Chapter Thirty-One

105 38 6
                                    

"Aaaaaahhhhh!" Sigaw kong takot na takot.

"Meowwwww! Meoowww!"

Napako ako sa kinatatayuan ko. Si Baby Matmat!

Agad akong tumakbo papunta sa kanya ng makitang naglalakad siya papunta sa'kin.

"Baby Matmat!" Tawag ko sa kanya at kinarga siya.

"Namiss kita. Saan ka ba nagsusuot Baby Matmat? Pinag-alala mo ako. Ikaw talaga." Sabay himas-himas ko sa kanya.

"Bakit ang baho mo? Amoy basurahan ka. Naghanap ka ba ng pagkain sa basurahan? Kadiri ka naman Baby Matmat."

"Meooww. Meooww!" Naiintindihan niya siguro pangaral ko sa kanya. Mabuti naman kung ganun.

"Sa'yo ba ang pusang iyan ate?"

"Aaahh!" Halos mapalundag ako dahil sa takot nang may nagsalita mula sa likod ko.

"Hala! Natakot ba kita ate? Sorry ha?" Sabi niyang naglalakad. Unti-unti kong nakikita ang kabuuan niya. Isa palang batang lalaki na may hawak na supot.

Umiling ako. "H-hindi, nagulat lang ako sa'yo." Pagsisinungaling ko.

"Ah. Sa'yo ba ang pusang iyan?" Tanong niyang muli.

Tumango ako.

"Ahh. Ang cute niya a." Sabi niya sabay himas kay Baby Matmat.

"Gabi na a. Bakit andito ka pa?" Tanong ko sa kanya.

"Hala! Nakalimutan ko. Bumili nga pala ako ng gamot ni Lola. Sige ate a. Aalis na ako. Ba-bye!" Saka siya nagmadaling tumakbo.

"S-sandali!" Pero hindi na niya ako narinig.

Naglakad na lang ako pauwi total nakita ko na rin naman si Baby Matmat.

"Oh! Mabuti at nakita mo yang alaga mo." Bungad sa'kin ni kuya sa kusina.

"Ate Nita, pakainin niyo po si Baby Matmat." Ani ko.

"Ang baho naman ng pusa mo. Ilabas mo nga yan." Reklamo ni kuya habang tinatakpan ang ilong nito.

Hindi ko siya sinagot. Sa halip ay kinuha ko ang pedigre ni Baby Matmat at naglakad papunta sa sala.

"Ayan.. Kumain ka ng marami Baby Matmat ha? Wag ka ng basta-basta na lang tatakbo sa kung saan." Sabay pat ko sa ulo niya.

Tumayo na ako at dumiretso sa kwarto ko para makapagbihis na rin ako. Amoy basura na rin ako e.

Matapos kong magbihis ay bumaba na ako at dumiretso sa kusina. Nagugutom na ako.

"Kumain ka ng marami Mina. Nangangayayat ka na." Sabi ni Ate Nita habang sineserve ang mga pagkain sa lamesa.

Ngumiti lang ako sa kanya at nagsalin ng kanin at ulam sa pinggan ko.

"Siyanga pala, nagpunta dito kanina yung kras mong propesor. Hinanap ka." Napatigil ako sa pagnguya sa ibinulong niya sa'kin.

"Wag kang maingay na sinabi ko sa'yo. Sabi kasi ng kuya mo, wag ko raw sabihin dahil baka mahibang ka na naman daw." Saka siya kumuha ng tubig sa ref.

"Anong sabi niya Ate?" Tanong ko.

"Hinanap ka, sabi ng kuya mo natutulog ka na at hindi pwede maistorbo. Eh nasa labas ka naman kanina, namilit pa nga yung Sir mo na makita ka kasi hindi ka raw sumasagot sa tawag niya. Muntik na nga silang mag-away ni Indigo." Bulong niya parin sa'kin.

"Hindi rin siya nagtagal at umalis na rin." Dagdag pa niya.

Ngumiti lang ako sa kanya at nagpatuloy sa pagkain. Nakikisabay pa sa kabwisitan itong si Kuya e.

A Beautiful Song(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon