Chapter Seventeen

142 42 10
                                    

Isa-isa silang nagsipasukan. Kapwa tagatak ang nga pawis, at wow lang ha.. wow talaga! Napapalibutan ako ng mga katawang kahit ni sa panaginip ko'y hindi ko nakikita. Waaah! Malulunod ata ako nito.

"Here we are, para matapos agad yang trabaho mo, tutulungan ka namin." Sabi ni Ken sa'kin.

Ngumiti ako. Madali naman palang kausap ang mga lalaking ito e. Hmm.. Ang yuyummy ng mga katawan. Aww! I need batok.

"Okay! So simulan na natin." Sabi ko.

Nagkanya-kanya na kami ng mga trabaho. Yung iba, dun sa hagdan, naglalampaso, yung iba naman sa kusina, feeling ko hindi naglilinis ang nandun, andun kasi si jejemon boy kaya ref ang kinakalkal nun. Parang pusang gala.

Yung iba naman nagmamop, yung iba may hawak na walis. At ako naman may feather duster na dala. Siyempre, mga alikabok lang yung tatanggalin ko. Ang talino ko talaga, ay hindi pala! Mga uto-uto lang talaga sila.

Lumingon ako sa kinaroroonan ni Ken na pinupunasan ang bintana. Nakikita kong tagatak ang pawis niya. Maya-maya'y hinubad niya ang suot niyang dapit at halos bumulagta ang mga mata ko sa nakikita ko. Hell yeah! This is heaven.

Inilibot ko ang mga mata ko sa paligid. Talagang nasa heaven ako ng mga machong lalaking ito. Waaahhh!

Napansin kong nagvibrate ang cellphone ko, kinuha ko ito at binasa. Text from Yukie, saying hi.. may isa pa akong inopen. Ohhhh.. Galing kay Sir Matt.

-Absent ka na naman? Report to me tomorrow kung ayaw mong bumagsak sa subject na'to!

Luhhhh.. Lagot ako nito kay Sir Matt. Nung isang araw lang ako kinausap ni kuya sa sinabi ni Sir Matt na absent daw ako palagi. Siyempre, kumalkal ako ng mga rason na pwedeng gamitin kay kuya. Mabuti na lang naniwala siya. Haayyy!

"Sa taas ako Ken ha!" Sigaw ko kay Ken at tumango lang siya.

Umakyat ako taas. Nakita kong may tatlong rooms. Pumasok ako sa pintuang color Blue.

Bumungad sa'kin ang panlalaking amoy. Lahat ng gamit ay kulay blue. I'm sure kwarto ito ni Bryle. Favorite color niya pala blue? Hmm..

Umupo ako sa kama. Ang lambot. Hindi pa ako nakuntento, humiga pa ako. Ang bango naman ng bedsheet niya. Sigurado ba siyang walang naglilinis dito? Bakit pulidong pulido ang mga gamit niya? Gangster ba talaga may-ari ng kwartong ito?

Bumangon ako para malibot ang kabuuan nito. Mas malaki pa ito sa kwarto ko, parang sala na namin ito eh. Naglakad ako sa bintana at hinawi ang kulay asul na kurtina.

Ihip ng hangin ang sumalubong sa'kin. Tumambad sa'kin ang mga kakahuyan. May forest pala dito? Bakit hindi ko napansin sa labas?

"Mina?" Rinig kong boses ni Ken. Dali-dali akong naglinis kunwari bago bumukas ang pinto.

"What are you doing here?" Tanong niya.

"Ano pa nga ba, edi naglilinis." Mataray kong sagot at ipinagpatuloy ang mga pag-pagpag ng feather duster as if may alikabok dito.

"Aalis na tayo. Be ready." Sabi niya bago lumabas.

"Teka! Anong oras na ba?" Hinabol ko siya. Kakalinis ko pa nga lang aalis na agad?

"Quarter to 5 na. Kailangan mo pang maghanda ng sarili mo, may mga damit ka baba. You can't go wearing your uniform." Saka tumalikod.

Damit? Sa baba?

"And one more thing.." He paused.

"Wag ka ng pumasok sa kwarto na yan, kung gusto mo pang mabuhay." At bumaba na siya ng hagdan.

A Beautiful Song(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon