"Heto ilang notes ko, mabuti na nga lang at tinanggap kang muli rito sa school, kung hindi lang attorney si Kuya Red naku! Goodbye Mina ka talaga." Kanina pa 'yang si Christy sa kakadaldal na parang hindi nauubusan ng salita. Saan ba ipinaglihi ang babaeng ito at kung makapagsalita wagas?
Nakapag-enroll ako ulit. Kakaumpisa pa lang naman ng December kaya tinanggap ako, maswerte pa rin ako dahil attorney ang kapatid ko.
"Sabihin mo sa 'kin kung ano pa ang kulang. Alam ko namang fast learner ka bessy kaya no worries ako," very proud niyang sabi. Napangiwi naman ako. Fast learner daw eh.
Ngumiti lang ako sa kanya. That's why I so love my bessy eh. Pinapalakas palagi ang loob ko.
Tiningnan ko ilang mga notebook na ibinigay sa 'kin ni bessy, hindi ko maiwasang mag-isip nang kung anu-ano tungkol kay Bryle tungkol sa mga nalaman ko. Ang dami kong tanong na hindi ko rin kayang sagutin.
Ang alam ko, hindi siya papasok ngayong semester. I don't know pero bigla na lang siya nagiging vocal sa 'kin nowadays. Yung tipong, sasabihin niya anuman nilalaman ng utak niya?
About what he said last night. Napaisip ako do'n. What if bumalik nga si Matthew? Hayyy...naguguluhan talaga ako.
"Bessy? You're spacing out," puna ni Christy sa 'kin.
"H-ha? May iniisip lang ako," I answerd.
"Ano? o baka naman sino?" aniya at humagikgik. Hinampas ko siya ng notebook dahil sa inasal niya. Naglalandi eh.
"Ewan ko sa 'yo bessy. Teka, may pasok ka pa ba?" tanong ko sa kanyang wala sa loob. Honestly, ayoko lang pag-usapan ang tungkol sa tanong niya.
"Edtech bes, I'm afraid hindi tayo classmate," bulong niya saka naglakad palayo sa 'kin. Loka-loka talaga siya.
Tapos ako? Saan naman ang destinasyon ko neto? Wala akong klase ngayon, may vacant akong isang oras. Ahhh, sa library na lang.
Saktong pagtayo ko ay siya ring pagtunong ng cellphone ko. It's from lola Bea. Napakunot ako ng noo. Tiningnan ko muna ang screen ng ilang sandali bago sinagot ang tawag.
"Bakit po-"
"Gising na si Yukie Mina!" bungad ni lola Bea sa kabilang linya.
Lumiwanag ang mukha ko dahil sa narinig ko. Sa wakas gising na si Yukie. Tinapos ko na ang tawag ni lola Bea saka ako nagmadaling tumakbo palabas ng school ko para pumunta sa hospital.
Masaya ako kahit papano para kay Yukie. Naging kaibigan ko rin naman siya kahit papano.
Ilang minuto pa ay natagpuan ko na lamang ang aking sariling nasa entrance ng hospital. Mabilis akong tumakbo papuntang ICU.
Naabutan kong inililipat si Yukie sa isang private room. Nakahinga naman ako ng maluwag nang inabas nila ito sa ICU sakay ang isang welchair. Lumapit ako at binati sina lola Bea at Mr. Trinidad. Ibinaling ko kay Yukie ang aking paningin at nagtagpo ang magkabipang kilay ko. He did not recognized me!
"Hindi siya nagsasalita iha, kanina pa namin siya kinakausap pero walang lumalabas na kahit ano sa bibig niya." Napalingon ako sa nagsalita, it's Mr. Trinidad.
"Mr. Trinidad," sambit ko.
"Frank iha, just call ne tito Frank," pagtutuwid niya sa 'king sinabi.
"Tito...Frank," alangan ko na namang sambit. Grrrr.. it's awkward, ya know!
Hindi niya ako nilingon, tanging nasa direksyon lamang ni Yukie siya nakatingin. Kitang-kita ko sa mga mata nito ang lungkot at awa para sa anak.
"Alam na po ba ito ni Bryle?" tanong ko. Ibinalik ko ang tingin sa ngayong nakahiga na si Yukie.
"Not yet," aniya na sinabayan ng pag-iling.
"Excuse lang ho tito Frank... tatawagan ko lang po siya sa labas." Nang tumango siya ay agad akong lumabas at idinial ang number ni Bryle na agad niya namang sinagot.
Matapos naming mag-usap ni Bryle ay umupo muna ako sa upuang metal. Isinandal ko ang ulo ko at ipinikit ang mga mata.
Napamulat ako ng may humilot ng sentido ko. Isang galit na galit na mukha ni Marian ang bumungad sa 'kin. Agad kong napatayo. Itinulak niya ako ng malakas dahilan para mabangga ako sa upuang metal kasabay no'n ay ang pagsuka ko.
"Do you think I will let you live bitch?!" Nanlilisik ang mga mata nito. Nagulat ako ng makitang inilabas nito ang isang baril mula sa jacket niya.
Pinilit kong makatayo ngunit masakit ang katawan ko dahil sa impact ng pagkakabangga ko sa upuang metal.
"I will kill you bitch!" sigaw niya saka tumakbo sa gawi ko para sumulong.
"Mina? Mina!" Naalimpungatan ako sa boses na tumawag ng pangalan ko. Napamulat ako ng mata at natunghayan ang nag-aalalang mukha ni Bryle.
Panaginip, panaginip lang pala. Nagpapasalamat pa rin ako dahil isang masamang panaginip lamang pala iyon.
"You okay?" tanong pa nitong muli. "Do you want me to call a doctor?" dagdag pa niya.
"I'm fine Bryle, it was just a nightmare," pabulong kong saad.
"You sure?" Paninigurado niya na agad ko namang tinanguan. I sighed. Nasaan na ba ang bruhang Marian na iyon? Bakit ko siya napanaginipan? Magpahanggang ngayon ay wala akong balita sa kanya.
"Nakita mo na si Yukie?" pag-iiba ko ng tanong.
"Kararating ko lang. Hindi pa ako nakakapasok sa loob," aniya.
Tiningnan ko siya at biglang niyakap ng mahigpit. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, ang alam ko lang gusto kong gawin ito sa kanya.
"Whoah! I really don't know na may pagnanasa ka pala sa 'kin Mina?" pagkasabing-pagkasabi niya no'n ay agad ko siyang itinulak. Aba! Sobrang taas na ang pressure ng hangin sa utak ng lalaking ito.
Hindi na ako umimik pa. Hahaba lang ang pag-uusap namin kapag sinagot ko pa ang bwisit na iyon!
Tumayo siya at naglakad papasok ng kwarto kung saan inilipat si Yukie. Ano kaya sasabihin ni Bryle? Ano kaya magiging reaksyon ni Yukie?
Lumingon pa siya sa 'kin at kumindat kasabay ang flying kiss! Yuck! Ang taas ng tingin nito sa sarili. "I shall return," pahabol niyang sabi at tumalikod na.
Anong I shall return? Sirain ko kaya ang ipinagmamalaki niyang mukha? Tsk! Tingnan natin hanggang saan ang sinasabi mong kagwapuhan Bryle!
Inismiran ko na lamang siya. Naiwan akong mag-isa sa labas. Mas nakakabuti kung sila munang magpamilya ang mag-usap-usap.
Bigla ko na naman naalala ang panaginip ko, bigla naman akong kinabahan.
Ilang minuto pa ang lumipas ay lumabas na si Bryle at mabagal na umupo sa tabi ko. Napalingon ako sa kanya. Ang seryuso ng pagmumukha niya. Ano kaya ang nangyari sa loob? Kating-kati na ang bibig ko para magtanong ngunit pinipilit kong huwag magsalita. Mahirap na.
"Br-" Hindi pa ako nakakasambit ng isang salita nang bigla siyang tumayo at hinagip ang kanang kamay ko saka ako kinaladkad palabas ng hospital.
"Bitawan mo nga ako Bryle! Kaya ko namang maglakad!" bulyaw ko sa kanya ngunit ni hindi man lang siya natitinag. Heto na naman po tayo...
Huminto kami sa harap ng sasakyan niya. Ito 'yung sasakyang gamit namin papuntang Leyte. I wonder why kung saan siya kumukuha ng pera para pambili-ay! Nakalimutan ko, mayaman nga pala sila.
Pinasakay niya ako sa passenger's seat. Umikot naman siya sumakay sa driver's seat. Teka! Saan kami pupunta?
Tiningnan ko ang mukha niya at pilit na binabasa ito pero hindi ko alam anong meron, hindi ko maaninag ang emosyong meron siya.
Anong nangyari sa pag-uusap nila kanina sa hospital? Aish! Wala akong maintindihan!
~~~
Thanks for reading
Votes and comments
Enjoy ❤
BINABASA MO ANG
A Beautiful Song(Completed)
HumorSino ang mamahalin mo? • Matthew the professor slash the good boy with hidden secrets? Or.. • Bryle the gangster slash the bad boy with hidden feelings? Sino ang magsasabing.. "because you're a beautiful song in my heart.." • Special thanks to LituS...