Chapter 60: All in one

39 2 0
                                    

Kakauwi ko lang sa bahay ngayon. Kapagod talaga mag-aral. May mga quizes pa kami bukas kaya kailangan kong mag-study pero wala talaga ako sa mood.

Ano kayang pwedeng gawin? Busy rin si bessy ngayon. Si Kuya Indigo naman naglalaro ng play station sa baba. Si Kuya Red naman, ewan ko. Lumalablayp kaya 'yun. Ayeeee... sa wakas may nahanap na ring babaeng mamahalin si kuya Red. Akala ko pa naman tatanda siyang binata.

Hmmm...si Bryle kaya? Ano kayang ginagawa niya? Aish! Ayoko namang isturbuhin iyon.

Kinuha ko ang cellphone ko pero imbes na kay Bryle ang number na idadial ko, kay bessy ang napindot ko.

"[Bess? Bakit?]" bungad niya sa 'kin sa kabilang linya.

"Bess, busy ka ba? Pasyal tayo sa mall." Hindi ko alam saan ako nakuha ng ideyang iyon. Aish!

Para namang batang nakakuha ng perfect score itong si bessy, pumayag agad eh. Basta raw libre. Tsk!

~~~

"Bakit bigla kang nag-aya bess?" tanong ni Christy sa 'kin pagkaupong-upo namin dito sa loob ng chowking.

"Boring sa bahay saka maaga pa naman para matulog." I flipped my hair then eat my halo-halo.

"Teka..." Napalingon ako kay bessy nang tumigil ito sa pagsasalita. Nakita kong nakatingin siya sa likuran ko kaya napalingon din ako.

Napakunot ng noo ng makitang iilang kabataan ang nagpapapicture sa mascott ng Jollibee, katabi lang kasi ng chowking ang Jollibee.

Nilingon kong muli si bessy at ngumisi. "Bess, don't tell me gusto mo ring magpapicture?" natatawang sambit ko.

"Hindi, may nakita akong pamilyar na tao kaso hindi lang ako sigurado," wala sa loob na tugon niya matapos ay muling pinaghalo ang halo-halo niya.

"Sino naman?" takhang tanong ko.

Tumingin siya sa 'kin bago nagsalita, "si...Sir Matthew."

Nabitiwan ko ang hawak kong kutsara. Biglang gumuhit sa mukha ko ang pagkabalisa, takot at kaba. Ano ba 'yan! Para naman akong may utang na tinatakbuhan. Ano naman kung makita ko siya? Biglang kong naalala ang pinag-usapan namin ni Bryle noon...






Flashback



"Paano kung magkita kayo ulit ni Matthew, anong gagawin mo?" tanong ni Bryle sa 'kin habang nakatitig lamang sa 'king mga mata.

Sa totoo lang, hindi ko alam ang gagawin ko. Naguguluhan ako.

Nanatitili lang akong nakatingin sa kanya. Walang kahit na anumang salita ang lumabas sa bibig ko.

"Aalis na ako," wala sa loob niyang paalam. Akmang aalis na siya nang hinawakan ko ang mga kamay niya dahilan para huminto siya at humarap sa 'kin.

"Huwag mong hayaang magkita kami Bryle...please..." mahinang sabi ko saka niyakap siya ng mahigpit.

"Hindi mangyayari iyon, pangako." Niyakap niya ako ng mahigpit. Napangiti ako dahil sa binitiwan niyang pangako.

End of Flashback

"Bess?" Napukaw ang atensyon ko sa boses ni Christy sa harap ko.

Huminga ako ng malalim saka ngumiti. Despite of these feelings I have, I can still feel relieve kapag naalala ko si Bryle.

"I'm okay," mahinang tugon ko.

Akmang isusubo ko na sana ang kutsara nang tumunog ang cellphone ko. Agad ko itong tiningnan at napangiti nang makita kung sino ang tumatawag.

"Sus! Kinikilig na naman po ang bessy ko," pang-aasar ng kaharap ko.

A Beautiful Song(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon