T.V.

"Kuya.." Mahinang tawag ko sa kanya.

"Hm?" Sagot niyang hindi tumitingin sa'kin.

"Paano kung manligaw si Sir Matthew sa'kin?" Nakayukong tanong ko. Hinihimas-himas ko ang balahibo ni Matmat.

"Aray ko naman kuya!" Batukan ba ako?

"Hindi ako makakapayag. Sinaktan ka na niya dati bunso. Hinayaan ka namin sa kahibangan mong iyan. Naging desperada ka dahil sa kenkoy na yun tapos magpapaligaw ka?" Woah! Galit si Kuya.

"Nagtatanong lang naman kuya." Wala na! Nawalan na ako ng lakas ng loob para sabihin sa kanila na may relasyon na nga kami ni Matthew ko. Napabuntong hininga ako.

"Oh para san yan?" Napatingin ako sa kanyang nagtataka.

"Ang lalim ng hininga mo e. Basta bunso, ito lang masasabi ko sa'yo..hindi ko gusto ang lalaking iyon para sa'yo Aba't papatulan ka lang nun dahil patay na patay sa kanya. Pumili ka na lang kasi ibang lalaki. Andiyan naman si Yukie-"

"Narinig ko ang pangalan ko." Sabay kaming napalingon ni Kuya sa sumingit. It's Yukie.

Lumapit siya sa'min at umupo sa tabi ko tsaka ako inakbayan. Feeler masiyado ang lalaking ito.

"Pinag-uusapan niyo ata ako? Kaya naman pala kumakati ilong ko." Ngumisi siya.

Tiningnan ko siyang nakataas ang kilay ko.

"Heto namang si Mina.. tatarayan na naman ako." Tatawa-tawang sabi niya.

"Sabi ko nga kay bunso, ikaw na lang itong mahalin niya kaysa naman magkandarapa sa kenkoy na professor na yun." Pasimpleng wika ni Kuya.

A Beautiful Song(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon