Katatapos lang ng klase ko ngayon. Nagpaalam ako kay Christy na may pupuntahan ako. Namimilit kasing mag-mall eh wala ako sa mood para gumala. I just want to spend my day sa condo ng baby ko. Nandun rin si Baby Matmat, baka kasi hindi pa nakakain yun eh.
Kinapa ko ang bag ko para tingnan ang duplicate key na ibinigay ni Matthew last day. Hanggang ngayon kinikilig pa rin ako sa 1st monthsary namin. That was so perfect. Hindi ko talaga lubos maisip na papahalagahan ako ng ganun ni Matthew.
Inilabas ko ang susi. Akmang ipapasok ko na sa door knob nang bigla itong bumukas. Nagulat ako nang makita siya
"What are you doing here?" Tanong niya sa'kin na nakataas ang kilay.
Hindi ko alam ang isasagot ko. Yeah! His mom doesn't like me that much kasi ako lang daw makakapagsira ng career ng anak niya pero what can she do ba eh pareho naming mahal ni Matthew ang isa't isa.
"May kukunin lang po ako." Kinakabahang sagot ko.
Napansin kong tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at inismiran. Matapobre talaga ang mama niya. Saan ba nagmana si Matthew eh magkaiba sila ng ugali.
Nakita niyang hawak ko ang duplicate key ng condo ni Matthew.
"Kaya pala nawawala ang duplicate key sa drawer kasi nasa sa'yo pala." She said. Kinakabahan na talaga ako. Baka kasi sampalin niya na lang ako basta-basta. Ayoko pa namang nakikipag-away sa matanda.
"B-binigay niya po sa'kin." Nauutal kong sagot. Halata ba masiyadong natatakot ako sa kanya?
"I guess so. Hindi ko talaga maintindihan bakit ka nagustuhan ng anak ko. Meron namang mas edukada kesa sa'yo pero ikaw pa itong nakita niya. Oh! Bago ko makalimutan iha, alam mo bang bawal ang teacher and student relationship? I am one of the stockholder sa pinapasukang paaralan ni Matthew and I can fire him for violating the rules." Tiningnan ko siya. Matapobre talaga ang pagmumukha nito. Para siyang walang breeding.
"Magkaiba po kami ng paaralan ni Matthew. Kaya we are not violating any rules." Hindi ko na mapigilan. I need to voice out kasi nasasaktan na ako sa pinagsasasabi niya.
"Ohh.. hindi ko alam na walang galang ang girlfriend ng anak ko." aniya na parang hindi makapaniwala.
"I'm sorry ma'am kung may nasabi akong hindi maganda pero hindi naman po siguro tama na pagbawalan mo kami ni Matthew." Dagdag ko. Gusto ko mang umiyak pero hell no, hindi niya dapat akong makita na umiiyak.
"Sweet statement. Let me remind you iha, basta sinabi kong hindi pwede, hindi talaga pwede. Wag mo ng ipilit ang sarili mo sa anak ko, isa ka lang kahihiyan sa pamilya namin." Inismiran niya ako at naglakad palayo sa'kin.
"And let me tell you, I will do everything para paghiwalayin kayo. Hindi ako makakapayag na isang tulad mong mababa ang estado sa buhay ang girlfriend ng anak ko at..." she paused, "kung mahal mo nga siya talaga, you can let him go because he is already engaged to someone." Yun ang huling narinig ko bago siya pumasok sa elevator.
Engaged?
Para akong binagsakan ng ilang sakong bigas sa narinig ko. His mom really hates me. Matapobre. Ayokong magpa-apekto pero tumatagos talaga sa puso ko ang mga sinabi niya pero ano daw? Matthew is engaged?
Nalilito ako. I'm pretty sure na hindi ito alam ni Matthew. Minsan na naming napag-usapan ang tungkol mama niya. I know he is aware sa pag-uugali ng inggrata niyang ina. Sorry to tell this pero talagang inggrata siya.
Hindi na ako tumuloy pa sa condo ni Matthew. Naglakad ako palayo sa pintuan at pinindot ang ground floor button sa elevator.
Pagkalabas ko ay sinalubong ako ng malamig na hangin. Gabi na pala. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko. Homayghad! 33 missed calls, 26 text massages. Tiningnan ko at lahat galing kay kuya Indigo. I opened the text messages at ganun rin galing kay Kuya pero may nakita akong unknown number. Binuksan ko ito at binasa.
BINABASA MO ANG
A Beautiful Song(Completed)
HumorSino ang mamahalin mo? • Matthew the professor slash the good boy with hidden secrets? Or.. • Bryle the gangster slash the bad boy with hidden feelings? Sino ang magsasabing.. "because you're a beautiful song in my heart.." • Special thanks to LituS...